Kabanata 6

16 2 1
                                    

KAISTEN'S POV

So far sa aming pag lalakbay ay wala pang undead ang muling nag papakita, tanghali narin ngunit hindi pa nagigising si Miranda. Baka napa sobra ang ginawa ni Embre dito kaya hindi pa ito nagigising hanggang ngayun.

Sa hindi naman kalayuan ay may natatanaw akong corn field o kung ano man ang tinatanim doon dahil ngayun ay natuyo't na ito. May maliit na bahay sa gitna nito at walang mga undead sa paligid.

"Huminto tayo doon." tinuro ko kay Joe ang bahay.

"Paano kung may nakatira roon?" tanung nito sa akin at syaka ko naramdaman na binagalan niya ang pag papatakbo.

"Aalis tayo agad kung masama sila, kung hindi naman ay iituturo natin sa kanila ang patungo sa Republic City." tumango lamang sa akin si Joe.

Bumaba kami nang huminto ang truck sa tapat ng bahay. Masyadong tirik ang araw at dahil wala  man lang halaman sa paligid ay mas double ang sakit sa balat na dulot ng init.

Tanging ang malaking puno ng manga ang nananatiling buhay na nasa kaliwang bahagi ng bahay. Dalawang palapag din ang bahay ngunit gawa lamang ito sa kahoy at mukhang luma na.

"Ako na muna ang titingin kong may tao sa loob." bilin ko sa mga kasamahan ko.

"Kapag may mangyaring hindi inaasahan I wan't you all to take cover and prepare to attack on my signal." dagdag ko. Hinanda nila ang mga baril nila at nanatiling kalmado. Hindi ako pwedeng gumawa ng bagay na ako lang mag-isa dahil kailangan ko pang mahanap si Jaley.

Lumapit na ako sa bahay at muli pa akong lumingon sa kanila bago ako kumatok sa pinto.

Walang sumagot sa dalawang unang katok ko.

Maaring nag tatago lamang ang kung sino mang tao sa bahay na ito at natatakot dahil naka military uniform ako.

"Hindi ako masamang tao, kung may tao sa loob maari kang mag tiwala sa akin." I said but no one answer.

"Hindi kami masamang tao, galing kami sa Republic City, ipinapayag yoon sa mga satellite upang makarating sa mga radio." paliwanag ko pa ngunit wala paring sumasagot.

Sinubukan kong buksan ang screen door at hindi ito naka lock, marahan ko namang pinihit ang door knob nito at ganoon rin. Hindi ito naka lock kaya naman pumasok na ko sa loob.

Malinis ang bahay ngunit puno ng likabok. Kahoy ang bahay kaya naman nagkaroon ng maraming gabok.

Umakyat ako sa taas ganoon din. Puro kwarto lamang sa taas at halatang walang ibang nakatira   rito ng mahabang panahon.

Pagbaba ko ay syaka ko sila sinabihan na makakapasok na sila. Pawisan na ang mga ito dahil sa init sa labas.

"May bunga yung manga sa labas." Ani Night at syaka kinagatan ang hawak niyang manga na hindi ko alam kung hibugasan ba niya.

"Hindi mo agad sinabi?" ani Embre at syaka patakbong lumabas ng bahay patungo sa mangahan.

"Hindi ka naman nag tanung eh." ani pa ni Night syaka pinagpag ang supa na punong puno ng alikabok.

"Ano ba naman iyan Night!" saway sa kaniya ni Rose habang tinataboy ang mga alikabok na nalipad sa kanila, inubo pa si Esme at Ana.

"Sorry" ani Night bago naupo sa supa.

Nasa isang mahabang sofa naman ang babae at wala paring malay-tao. Baka naman patay na ito kaya naman nilapitan ko at hinawakan sa leeg upang mapulsuhan ko siya ngunit mabilis niyang naagaw ang baril sa lagayan nito sa tagiliran ko.

Tinutok niya sa akin ang baril at mabilis siyang naka bangon sa upuan at nakatayo. Umatras ako at dahil sa bigla ay napatayo na rin ang mga kasama ko.

Tinutok nila ang mga baril nila sa babae at ako naman ay tinaas ko ang kamay kong naka kuom upang masinyasan sila na kumalma.

The Dead End (Book 3) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon