Masarap na simoy ng hangin, perfect time para makapag-isip ang magmuni-muni.
"So tell me nga, Luns. Ano meron sa inyo ni Leone?"
Ito na nga ba ang sinasabi ko, sawang sawa na ako makarinig ng ganyang tanong. Tapos kapag sinagot mo, sila pa yung hindi maniniwala. Paano ko sasabihin nang maniniwala sila?
"Alam mo, Sirelle, ask mo yung si Leone. Total, bestfriend mo naman yun. Kasi alam ko naman, na kahit anong sabihin ko, hindi ka sa akin maniniwala." Tinitigan ko siya sa mata, "isa lang masasabi ko, basta walang kami ni Leone."
Tinaasan niya ako ng kilay, "kahit ano? Wala talaga? Kilala ko si Leone, 7 years na kaming friends, clingy siya sa'yo, pinopost ka niya, palagi ka niyang hinahanap. Tapos sasabihin mo walang kayo?"
Napasabunot na lang ako sa buhok ko, "gusto mo malaman totoo?"
Tumango siya, "flings kami ni Leone, pero may gusto siya sa akin."
"May gusto ka sa kanya?"
Umiling ako, "wala."
"Kanino ka may gusto?"
Nagbuntong hininga na lang ako, sabihin ko na lang sa kanya, para matapos na.
"Kay Zaiden ako may gusto."
"Ano?! Oh?! Talaga?!" Gulat na gulat niyang reaksyon.
Sa sobrang lakas ng reaksyon niya, halos lahat ng tao rito sa field nakatingin na sa amin.
"Sige lang, lakasan mo pa. Para marinig ng lahat, tapos front page ako sa mga GC nila." Sarcastic kong sabi.
Agad naman niyang tinakpan ang bibig, "sorry, sorry. Nagulat lang ako. 'Di ko kasi in-expect na si Zaiden gusto mo."
Natawa ako ng kaunti sa reaksyon niya, "bakit sino ba ine-expect mo?"
Nagkibit balikat naman siya, "'di ko alam?"
Ito na nga ba ang sinasabi ko, kaya ayaw kong sinasabi kung sino mga nagiging crush ko, kasi nalalaman din agad ng ibang tao, kapag sinabi ko na sa iba.
"Kelan mo pa siya naging crush?" Tanong niya.
"Freshman pa tayo. Nung naging blockmate ko siya, at tinanong niya ako kung gusto ko ba sumali sa SSG."
Kitang kita ko yung gulat sa mukha ni Sirelle.
"Gago ka, graduating na tayo. Matagal na pala 'yang feelings mo?"
Tumango ako.
"Fuck, ano nagustuhan mo sa kanya?"
BINABASA MO ANG
CHOICE 1: Right Choice
RomansaKung ikaw papipiliin, sino pipiliin mo, may gusto sayo o gusto mo? Ayan din ang tanong ni Lunette sa sarili niya. Sino ba dapat niyang piliin? Yung ma-effort na hindi niya gusto, o ang nagpapakilig sa kanya, na gusto niya? Mga katanungan na alam niy...