Nagising ako ng mga bandang alas-dos dahil sa pag-tunog ng tunog ng cellphone ko.
Zaiden Kael Dela Fuente:
I heard what happened.
Are you okay, Lunette?
Sorry if na iistorbo ko yung messages mo.
Aware naman ako na nag-mmute ka ng phone bago matulog.
Kung gusto mo ng kausap, andito lang ako ha.
You can disturb me anytime.
Dahil sa last message ni Zaiden, hindi ko namalayan, I called him.
Sinagot niya naman agad. Pero hindi ako nagsalita. Hindi ko mapigilan na mapaiyak na lang, naalala ko na naman ang nangyari kanina.
"It's okay." I heard him say.
"It's not okay, Zaiden. It is not, okay."
"I'm sorry. You'll be fine."
"We've been friends since 1st year college, tapos ganito lang gagawin nila sa akin? Para saan pa yung pagsasama at pagtitiwala ko sa kanila kung itatapon lang nila ng ganun, Zaiden."
He just listens, and I continue ranting.
"Am I a bad friend, Zaiden? Bakit nila kami bine-tray? Are we not good enough?"
"You are enough, Lunette."
Zaiden's words are so comforting. Hindi ko na talaga mapigilan lahat ng tinatago kong emosyon at binuhos ko na agad sa kanya. Nakakahiya nga e, kasi feeling ko na-bother ko yung time niya. Instead na nag-aaral sya ngayon, ito nakikinig sa paulit-ulit kong rants.
Hindi ko na nga namalayan na nakatulog na pala ako kakaiyak. Nakakahiya naman kay Zaiden! Pagtinign ko sa phone ko, lowbatt naman ito at mainit. Dahil siguro sa magdamag naka-open. Tumayo agad ako at tumingin sa vanity mirror ko. Sana walang panis na laway, please! Halos gusto ko nang lamunin ng lupa dahil sa istura ko. Gulo-gulo buhok, may pimple treatment pa sa mukha. Ganito itsura ko nung ka-vc ko si Zaiden?!
Napasabunot na lang ako. Kinuha ko ang phone at nag-charge. May morning class pa naman ako ngayon, eight am. Hindi parin talaga ako makapaniwala, naka-late night talk ko si Zaiden! Ang swerte swerte ko naman! Bumalik ako sa higaan at dumapa, pinagpapa-dyak ko yung paa ko dahil sa sobrang kilig. Hindi ko mapigilan ngumiti.
Pero agad namang natanggal yung ngiti ko nang makita ko ang oras. Shit! Malapit na mag-alas-otso! Dali-dali naman akong bumangon at naligo ng saglit. Hindi na ako nakapag-prepare ng breakfast ko, kasi late na pala ako, mabuti na lang at walking distance lang tong apartment ko sa school, kaya mga ten minutes lang ay nasa classroom na agad ako. Hingal na hingal ako pagpasok sa classroom. Buti na lang, at wala pa yung professor namin. Maaga pa naman 'yun palagi, kasi morning class siya.
Pag-upo ko sa tabi ni Haru, may inabot naman siyang naka disposable na lalagyanan.
"Uy! I love you so much talaga, 'di pa ako nakakakain ng almusal e. Buti na lang may pagkain ka, kung hindi, baka a-acid-in na naman ako mamaya."
Binuksan ko naman ang laman ng tupperware. Club sandwich. My favorite food.
Habang nilalamutak ko yung sandwich, nakatitig lang sa akin si Haru kanina pa siya hindi nagsasalita. Alam ko naman na, hindi ako naka-contacts ngayon, naka-specs ako. Kasi halatang halata yung maga ng mata ko kakaiyak. Napangiti na naman ako agad nang matandaan si Zaiden.
"Ano ba yung tanong mo? Itanong mo na." Sinabi ko kay Haru
"Anong meron sa inyo ni, Zaiden?"
BINABASA MO ANG
CHOICE 1: Right Choice
RomanceKung ikaw papipiliin, sino pipiliin mo, may gusto sayo o gusto mo? Ayan din ang tanong ni Lunette sa sarili niya. Sino ba dapat niyang piliin? Yung ma-effort na hindi niya gusto, o ang nagpapakilig sa kanya, na gusto niya? Mga katanungan na alam niy...