MONAMI'S POVS:
"K-kanina ka pa ba?" Bungad kong tanong nang makalapit sa pwesto niya. Seryoso lang siyang nakatitig sa akin at hindi maiwasan na mailang ako. "Sorry natagalan ang out namin."
Umayos ito ng tayo saka hinagod ang kabuuan ko na kinakurap ko. Pero nagtaka ako nang hubarin nito ang suot na itim na jacket.
"Kakarating ko lang. Suotin mo ito dahil malamig at huwag ka ng umangal." Sabi nito at bigla na lang pinasuot sa akin ang jacket nito.
Hindi nga ako makaangal dahil naisuot na nito ang jacket sa akin. Sa bawat pagdampi ng kamay nito sa balat ko ay tumatayo ang mga balahibo ko sa katawan, napalunok pa nga ako sa pagkailang.
Ang lapit kaya niya! Pasimple na lang akong napayuko para iiwas ang mukha ko. Kinikilabutan talaga ako.
"P-paano naman ikaw? Ikaw na lang kaya ang magsuot nitong jacket mo kase ikaw ang magmamaneho. Mas kailangan mo ito——hmp!"
Hindi ko na nagawang tapusin ang sinasabi ko nang tumakip na ang helmet sa mukha ko na pinasuot nito. Itinaas ko ang unahan at sinamaan ito ng tingin. Ngumisi lang ito.
"Tsk. Ang dami mo pang tanong. Sumampa ka na sa likod ko." Utos nito at nakaupo na nga ito sa motor nito.
Umirap ako pero umangkas na lang din at napahawak sa balikat nito para makaupo ako. Ang taas kaya ng motor kompara sa height ko na hindi abot ang isang sampa lang para makaupo.
"Tara na po, Kuya!" Sarkastiko kong saad na kinalingon nito sa akin.
"Kumapit ka kung ayaw mong mahulog. Alam mo naman na mabilis akong tumakbo." Masungit na utos nito. Nasa likod kase ng hawakan ang dalawang kamay ko na kumakapit.
"Oo na po, Kuya! Tara na po, Kuya?" Pasuplada ko naman na tugon. Bigla na lang din sumalubong ang kunot na nitong mga kilay bago umiling at hinarap ang manibela bago nito inayos ang suot na helmet nito.
Walang pasabi na mabilis nitong pinatakbo ang motor at kung hindi agad ako napayakap sa beywang nito ay baka tumilapon na ako sa malayo.
Hindi tuloy ako makaangal dahil sa helmet sa ulo kong nakatakip.Sobrang lamig nga ng simoy ng hangin dahil ramdam iyon ng mga palad ko. Ano pa kaya kung wala akong jacket. Pero mas ano na lang ang nararamdamang lamig ni Dominique na walang jacket, at ito pa ang nasa unahan.
Ramdam ko ang panlalamig ng damit nito. Kaya kahit ayoko man ay binuksan ko ang zipper ng jacket bago ko pinagdikit ang dibdib ko sa likod nito para masakop ng jacket.
Ang ending ay parang nakayakap ako ng mahigit sa kaniya. Naramdaman ko ang pag-igtad nito pero kumalma din, at ganun na nga ang pwesto namin hanggang sa makarating sa bahay ng ligtas sa bilis ng takbo nito.
"Hindi ka ba gutom?" Tanong nito nang makapasok na kami sa loob.
"Hm, siguro magnonoodles na lang muna ako. Ikaw?" Tugon ko habang nilalagay ang bag at helmet sa bangko saka hinubad ang jacket at maayos na sinabit sa sabitan sa dingding.
"Sige samahan kita. Nais ko din magpainit muna." Sabi nito saka naupo at isinandal ang likod at ulo nito sa bangko pagkatapos ay pinikit ang mga mata.
Saan kaya ito nagpunta? Parang pagod na pagod na ito ah.
Grabe kaya ang ginawa nila ng babae niya? Walang pahinga?
Hindi ko na ito pinansin at tumuloy sa kusina. Nagpakulo ako ng tubig sa takore bago kumuha ng dalawang cup noodles na creamy seafood.
Ilang minuto ay kumulo na ang takore kaya pinatay ko na ang gas stove. Sinalinan ko na ng tubig ang nakabukas ng cup noodles at naghintay pa ng ilang minuto.
BINABASA MO ANG
DOMINIQUE WILSON
General FictionWalang kaalam-alam ang dalagang si Monami na nag-asawa muli ang kaniyang Ina. Kay Donato Wilson, Isang negosyanteng biyudo. Nalaman lamang ng dalaga nang may dumating na isang lalaki sa kanilang bahay na nagpakilalang kapatid daw niya. Mabait at may...