01

3 0 0
                                    

Yung simoy talaga ng hangin dito, napaka-presko. Sobrang stressed free. Gusto ko 'man mapag-isip-isip muna, pero masyado pang maaga para mag-relaxing. Nilabas ko na agad yung laptop ko para magsimulang mag-edit ng thesis namin. Ang dami naming error.

Habang nag-o-open yung laptop, di ko mapigilan na mapa-isip minsan talaga sa buhay natin, nagkakaroon tayo ng mga desisyon na, hindi mo ba malaman kung tama or hindi. Pero kasi, nakakalimutan din natin na, kung hindi dahil sa desisyon na yun, hindi tayo mag-grow, hindi tayo matututo sa mali.

Sumasakit lang ulo ko kakaisip sa kung ano ba pinasok ng buhay ko. Bakit ba nagkaganito? Normal at payapa naman buhay ko dati, di ko nga alam bakit pinasok ko 'to.

Wala na, nakatitig na naman ako sa paper namin. Hindi ko 'man lang magawang umpisahan, kasi ibang tao na naman nasa isip ko.

Kung kelan ang dami kong gawain, tsaka ako maraming na-re-realized. Requirements ba talaga yun? Kapag wala naman akong ginagawa, wala rin naman akong na-i-isip masyado.

"Hi Lunette." Napatingin ako kung sino ang bumati sa akin. Zaiden Kael.

"Hello, Zaiden." Bati ko sa kanya pabalik.

"Anong ginagawa mo?" Umupo siya sa tabi ko, habang nag-e-edit ako ng thesis paper namin.

"Thesis natin." Kinuha niya yung laptop sa harap ko, at nagbasa.

"Dami mo namang ine-edit. Sana sinabi mo, para natulungan kita." 

Umiling ako, "huwag na, alam kong busy ka sa student organization mo ngayon."

"Kahit na, I can still make time, for you." Napapikit ako. Ito na naman tayo, ang puso ko parang nagwawala sa kaba.

Bakit kasi crush ko siya, at palaging double meaning lahat ng sinasabi niya sa akin.

"Okay nga lang yun--" di niya ako pinatapos, kasi bigla siyang nagsalita.

"Galit ka ba?"

Kumunot agad noo ko, "hindi, bakit?"

"Kasi bigla kang pumikit at nag deep breath. Baka kasi na-pissed off kita. Sorry ha."

Ayan na naman. Paano hindi ako mapapa-buntong hininga kung ganyan ka ka-sweet sa akin. Hindi mo ba alam na matagal na kitang crush? What if mahulog ako sa'yo lalo, e'di kawawa ako, kasi one-sided ang feelings ko.

"Alam mo, isang tanong mo pa, tatamaan ka na sa akin," para sa'yo naman, ako kasi natamaan na.

Dahan-dahan na siyang tumayo. "Hehe, sorry po. Aalis na ako, tawag na pala nila ako, may meeting daw kami. Hehe." Pagkalakad niya, bumalik pa ulit siya, "basta, sabihan mo ako kapag kailangan mo ng tulong. Tutulungan naman kita, para saan pa at mag ka-group tayo." Kumindat at pinisil ang ilong ko muna siya, bago umalis ng tuluyan.

My goodness, Zaiden Kael. Kung alam mo lang. Hindi na tuloy mawala ngiti ko. Wala na, buo na naman araw ko. Thank you talaga, Zaiden Kael.

"Ganda ng ngiti mo Lunets," bati agad ni Haru, best friend ko.

"Tigilan mo nga ako, Haru." Inirapan ko siya.

"Pasalamat ka na lang sa akin," pinakita niya sa akin yung phone niya. Ang gaga, pinicture-an kaming dalawa ni Zaiden. Ganda ng quality at angulo. Para kaming magjowa talaga.

Napangiti na lang ako agad sa nakita ko. Grabe, crush na crush ko talaga siya.

"I-send mo nga sa akin 'to. Kailangan maganda quality ha." 

Binatukan niya naman ako. "Harot mo friend."

Nagkunot ako ng noo, "bakit na naman?" 

"Kasi s'yempre, crush mo siya, tapos kinikilig kilig ka. Pero sa isa mo ginagawa lahat ng gusto mong gawin sa kanya." Pagkatapos ng sermon niya, nag-focus na siya sa cellphone niya.

CHOICE 1: Right ChoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon