Wattpad Original
Mayroong 3 pang mga libreng parte

Chapter 1: Revenge of the Fallen

2K 31 2
                                    

"You may now kiss the bride."

Isa iyon sa pinakahihintay na tagpo sa loob ng simbahan. Naglapat ang nguso ng mga newly-wed. Nagpalakpakan ang mga tao. May sumipol. May nangantiyaw. Marami ang sumigaw ng Congratulations. At may pag-iinit at paghahalo ng dugo na nagaganap sa utak ni Erin.

Si Joana De Guia ang bride. 23 years old na pinsan niya na may four-month na tiyan. Nag- I do ito sa 28-year old na boyfriend of two months na sa angkan ng De Guia ay may lihim na palayaw na Panot. Bago ang kasal ay pinagtalunan ng mga De Guia ang pagpapabuntis na ginawa nito para mabilis na maikasal. Game siyang makipagtalo dahil hindi rin siya gano'n kaboto kay Panot. Pero umani lang siya ng init ng ulo noong maipunto na dapat na rin siyang gumawa ng kabaliwan at magpabuntis para maikasal na rin.

Patuloy ang palakpakan lalo na nang mag-part two ang kissing scene sa altar. Umismid siya. Ngayong nakita ng mga kamag-anak niya na kaya palang gumasta ni Panot sa isang engrandeng kasalan ay puro papuri ang mga ito. Not that their clan can be bought by money, but who wouldn't love a grand wedding?

Six to seven digits ang presyo ng bawat venue, supplier, at maging ng damit. Siguradong ilang buwang pag-uusapan ang kasal sa bawat gathering ng pamilya. She'd better snob their invitations.

Pinuno niya ng hangin ang dibdib at hindi sinasadyang nag-expand ang iniipit na bilbil sa fitted na damit.

"Bakit ang laki ng tiyan mo? Buntis ka ba?!" tanong ng pinsan cum close friend niyang si Aly.

Parang tinig mula sa Kaitaasan ang pag-alingawngaw ng boses nito sa loob ng simbahan. Napatingin sa kanya ang lahat ng tao—ang newly-weds, ang pari na napaantanda, ang mga sakristan na nagkatinginan, at ang kamag-anakan nila na tahimik pero intense na naghihintay sa sagot niya.

"Hindi ako buntis, Aly," gusot ang mukha na sabi niya rito. Hindi nakapagtatakang magulat ito. Siya man ay nagulat at namighati nang madiskubre niya ang bilbil kaninang umaga sa tulong ng tape measure. "Hindi po ako buntis," baling naman niya sa mga tao na may kasamang ngiti at pagpipigil ng papalabas na pangil.

Humugong ang mga tanong at bulong-bulungan sa loob ng simbahan.

"Hindi pa rin siya buntis? False alarm?"

"Ipa-albularyo na kaya natin?"

"Baog kaya ang batang 'yan? Pero wala naman sa lahi natin ang baog. Dios mio."

"Pagsayawin natin sa Obando. 'Di ba, doon nagkaanak si Stella?"

"Kaawa-awang bata. Lulutong na ang matris niyan. Painumin na natin ng halamang gamot."

"Ano'ng ireregalo natin sa kanya? Pusa o aso? 'Yong madali lang alagaan at makakasama niyang tumanda."

Pinipigilan ni Erin ang pag-alpas ng mura sa bibig kahit nasa boiling point na ang dugo. Pero sumusuot ang pagbubulungan ng mga ito kahit itupi niya ang sariling tainga. Nang matapos ang bulungan ay tumamlay ang simbahan.

"Cheer up po tayo. Kasal ni Joana, 'di ba po?" pilit ang ngiti at magkalapat ang ngipin na sabi niya.

Mangiyak-ngiyak ang mga tiyahin niya sa pagkakatingin sa kanya. Ang mga tiyuhin naman niya ay nag-iiwas ng mata. At ang mga pinsan niya ay nag-part two ng bulungan. Nang magsalita ang pari ay saka nawala sa kanya ang atensyon ng lahat.

"Gosh! Akala ko, good news na at talagang buntis ka, eh. Maraming naghihintay sa kasal mo," sabi ni Aly.

Tikom pa rin ang bibig niya sa komento. Mahirap na. Baka hindi niya mapigilan ang sarili at makapagwala na siya roon kapag naalala si Adrian at—

Kumanta siya ng Twinkle, Twinkle, Little Star sa isipan para matigil ang daloy ng mga matatamis pero nakaiinis na alaala: Sila ni Adrian habang nagsusubuan over dinner sa isang fine-dining restaurant. Sila ni Adrian habang inaabutan siya nito ng stargazers na paborito niyang bulaklak. Sila ni Adrian na—

The Hate List (De Guia 1: ERIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon