Kinikilig buong kalamnan ko for our date ni Zaiden later. Oo, date ang tawag ko roon, my thoughts, my rules. Kahit pa may klase kami ngayon, at may long quiz after nito, hindi ko parin mapigilan na ngumiti. Halos wala nang pumapasok sa utak ko ngayon, kasi puro si Zaiden lang. Ano ba self, later na yung love life na yan, tandaan mo running for latin honors ka.
Pero, insperasyon ko rin naman si Zaiden. Siya rin naman isa sa mga dahilan, kung bakit mataas parin scores ko. Ayaw kasi niya sa bobo, major turn off daw yun sa kanya. Kaya nga rin sa lahat ng naging ex niya, puro nasa dean lister.
Sa awa naman ng Diyos at katabi ko, pumasa naman ako sa quiz kahit hindi ako nakikinig masyado. Sakto namang lunch time na, at nilabas ko na agad ang phone para i-chat si Zaiden, kung saan kami kakain.
Agatha Lunette Ruiz:
Hi Zai!
Saan mo gusto kumain?
Zaiden Kael Dela Fuente:
Hello Luns. Katatapos lang ng class ko.
Kahit saan, pwede. Saan mo ba gusto?
Kahit din naman saan pwede, basta ikaw ang kasama ko, always. Pero syempre hindi natin pwede yan sabihin sa kanya.
Agatha Lunette Ruiz:
Hmmm sige!
Doon na lang sa cafè na bagong bukas, malapit sa station.
Okay lang ba sayo?
Zaiden Kael Dela Fuente:
Yes! Nag-aaya rin kumain mga friends ko riyan.
See you there!
Agatha Lunette Ruiz:
Okieee!
Imagine, ako yung una niyang makakasama kumain sa bagong bukas na café! O to the M to the G talaga! Napaka-romantic naman ng set up namin. Since magkaiba kami ng building, hindi kami sabay papunta sa café.
Sayang nga e, hindi 'man lang siya nag-offer na sunduin ako. Joke lang! Sino ba naman ako para sunduin? Hindi naman ako prinsesa sa isang castle, para sunduin ng kanyang prince charming.
Ayan na naman, sagana si Agatha Lunette kaka-day dream ngayong araw. Baka masobrahan naman ako sa pagiging asumera niyan, tapos cry cry na lang sa gilid after everything. Okay lang mag-cry cry, at least, I don't regret it. It is what it is.
Sumakay lang ako ng jeep at bumaba sa paroroonan. Pagpasok ko naman sa café, wala pa si Zaiden. Pero kahit wala pa siya, nag-order na ako para sa amin. Sa tinagal tagal na naming friends, alam ko na yung mga prefered niyang kainin. Sayang nga e, friends lang. Baka malay mo, sa future, maging more than friends kami.
Hindi naman ako kinikilig, slight lang.
Sakto namang paghanap ko ng upuan, at i-cchat ko na sana siya, nang dumating na siya sa café. Tinawag ko na lang siya.
BINABASA MO ANG
CHOICE 1: Right Choice
RomansaKung ikaw papipiliin, sino pipiliin mo, may gusto sayo o gusto mo? Ayan din ang tanong ni Lunette sa sarili niya. Sino ba dapat niyang piliin? Yung ma-effort na hindi niya gusto, o ang nagpapakilig sa kanya, na gusto niya? Mga katanungan na alam niy...