MONAMI POVS:
"Ang dami mo naman binili." Bungad ko sa kaniya na kinakibit- balikat at ngisi lang niya.
"For the kids." Itinaas niya ang mga dala bago niya iyon isinabit sa magkabilang kawit ng salamin. Tsaka siya umangkas muli sa motor niya.
Balewala lang ang pag-upo niya sa upuan dahil sa tangkad at mahaba niyang mga binti.
"Nag-abala ka pa." Nakataas kong sabi habang nakatingin pa din sa kaniya. Pero ang totoo ay lihim akong napangiti sa sinabi niya. May pusong matulungin din pala siya.
"Aangkas ka ba o tutunganga lang sa kagwapuhan ko?" Napakurap ako ng marinig ang nang-iinis niyang tono na kinairita kong muli, nakangisi pa.
"Ang kapal ng mukha mo. Wala ka nga sa kalingkingan ng idol ko!" Inis kong bulyaw at nakapameywang na sinamaan siya ng tingin.
Nakita ko na mas lumapad pa ang pagkakangisi ng labi niya na akala ko ay maiinis ko siya, ngunit nagkamali pala ako. Mas ako pa 'yata ang nainis.
Kailan ko ba maiinis ang lalaking ito?
"Oh, really? Sino ba 'yan at ng makilatis ko?" Nanghahamon na bulalas niya at kita ko na parang interesado siyang malaman kung sino iyon. Lihim akong napangisi.
"Si Mr. BlacMask! Ang sikat na action star dito sa Pilipinas at nakasali na din sa Hollywood!" Pagmamayabang kong bulalas sa harapan niya habang kumikinang pa ang mga mata ko sa sobrang kilig para sa idol ko. Iniimagine ko siya ngayon.
Fan na fan niya ako since 2019, noong napanood ko ang action film niya na siya ang bida. 'THE BLACK MASK'.
Iyon ang title ng film niya na una kong napanood noon sa tv. Isang Secret Agent ang bida na layuning itumba ang mga katiwaling opisyal sa White House, mga opisyal na may kinalaman sa ilegal na gawain at negosyo, mga opisyal na may konektado sa terorista o nakikipagtransaksyon sa mga terorista. Ang secret task nito ay galing mismo sa utos ng Presidente ng United States. Magaling siya na Agent.
Action with slightly erotic romance nga lang ang story. Kapag may bed scene ang idol ko kasama ang maganda at sexy niyang kapartner na bida ay naiirita ako at naiinis at nagseselos din. Di ko kase kaya makita na ginagawa noon ng idol ko sa ibang babae, naiinggit ako sa totoo lang.
Iniimagine ko nga na ako ang bidang babae na katalik ng idol ko.
Nakakahiya at landi man pero sana ay totoo ang mga pantasya ko kasama ang idol ko. Pero sa totoo lang din ay di ko pa nakikita ang totoo niyang mukha, kase nakablackmask siya sa bawat role niya sa kaniyang pelikula.
Maski ang pangalan niya ay 'Black Mask' ang nakalagay sa screen ng cast. Hanggang ngayon ay misteryoso pa din sa buong madla ang mukha ng idol ko, napakahiwaga ng pagkatao ni 'Black Mask'. Ngunit halata naman na gwapo siya at hot ang katawan niya.
Napapalunok nga ako sa tuwing walang saplot ang pang-itaas na bahagi ng katawan niya. Litaw na litaw ang matipunong mga braso at balikat, ang matatag na dibdib at malabato niyang tiyan na kay tigas.
Napakurap ako tsaka umayos ng tayo bago tingnan muli si Dominique. Nakita ko na malawak pa din ang pagkakangisi ng labi niya, habang pinapagalaw ng dila niya ang strawberry candy na nasa bibig niya.
"Tsk. Mas gwapo pa din ako kaysa diyan sa idol mo." Nanghahamon talaga ang tono ng boses niya. Hindi man lang nainis, sa halip ay parang nasisiyahan pa siya sa narinig.
Gwapo din naman kase ang Dominique na ito. Kahit mukhang babaero ay nakakaangat pa din ang appeal. Kaseng-tangkad din ni idol.
"Wala ka pa din binatbat sa kaniya kase superstar iyon, e, ikaw na hamak lang na tambay!" Napairap ako ng hindi man lang ito tinablan sa nanlalait kong salita, na hindi ko naman intensyon sabihin, nadala lang ako ng inis sa Dominique na ito.
BINABASA MO ANG
DOMINIQUE WILSON
General FictionWalang kaalam-alam ang dalagang si Monami na nag-asawa muli ang kaniyang Ina. Kay Donato Wilson, Isang negosyanteng biyudo. Nalaman lamang ng dalaga nang may dumating na isang lalaki sa kanilang bahay na nagpakilalang kapatid daw niya. Mabait at may...