Pagkatapos ng pagtatago, ng habulan, ng dalawang eskandalong kinasangkutan, nakabalik din si Erin sa apartment niya. Na malamang ay panandalian lang. Kasama niya si Sexy Man na may bitbit na pagkain, alak, at cake na panlimahang tao.
Agad siyang nag-dive sa mahabang couch at yumakap sa throw pillow. Saka siya nabahing. Naramdaman niya—sa ilong at balat—ang lumilipad na alikabok sa buong silid.
Nilinga niya ang paligid. Walang sapot ng gagamba sa kisame pero may manipis na latag ng alikabok sa mga muwebles. Mukhang hindi siya sinunod ni Aly sa request niya ng pagpapalinis ng apartment. O puwede ring nakalimutan nito. Ito kasi ang taong nakilala niya na sa batang edad pa lang (mga two years old) ay lumala na agad ang sakit na kalimot.
Napatingin siya kay Sexy Man na alanganing nakatingin sa bakanteng couch. Mukhang pinag-iisipan nito kung mauupo roon. Probably unlike her, naramdaman agad nito ang alikabok. Bumangon siya at nagpagpag ng sarili.
Tumikhim siya. Lumingon ang lalaki na bitbit pa rin ang eco bags at paperbags ng pagkain. He looked so tall inside her apartment. Sumikip ang espasyo.
Habang nakangiti ito ay umiilaw ang emergency light sa utak ni Erin. There's something she forgot. Hindi pa nga pala niya naitatanong ang pangalan ng lalaki. O baka sinabi na nito pero hindi niya narinig dahil busy siyang magplano kung paano niyang ie-enjoy ang huling araw ng kalayaan niya.
"What's your name again?" aniya rito.
Matalinong utak: Great. Napabili mo na ng kung ano-anong pagkain bago mo tinatanong ang pangalan? Just great.
Nakangiti ito sa kanya. "Adam. Adam Ledesma."
Intrimitidang utak: Is this real?! Pati pangalan bakit ang sexy?
Matalinong utak: I second the motion. And does he really have to always smile that way?
Kung may flavor ang ngiti ng tao, ang kay Adam ay siguradong chocolate-caramel. Nakaka-cavity sa tamis. Nakakikilig to the bones. May kapangyarihang sumuot sa kukote niya at magpaisip sa kanya ng malalanding bagay.
Tumikhim uli siya para patigilin ang internal dialogue at overdrive ng utak niya. "Marumi 'yong apartment ko. My cousin probably forgot my request to have it cleaned."
Tumango ito. "And then?"
May question mark sa mukha ni Adam. Wala itong clue sa ipinahihiwatig niya.
She wore her best smile. "I mean, I'm going to pick up the vacuum, I will give you a duster, and we are going to clean first."
Ibinaba ni Adam sa sahig ang mga bitbit na balutan.
"Whoa! Let's be clear about this. You want us to clean your apartment?"
Umiinit ang ulo niya. Nalusaw ang chocolate-caramel feeling. Imposible ba ang sinabi niya? Maglilinis lang naman. Bakit parang big deal?
"Allergic ako sa alikabok," panimula niya.
"I don't like it either," dugtong ng lalaki.
"Marumi ang bahay."
"I am aware. But that's not my problem."
"But you said we are going to drink here since wala pang bukas na bar," aniya. Pinigilan niyang magmartsa sa inis.
Lumapad ang ngiti ni Adam. Parang pinagtatawanan siya. "That's because you insisted that you needed a drink bago ka dalhin sa presinto."
"That's the truth. And I don't just need a drink! I have to get drunk!"
Napailing-iling si Adam. "Unbelievable! I caught you, you cried, you made me spend on food, and now you want me to clean. Ganito ba kahirap magpakulong ng babae?"
BINABASA MO ANG
The Hate List (De Guia 1: ERIN)
General FictionStill heartbroken from her cheating ex, Erin De Guia is set on exacting revenge on everyone on her hate list. But when she accidentally bumps into Adam Ledesma, Erin finds herself in the middle of something she's not expecting to be in at all. *** B...
Wattpad Original
Ito na ang huling libreng parte