KABANATA 22

16 2 1
                                    

CASIMIR'S POV

Kahit nahihirapan ang mga paa ko sa pagtakbo ay pinilit ko, nabalot na ako nang takot dahil sa nasaksihan ko. Paano namin mapapatay ang ganoon karaming mga bitters? Paano namin sila matatakasan?

"Cas, patulong naman..." hindi na natapos ni Blue ang sasabihin niya dahil hinatak ko na siya.

"Ellie!" hinihingal akong huminto sa harapan ni Ellie, papasok na sana siya sa loob ng kweba ngunit napahinto siya dahil sa pag tawag ko.

Hindi ako agad makapag salita dahil hinahabol ko pa ang hininga ko at ganoon din si Blue.

"Anong ginagawa ninyo?" tanung ni Ellie.

"Hindi ko rin alam dito kay Casimir, basta nalang niya ako hinila." sagot naman ni Blue nang makabawi na siya.

"Umalis na tayo!" ika ko nang maging maayus ang paghinga ko.

"Madilim na bukas na tayo makakaalis." naiiritang sagot naman sa akin ni Ellie.

"Mamamatay tayong lahat dito kapag hindi pa tayo umalis." napakunot ang noo niya sa sinabi ko.

"Ano?" si Blue ang nag tanung sa akin.

Lumabas naman si Uno mula sa kweba kaya naman hindi ako nakapag salita.

"Oh Blue, tapos mo na po hakutin yung natitirang mga gamit?" mabilis na umiling si Blue.

"May nakita akong horde, sobrang dami ng mga yoon at dito ang punta nila. Hindi tayo makakapag tago sa kweba dahil ma tatrap lang tayo. Sa sobrang dami ng mga bitters na nakita ko madadaanan at madadaanan tayo adn worts matatrap tayo sa loob." pinilit kong sabihin ang lahat.

"Ano?" bulalas ni Blue.
"Shit! Totoo bs iyan?" mabaabakas sa mukha ni Uno ang hilakbot.

"Blue sabihan mo silang lahat sa loob na aalis na tayo, Uno puntahan mo ang mga natitirang gamit natin sa truck at bumalik ka kaagad dito, samahan mo siya Casimir. Saan galing direksyun ang mga bitters na nakita mo?" baling sa akin ni Ellie.

Mabilis na kumilos si Blue at sinunod ang sinabi ni Ellie. Tinuro ko naman sa kaniya kung saan ko nakita ang mga bitters. kabialang direksyun yoon.

"Kung ganoon ihanda ninyo nalang ang mga gamit at doon namin kayo kikitain sa truck. Hindi na natin yoon dadalhin dahil makakalikha yoon ng ingay at hindi naman tayo lahat kaya noon." sumunod na kami ni Uno sa sinabi ni Ellie at patakbo naming tinungo ang truck.

Pagdating doon ay mabilis na umakyat sa loob si Uno at kinuha ang mga natitirang fire arms, kagaya nang mga riffle at pistol na nasa loob ng dalang body bag.

"Sobrang dami ba ng mga bitters na nakita mo?" tanung sa akin ni Uno habang inaabot ang isang body bag. Kinuha ko ito at syaka siya bumaba sa truck.

"Hindi ako mag papanic ng ganito kung kakaunti lamang pero hindi, sobrang dami nila. Kulang ang mga fire arms natin kaya mas mabuting tumakas nalang." paliwanag ko.

"Hindi ba pwedeng umiwas nalang tayo sa dieksyon na tungo ng mga bitters?" yoon rin ang naisip kong idea ngunit sa laki ng bilang ng horde at malayo-layo parin ang kakailanganin naming takbuhan.

"Yoon naman taalaga ang mas mabuting paraan ngunit sobrang laki ng bilang ng horde kaya kung lilihis tayo sa daan nila ay malayo-layo parin ang kaakailanganin nating puntahan at isa pa baka mas maabutan tayo ng mga iyon." paliwanag ko habang palinga-linga kung nasaan na ba ang ilan sa mga kasamahan namin.

"Ang bilis nila? Gaano kabilis ang horde?" muling taanung ni Uno.

"Hindi gaanong mabilis. Para lang silang nag lalakad sa kawalan pero isa lang talaga ang direksyun na pinupuntaahan nila."

The Dead End (Book 3) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon