;
Chapter 29I felt offended by the way he called my food cheap. Hindi mahal, hindi rin naman mumurahin ang pinuntahan ko. I like this particular Japanese restaurant called Pepper Lunch. Masarap at sulit naman sa bayad. Paborito ko rin 'tong kainin dahil nakakabusog at kakaiba sa panlasa.
For some, eating here could be a luxury because of the high price point. Pero kung ihahambing naman sa steak na gusto ni Suriel, malamang mas mahal 'yon at walang binatbat 'tong kakainin ko.
I crossed my arms. My eyes were sending him piercing daggers but he didn't seem to care. Parang natutuwa pa siya sa naging reaksyon ko.
"If you think this looks cheap on you, then don't eat here. Spare me the steak drama."
Suriel shrugged then glanced at the couple who were still standing. "Dito na tayo kumain. Gutom na 'ko at kailangan pang bumiyahe... pumili na kayo kung ano ang gusto niyo."
Nagsimula na 'kong kumain at hindi na sila hinintay pa. Suriel took out his wallet from his pocket and gave his card to Kent. "It's my treat."
"Ano'ng gusto mo?"
"Paki tanong kung ano ang bestseller nila at iced tea lang. Salamat."
Nang umalis ang dalawa, agad na dumapo ang mata ni Suriel sa'kin. Napa mura pa 'ko sa aking isipan dahil nahuli niya akong unang nakatingin.
Tinaas niya ang kanyang kilay ngunit hindi naman nagsalita.Umiwas na lang ako at pinagtuonan ng pansin ang mainit na pagkain. But unluckily, I burnt my tongue as I urged myself to eat. Sa pagkapaso ko, hinanap ko agad ang inumin na binili ko ngunit nauna si Suriel na kuhain 'yon. He was so quick to change seats, Suriel was now beside me holding the drink. Nasa tapat na ng labi ko kaya lumapit na lamang ako ng kaunti at lumagok ng inumin.
Hindi ko na namalayang nakadantay ang kamay ni Suriel sa ibabang bahagi ng likod ko, bumalik na lang ako sa tamang huwisyo nang maramdaman ang marahang paghagod niya dahil umubo naman ako.
I can't believe that I freaking embarrassed myself in front of him!
"Mag-ingat kasi," may himig ng panenermon ang boses niya.
Dumating na ang dalawa na may dalang pagkain para sa kanilang tatlo. Pareho silang napatigil at tumitig sa'min. Naguluhan pa 'ko dahil mukha silang nakakita ng kakaiba pero tumuloy na lamang sa paglapag ng mga pagkain.
Umuubo pa rin ako at 'di naman tumigil si Suriel sa ginagawa niya kahit gusto ko na siyang sikuhin at umalis na sa upuan ni Angelique. She put her bag beside me. Alam kong tatabi siya sa'kin... kaya naman naghihintay si Angelique na umalis si Suriel.
"I'll sit here," Suriel said.
"Ah... kukuhain ko lang sana yung bag ko sa tabi mo, Suriel," dinagdagan pa 'yon ni Angelique ng tawa. Binigay naman ni Suriel ang bag kaya nawala na ang init ng palad niya sa likod ko.
I also moved away and held the cup. Naglagay na 'ko ng distansya sa'ming dalawa.
"Ayos na, kumain ka na."
I think it was the most awkward dinner I ever had so far. Parang litong-lito ang dalawa sa kinikilos ni Suriel. Hindi kasi lumulubay sa pagsulyap si Suriel at tila Wala siyang paki kung napapansin na 'yon Nina Angelique at Kent.
"Hipan mo kasi," sermon ulit ni Suriel. "Hindi 'yung bigla at diretso mo lang kakainin. Wala ka sa race, Rinoa."
"Obviously, hindi na sobrang init ang sizzling plate kaya 'di na kailangang hipan pa."
Malalaking portion ang pagsubo ko. Hindi dahil sa sobrang gutom, kundi dahil mapigilan ang sarili na magsalita nang salita. Kung maaari, ayaw ko nang patulan ang mga pasaring ni Suriel pero automatic na yata sa'kin na kailangan ko mag-respond.