'He's at the lobby of this building? How did he even know where I live?'
Mabilis na nagpatong ng robe si Erin sa oversized t-shirt na gamit pantulog. Dali-dali niyang hiniklat ang shoulder bag na nasa sofa at humugot ng kung anong damit sa closet. Isinalaksak niya iyon sa bag. Lumabas siya ng apartment, nag-lock ng pinto, at talagang papatakbo na patungo sa elevator kung hindi lang siya nakarinig ng mga yabag mula roon. Nagmamadali siyang bumalik sa unit niya para lang lumabas uli at mangatok sa katapat na pinto.
Nang mapagbuksan ay agad siyang pumasok sa loob ng katapat na apartment. May pagtataka sa mukha ng dalawang matanda na tenant doon.
"May sunog ba?" tanong ni Mrs. Rima. Payat ang matanda, malaki ang mga mata, at kapag ngumingiti ay nalalaglag pa nang kaunti ang pustiso. Ngumunguya ito. Amoy-ginataan.
Humihingal siya nang ngumiti. "Wala ho. Pasensiya na ho sa pagkatok ko. Emergency ho kasi."
Sumilip siya sa unit niya mula sa peephole ng pinto ng mag-asawa. Wala namang tao.
Kinusot niya ang mata. Hindi naman kaya masyado lang siyang praning? There's no way that man could have known where she lives. Unless he has connections with the police.
Nagtaasan ang balahibo niya nang makaalala ng pulis. Isinumbong kaya siya? But if he did, it's the police who would be knocking on her door or calling on her phone at hindi ang lalaki. O baka naman pulis ang lalaki?
Napailing siya. A police with a slick-looking Ford? It didn't fit. Napailing uli siya.
"Masakit ba ang ulo mo, apo? O may insektong pumasok sa tainga mo?" usisa naman ni Mr. Tim. He looked at least a 100 years old, pero matatag pa ang pustiso at tuhod. Ayon sa huli nilang tsikahan ay nagbo-ballroom dancing pa ito kasama ang asawa.
Nagkatinginan ito at si Mrs. Rima. May pag-aalala sa mga mukha.
"Lagyan natin ng langis 'yang tainga mo para mawala ang insekto. Halika sa kusina," yaya ni Mrs. Rima.
"Okay ho ako. May iniisip lang," alanganin ang ngiting sagot niya saka sumilip uli sa peephole.
"May pinagtataguan ka?" si Mr. Tim.
"Hindi naman ho sa gano'n."
Nagkatinginan uli ang mga ito. "Pero parang ganoon na rin?"
Alanganin naman siyang tumango. Nagngitian ang dalawa.
"Si Adrian ba?" si Mrs. Rima.
Ngayon ay alanganin namang umiinit ang ulo niya. Kasalanan ni Adrian ang nangyayari sa kanya ngayon! Kaya kung may Adrian na susulpot sa pinto ng unit niya ay hindi siya magtatago. Kukuha siya ng baseball bat o frying pan para ihambalos dito nang hindi ito makatakas.
"Hindi ho."
Nagkibit-balikat ang dalawang matanda.
"Pa'no. . . Kumakain kami. Gusto mong sumalo, apo?" Nakangiti si Mr. Tim sa kanya. May nakasingit sa pustiso nito na hindi niya malaman kung ginisang baboy o gulay. "Masarap ang ginata kong langka."
Ginataang langka pala. "Halata nga hong langka," aniya. "Ang ibig ko hong sabihin, salamat na lang ho."
Nagkibit-balikat uli ang dalawang matanda at lumakad na pabalik sa kusina. Nagbilin pa ang mga ito na isara niya nang maayos ang pinto pag-alis niya.
Pagsilip niya uli sa peephole ay nakita niya ang isang matangkad na lalaking nakatayo sa pinto niya. Pumipindot ito sa doorbell. Napasinghap siya at napahakbang paatras.
'No way! He's not a cop!'
Kagat-labi siyang sumilip uli at pinasadahan ng malisya ang pigura—soft jeans strained to contain his long legs, the linen shirt strained to contain his sculpted body. Aninag sa pang-itaas ng lalaki ang matigas na kalamnan nito.
BINABASA MO ANG
The Hate List (De Guia 1: ERIN)
General FictionStill heartbroken from her cheating ex, Erin De Guia is set on exacting revenge on everyone on her hate list. But when she accidentally bumps into Adam Ledesma, Erin finds herself in the middle of something she's not expecting to be in at all. *** B...
Wattpad Original
Mayroong 2 pang mga libreng parte