Chapter 4

12 0 0
                                    

Chapter 4

Nanatili ako sa liblib na lugar habang nakatingin sa aking anak. I miss my son. I'm currently watching my son's play while hiding, gusto ko lang makita ito habang pinag-iisipan kung papayag ba ako sa misyong ipinapagawa sa akin.

"Honey," naiyukom ko ang aking kamao ng marinig ko ang boses ni Jessie. Lumapit siya sa aking anak.

"What are you doing, Tita?" he asked when he saw Jessie holding something.

"Wala lang, honey. Where's your dad?" she asked with a smile.

"He's in his office," Alvin said while playing with his ball.

"Oh, okay." then she walked away.

Matalim na pinagmasdan ko ang hawak ni Jessie, may kung ano kasing nagsasabi sa akin na may kakaiba sa dala niya. Kahit na gusto kong kompirmahin kung ano laman ng bote, hindi ko naman magagawa iyon lalo pa't maraming mga matang nakabantay sa kaniya.

Nang tuluyan itong makaalis, dahan-dahan akong umalis sa aking pinagtataguan at tutungo na sana sa kinaroroonan ng aking anak ng biglang may pumigil sa akin. Napalingon ako kay Grace na umiling lamang sa akin.

"Remember, Claire, we agreed that you wouldn't cause any trouble. We're only here to see your son. Don't make things difficult for us."sambit ni Grace. Gusto ko mang magprotesta ngunit may punto din naman si Grace. Hindi pa ito ang tamang panahon. Kailangan kong paghandaan ang muli naming pagkikita.

"Let's go." nauna na itong umalis. Lumingon muna ako sa gawi ng aking anak bago sumunod kay Grace.

"Mommy will come home soon." mahina kong sambit bago pinunasan ang luhang bigla nalang kumawala sa aking mga mata.



***********

"Claire." napalingon ako sa nagsalita.

"What?" ipinagpatuloy ko ang pagpupunas ng aking baril.

"Pwede ba kitang makausap?" itinigil ko ang pagpupunas ng baril.

"Ano ang pag-uusapan natin?" taka kong tanong dito.

Umupo ito sa aking tabi saka kinuha ang baril na nakalatag sa mesa.

"Handa kana ba?" hindi ako kumibo sa naging tanong nito sa akin.

"Alam kong mahirap ang gagawin mo Claire. Alam mo bang isang mafia ang makakalaban mo?" napakunot ang aking noo.

"Mafia?" pinasadahan ko ito na naguguluhang tingin. Paano nadamay ang mafia dito?

"Jessie is part of a mafia group." nilagyan niya ng bala ang baril na hawak.

"Isa sa misyon namin ang bigyang katapusan ang panganib na hatid nila sa mga inosenteng tao. We need to break their wings." kinasa nito ang baril.

"Hindi pwedeng hayaan silang pagala-gala at nangbibiktima ng kung sinu-sino." pagkatapos niya itong sabhin, kinalabit nito ang gatilyo na siyang naging dahilan kung bakit umingay ang aming paligid.

Hinipan nito ang usok na lumabas saka inilapag ulit ang baril sa mesa.

"You need to be careful. We don't know what awaits you there." mababakas sa kaniyang boses ang galit na meron ito.

"Kung maaari ay kumuha ka ng matibay na ebedinsya na pwede nating ipanglaban sa kanila. Marami silang koneksyon kaya hindi natin sila basta-basta matatalo sa maliit na ebidensiyang meron kami. At habang nasa misyon ka, huwag mong kalimutan ang dahilan kung bakit ka nandun, at kung paano ka napunta sa ganitong sitwasyon. At huwag mo ding kalimutan ang mga taong naghihintay na bumalik ang totoong ikaw." umalis ito sa kaniyang pagkakaupo, lumakad ito papalabas bago itinaas ang kaniyang kamay upang magpaalam.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 23, 2024 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Wife's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon