Matalas ang tingin ni Erin sa bawat pitik ng kamay ng wall clock sa living room. Kaunting ikot na lang at tuturo na ang mga iyon sa hatinggabi. Kaunting ikot na lang at masasaid na ang pasensiya niya. Even now, her feet couldn't stay still. She couldn't help but tap them, because she couldn't move herself. Naghihintay siya, gaya ng lagi. Dahil kay Adrian, gaya ng lagi.
'Is he cheating again? Palabas lang bang nagbago na siya? Sino na namang kasama niya ngayon? Fuck, Adrian . . . Why do you always do this to me . . .?'
Naiiyak siya sa mga tanong na maaaring bibigyan na naman niya ng boses pag-uwi ng nobyo. He would explain something that would make sense and she would believe him. Pero pagsapit ng umaga at paglipas ng maghapon, kapag naghihintay nauli siya sa gabi dahil na-late uli ito, babalik ang mga tanong. Dadalaw. Kukulitin siya. Lalasunin. Hanggang sa tuluyan na siyang mabaliw. Isang araw ay makikita na naman niya ang sariling nakasunod dito. Kinikilala mula sa malayo ang mga taong nakakausap nito. Nakikiramdam mula sa malayo kung may dapat ba siyang ikagalit. Kapag hindi siya nahuli ni Adrian at wala rin siyang nahuling kalokohan nito, uuwi ito sa apartment sa isang maunawaing girlfriend. Kapag nahuli niyang may ginagawa itong kalokohan, nihindi na ito aabot sa uwian. She would hate and claw and slap him on the spot. Pero kapag siya ang nahuli kahit wala itong ginagawang masama, mag-aaway sila.
Paulit-ulit lang sila sa pagdududa, pag-aaway, at pagmamahal. Pero minamahal nga ba siya? Hindi ba't parang laging siya lang?
Nilunok ni Erin ang sakit na namumuo at bumabara sa lalamunan niya. Hindi siyaiiyak. Hindi pa. Hindi muna. Walang sense kung iiyakan niya ang sariling demonyong bumubulong sa kanya at kinakawawa siya.
Hindi siya kawawa. Hindi pa uli.
When the clock struck twelve, she rose to her feet. Magmamartsa na siya palabas sa pinto bitbit ang ngitngit nang puwersado iyong bumukas. Adrian looked surprised and relieved to see her. Lumunok ito nang isa at bago pa siya makapagsalita ay mabilis na nakalapit at ikinulong siya sa mga bisig nito.
Adrian has been holding Erin for five years now. Sa limang taon ay alam na ni Erin ang pakiramdam ng iba't ibang yakap nito. May yakap na dahil sa saya, sa lungkot, sa relief, sa suyo, sa pangangailangan. May yakap na may pagmamahal tulad ng ibinibigay nito nang madalas nitong mga nakaraang buwan. Pero iba ang yakap nito ngayon. May takot sa higpit ng bisig nito. May pag-aalala sa pagbuburo ng mukha sa leeg niya. Huminga ito nang malalim na para bang napakatagal nitong nawalan ng hangin. He held her so tight, she was scared for the things that he wasn't telling her about.
"I'm sorry . . . I'm sorry, I'm sorry, honey," anas nito.
He should just be sorry for being late. Pero bakit pakiramdam ni Erin ay mas malalim ang paghingi nito ng tawad?
"You were waiting again. Pinag-alala na naman kita. I'm sorry. I said I wouldn't do this again, but . . ."
Kumalas siya rito at sinapo ang mukha nito. His face was dark and creased with regret. Lumuwag ang buhol sa tiyan niya. He's not cheating. She knows. "It's okay. I'm okay. I'm just waiting . . ."
Hinawakan nito ang mga kamay niya at hinalikan. "I'm sorry . . ."
BINABASA MO ANG
The Hate List (De Guia 1: ERIN)
General FictionStill heartbroken from her cheating ex, Erin De Guia is set on exacting revenge on everyone on her hate list. But when she accidentally bumps into Adam Ledesma, Erin finds herself in the middle of something she's not expecting to be in at all. *** B...
Wattpad Original
Mayroong 4 pang mga libreng parte