Kabanata 3

28 2 0
                                    

KAISTEN'S POV

Kinuha ni Joe ang baril niya bago kami sabay na bumaba sa sasakyan. Hindi na rin namin napigilan ang mga kasamahan namin at bumaba na rin sila mula sa likod ng truck.

Nakataas ang kamay ng babae, marungis siya at sobrang payat na.

"Tulungan ninyo ako please." aniya sa nanginginig na boses. Hindi kami maaring mag tiwala basta sa mga tao. Lalo na kung matagal na silang nabuhay sa labas na punong-puno ng kasamaan.

"Sino ka?" tanung ko sa kaniya. Hindi agad nakapag salita ang babae at parang nag-iisip pa siya ng maari niyang sabihin.

"Ako si Mira." pakilala niya makalipas ang ilang segundo.

"Nag sisinungaling siya, sabi ni Rose." narinig ko ito sa utak ko at boses ito ni Esmeray.

"Anong nangyari sayo?" muli kong tanung. Hindi ko pinahalata na alam ko nang nagsisinungaling siya.

"Hinahabol ako ng mga walkers, este zombie!" nanginginig pa ang boses nito sa takot.

"Nag sisinungaling ulit siya." Babala sa akin ni Esmeray.

Mabuti na lamang at nang bumalik ang mga ala-ala namin at bumalik ang mga kakayahan namin ay nadagdagan ito.

Si Esmeray ay mayroong Telepathy ability na nagdagdag at ang dati niyang kakayahan na Voice kung saan nakakapag bigay ng malakas na impact ang pagsigaw niya.

Si Rosevil naman ay napunta sa kaniya ang Teleportation at dumagdag sa kakayahan niya ang Mind Reading. Dati na sa kaniya ang Fire ngunit hindi namin alam bakit naiba ang kakayahan niya. Si Rose ang pinaka nahirapan na aralin muli ang mga bago niyang kakayahan. Maybe Jah have her reason kung bakit na iba ang mga kakayahan ng ilan sa amin.

Kay Night naman napunta ang Fire at Healing. Ironically Fire can hurt people and it's funny na sa kaniya din napunta ang healing when his other ability can hurt when use in the wrong way.

Si Light naman ay ang ability of Sleep, he can make other people sleep in his touch in his control, and the ability to make him self Invinsible. Parehong naging akma rin dahil close rage ang una niyang ability. Sa oras na maging invinsible siya ay magiging madaling gamitin ang sleep ability niya. Though sa mga tao niya lang magagamit ang sleep ability niya. That's why siya ang may pinaka maraming fire arms.

Si Embre naman ay mayroong Blood manipulation and Mind eraser. With his military skills at anti-body, marami siyang nailigtas na tao. Kung Hindi dahil sa kanila ni Tita Queen ay baka hindi unti-unting makakabangon ang mga tao at Republic City.

Si Ana naman ay merong Psychokinesis at Mind Manipulation. She is also the calmes in our group kaya naman bagay sa kaniya ang kakayahan niya.

Mari have the ability of Electricity and Vision, kaya niyang makita ang ilang mga pwedeng mangyari sa hinaharap.

Then Calisto, nasa kaniya na muli ang unang binigay ni Jah na kakayahan sa kaniya ang Force Field then the addition is the ability of Transfer Vision , kung saan maari niyang piliin kung kaninong mata ang makikita niya. Ito ang way niya to truck us down and other people, basta alam niya ang mukha at pangalan ng tao. Kaya naman alam namin ang nangyayari sa Republic city kahit hindi kami palaging nakikipag contact sa kanila.

Ganoon parin naman ang kakayahan ko at dumagdag lamang sa akin ang Sword ability ni Jaley mula ng mahanap ko ang katana niya. Kaya ko ring mag send ng energy sa katana so I can use it in long range.

Mathew and Joe are the only ones na walang kakayahan sa amin, hindi namin magawa ang pag sasalin ng kakayahan na ginawa ni Jaley noon, siguro ay siya lamang talaga ang makakagawa noon.

"We can't trust her." ani Esme sa utak ko. Tnutok ko ang baril sa babae kaya naman mabilis niyang tinaas lalo ang mga kamay. Nag tataka man ang ilan ay ginaya niya ang ginawa ko.

"Nag sisinungaling ka, sino ka talaga?" singhal ko sa babae.

"Pakiusap tulungan ninyo ako." muli niyang sabi, taliwas sa hinihingi kong impormansyon sa kaniya.

"Nakikinig ko sa mga radio ang broadcast ng Republic city." tinuro niya ang vest namin. Nakasulat doon ang Republic City.

"May kagat ako, ilang oras nalang matu-turn na ako. Kailangan ninyo akong tulungan." marahan niyang tinaas ang damit niya at mula roon ay nakita namin ang kagat niya sa tagiliran. halatang bago pa ito at mabagal ang pag kalat ng virus.

Tinignan ko si Esmeray. Isang marahang tango ang sinagot niya sa akin. Na kay Mathew ang mga supply namin ng antidote, hindi namin maaring gamitin ang kakayahan ni Night to heal the bite dahil hindi namin mapagkakatiwalaan ng tao na ito. Kahit pa pwede naman namin gamitin ang Mind Eraser ni Embre.

Kinapkapan ni Calisto ang babae bago namin siya tuluyang tulungan. Nakakuha si Caliso ng ilang mga kutsilyo sa kaniya na sabi ng babae ay ito lamang ang gamit niya upang makipag laban sa mga zombie.

Nilinis muna ni Mathew ang balat ng babae na tuturukan niya ng antidote.
"Makakatulog ka pag lipas ng ilang minuto, yun ang side effect ng antidote." paliwanag ni Mathew bago iturok ang gamot.

Kagaya ng sinabi ni Mathew ay nakatulog nga ang babae. Kaya wala na kaming choice kundi mag palipas ng dilim dito dahil malapit na mag takip silim.

"Dito na muna tayo ngayun." ika ko. mabilis silang kumilos upang gumawa ng mga tent at trap sa paligid. Ang babae naman ay nilipat namin sa isang maliit na Tent upang doon makapag pahinga hanggat wala itong malay tao.

"Anong nakalkal mo sa utak niya, Rose?"

"Masyadong magulo ang utak niya. Matagal na panahon siyang mag-isa." panimula ni Rose. Naupo kami sa tapat ng bonfire na ginawa ni Embre at Light. Nag hahanda naman ng mga makakain namin ang ilan at nasa ibabaw naman ng truck si Calisto to stand on guard.

"Ilang beses siyang napahamak..." halatang naapektuhan si Rose sa mga nakita niya sa utak ng babae. Kaya ayaw niyang gamitin ito, hindi niya kinakaya minsan kung gaano kasama ang pinagdaanan ng mga tao o kung gaano kasama aang mga iniisip ng mga pinapasok niyang utak. Kung maari lamang sana na sa akin nalang ang kakayahang ito ay gagawin ko ngunit hindi namin mailipat ang mga kakayahan namin.

"Ilang beses siyang pinag samantalaahan ng mga hiningian niya ng tulong, mga walang kwentang tao!" sa sobrang galit ay nakayukom na ng mahigpit ang kamay niya.

Tinapik ko ang balikat niya. "Nais mo bang ipa bura kay Embre ang mga nakita mo?" tanung ko sa kaniya. Mabilis siyang umiling.

"Hindi muna, pakiramdam ko kailangan ko pa siyang makilala upang malaman natin kung masama siyang tao at kung maari natin siyang dalhin sa republic city." tumango ako sa plano niya.

Sa oras naman na hindi na niya kayang tiisin ang mga malalaman niya sa utak ng babae ay mabilis namin itong maipapabura kay Embre.


Sa ngayun ang pangalan lamang ng babae ang nalaman namin.

Siya si Miranda Solomon.




†††

The Dead End (Book 3) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon