Supposedly, ang title nito ay Friendship Update: F.O na 'ata, pero hindi na iyon ang magiging title dahil hindi naman nangyari.
Ganito kasi 'yon, halos araw-araw kasi kaming magkausap ni Loe, magsisimula muna sa streak sa Tiktok, tapos lilipat na sa messenger, inaabot pa kami ng madaling araw sa pag-aaway.
Dahil nga madalas kaming umaabot ng madaling araw sa pag-uusap, syempre nakakaantok rin 'yon, kaya naman natulugan ko siya ng UNANG BESES.
Nagsorry ako syempre, tapos okay lang sa kaniya, eh biglang may part 2 yung pagtulog ko sa kaniya. Sa part 2, nagdadamdam na siya, ang tagal maka-move on eh HAHAHA.
Syempre may part 1 at part 2 ang pagtulog ko sa kaniya, sinabi ko na hindi na magkakaroon ng pangatlo, kaso nga lang nausog 'ata kaya ayan, may part 3 tuloy.
Sa part 3, hindi ko alam kung for real ba yung inis niya o hindi, pero sa tingin ko ay for real. Sino ba naman ang hindi maiinis kapag natulugan ka? Nauna pang matulog kaysa mag-bye eh.
Eh diba nagkaroon na ng part 3, sinabi ko talaga sa kaniya na wala ng part 4,syempre, dahil mabait akong kaibigan, nagkaroon pa rin ng part 4.
Sa part 4, diyan na umiral yung ignoring prank niya. Hindi kami nag-usap ng BUONG ISANG ARAW. NIREMOVE NIYA PA YUNG NN NAMIN!
Dahil nga may ignoring prank na naganap, kinabukasan ay chinat ko siya sa tiktok, sakto naman na nabuksan niya yung chat ko, edi nag-usap na ulit kami. Nagchat rin siya sa akin sa messenger, ang chat niya pa ay:
"Ibalik mo na nga yung nn natin, tanggal kasi nang tanggal" WOW, WOW, WOW?!
Sinunod ko naman siya, binalik ko yung nn ko sa kaniya at siya naman ang pinagbalik ko sa nn ko. Nagreklamo pa ako kasi hindi ako sang-ayon sa una niyang nilagay. Naglagay ba naman sa nn ko ng "Part 5 = FO", with 🌈🥰 pa. Syempre nagreklamo ako na palitan niya.
Ayan lang naman yung friendship update, akala ko talaga mag-FO na kami, muntik ko ng palitan 'tong title na Walang Kaibigan.
Hindi ko tinuloy kasi
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.