Nasa isang bar ako kasama yung tatlo ngayon, they literally dragged me to go here. Nagtext naman si Axel na susunod nalang daw ito kasama si Carlos at Ceejay, mga pinsan din namin.
Nang malaman kong dito pala nila ako dadalhin, hindi na sana ako sasama. Pero talagang pursigido silang isama ako, I was force to go in with them. Alam kasi nilang hate na hate ko ang nagpupupunta sa matataong lugar gaya nito.
Ang ingay-ingay kasi, nakakaduling yung mga ingay...tapos....tapos...I can see people kissing where ever I put my eyes on.
Maganda naman yung lugar. Mukhang pulos mayayaman yung customers dito, pero kahit gaano pa kamamahal ang gamit nila dito ayaw na ayaw ko parin sa lugar na gaya nito. Gusto ko yung peaceful, walang malalakas na music na halos pumutok na ang eardrums ko sa sobrang lakas, yung hindi crowded, at sariwa ang hangin di gaya dito amoy usok.
Sinulyapan ko yung tatlo na kanina pa nagsasayaw sa gitna ng dance floor. Isasama pa nga sana ako e, pero hindi na nila ako napilit. Yung tatlong lalakeng pinsan ko naman, ayun at may kalandian na sa di kalayuan. Kaya mag-isa nalang akong nakaupo dito ngayon.
Gusto ko na nga sanang umuwi pero hindi ko naman pwedeng iwan sila dito kasi paniguradong magtatampo sakin yung tatlo. At isa pa, wala naman akong dalang kotse kaya hindi ako makakauwi. I don't know how to commute, I haven't tried one. So on choice ako kundi intayin talaga sila.
May ilang lalake rin ang lumapit sakin pero hindi ko pinapansin. May nag-alok ng drinks pero di ko tinanggap. Sabi kasi sakin ni Kath, di raw dapat ng kahit ano kapag nandito sa ganitong lugar. Baka kasi raw nilagyan nila yung inumin ng drugs.
Napatingin ako sa suot kong damit. God, it was my first time wearing this kind of clothes. Sobrang ikli tapos sobrang sexy pa. Ito kasi yung pinasuot sakin nung kambal.
Hindi naman kasi ako mahilig magdamit. I prefer jeans, plain shirt and Snickers. Hindi ko type yung mga signature dresses, bags and shoes. Pero paminsan-minsan nagd-dress naman ako, occasionally nga lang, basta pagtrip ko nagbibistida ako.
Kung nasa bahay ako ngayon, malamang ay masaya sana akong nagpipinta. Bakit pa kasi ako sumama-sama pa rito e...technically, hindi naman talaga ako sumama. Hinila nila ako at sapilitang isinama.
Napatingin ako sa entrance nitong bar na maya't-mayay may mga taong pumapasok. Kung umalis nalang kaya ako ng hindi nagpapaalam? Napailing ako. Nah, paniguradong susugurin lang ako nung tatlo kinabukasan.
Naisipan kong pumunta muna sa ladies room. Sumenyas ako kay Kuya Axel sa balak ko. Sinusulyapan niya kasi ako kada minuto para bantayan, ganun rin ang ginagawa nina Kuya Carlos at Kuya Ceejay kina Kath, Anne at Elle. Mga protective older cousins, kapag kasi may mangyari samin--which I hope not---silang tatlo ang mananagot.
Pito lang kasi kaming magpipinsan sa mother side. Magkakapatid sina Kuya Ceejay, Kuya Carlos at bunso si Kathleen. Only child naman si Kuya Axel at siya rin ang pinaka-nakakatanda saming lahat. Tapos yung twins, sunod ako only child din.
Habang papalapit ng papalapit ako sa pupuntahan ko. I was stunned. Bumungad sakin sa di kalayuan at nang tutukan ko ng maigi kung anong ginagawa nila. They were doing something there, something that would pollute my innocent eyes.
Gusto ko nalang sanang baliwalain silang dalawa pero hindi ako makaalis. How could I? This two are blocking the way towards the C.R.
Hindi ko akalain na may mga tao palang hindi nahihiya gawin ang ganyang mga bagay in public. Iba talaga ang generation ngayon sa dati. And I shook my head of the thought.
Tumikhim ako to get their attention at hindi naman ako nabigo. Napatigil sila sa ginagawang kababalaghan at sabay na lumingon sakin. Buti naman, akala ko di na nila ako papansinin dito.
BINABASA MO ANG
Timeless Love
RomanceEvery fairytale stories begins with once upon a time, but does all of it ends with a happily ever after? Enchanted Tales #1