UNDER THE SHEETS (BL) PART 2

2.6K 6 1
                                    

Kinagabihan nga ay nagkita-kita kami sa isang kainan, doon na kumain at nag-inuman. Ngunit magiisang oras na kaming nagiinuman ay walang Adrian na dumating. Nakikinig lamang ako at nakikisama sa usapan ng iba na napupunta na sa kung ano-anong topic, Basta may mapag-uusapan lang.

"Pasensya na at ngayon lang ako."

"Hum!" Tumingkad ang aking tainga ng marinig ang boses ni Adrian. Napalingon ako sa kanya, nang magtagpo ang aming mga mata ay pasimple akong nag-iwas ng tingin, Patay malisyang kumuha ng isang basong alak at uminom.

"Adrian, kala namin 'di ka na darating."

"Na-traffic siguro sa edsa, hahaha."

Natawa lamang siya sa mga biro nila at agad ng binati ang birthday girl.

"Uhm...Jino, pwedeng dito ka, dyan ako?" Aniya sa kaklase naming naka-upo sa tabi ko. Hindi na ako tumingin sa kanila. Whatever. Hindi naman umangal si Jino at lumipat ng upuan kaya tuluyan na siyang naka-upo sa tabi ko. Agad naman siyang binigyan ng maiinom ng iba, hindi naman niya tinatanggihan ang mga ito.

Tawanan at kwentuhan na sinamahan ng alak at pulutan. Sa paglalim ng gabi ay parami ng parami narin ang bumabagsak. Including me na yumuko na sa mesa at ginawang unan ang mga braso. Low ang tolerance ko sa alak, habang itong nasa tabi ko ay hala parin sa pag-inom, kaya napapatitig tuloy ako sa kulukoy na 'to.

Habang umiinom siya ng alak sa baso ay napansin yatang nakatingin ako sa kanya kaya pasimple niya akong sinulyapan. Batid ko naman ang lihim na ngiting ipinakita niya sa akin habang patuloy lang sa pag-inom. Mas lalo tuloy akong napatitig sa kanya.

Weirdo!

Tuluyan ko naring ipinikit ang mga mata, balak na kumuha ng idlip. Ngunit habang nakapikit ko, may naramdaman akong marahang humawak sa aking tuhod. Naka jersey short lang ako kaya ramdam ng aking balat ang init ng kamay ng siyang humawak.

Si Adrian lang naman ang naka-upo sa tabi ko sa bandang iyon ng aking tuhod, kaya aware akong kamay niya iyon. Pareho naman kaming lalaki, I'm used to this much skinship, iyon ang inaakala ko. Hanggang sa maramdaman ko ang marahang pag-galaw ng kanyang kamay, sa kanyang pag-galaw ay naitulak ang aking short paitaas kaya hita ko na mismo ang kanyang nahahawakan. He keep on rubbing his thumb gently on my skin, kaya dahan-dahan ko ng naimulat ang aking inaantok na mga mata at napatingin sa kanya, na nakangiti lamang habang nakikipag-usap sa iba, acting like nothing happened, like he always do.

Humigpit ang pagkakahawak Niya sa aking hita kaya marahan akong napa-ugong. However, he just take a glance at me before continuing his conversation with the others. He knew I was awake yet didn't even take his hands off. Fuck....

Mas lalong sumasakit ang ulo ko kaya ipinikit ko na lamang muli ang aking mga mata. Feels like the everything around me is spinning. Haaa..

Nagising lamang ako nang may gumising sa akin sabay tapik-tapik ng aking balikat. Ginigising rin nila ang iba, aalis na daw kami kasi magsasara na.

Nang makalabas kami sa kainan ay agad akong napayuko at napahawak sa aking tuhod dahil sa pag-ikot ng aking paligid. Ang iba naman ay sumusuka sa sulok, at ang iba ay full of energy kahit halatang lasing na lasing na. Kaya lahat ay natatawa.

"Mauuna na kami,"

"Yeah, see you toms,"

"Hum, ingat kayo.."

"Walang a-absent kahit may hungover challenge,"

"Shut up!"

"Hahahaha,"

Kanya-kanya narin kaming nagpa-alam. Sumakay ako sa taxi pabalik sa unit. Nakapikit lamang ako buong sandali habang nasa loob ng elevator, hanggang sa bumukas na ito. Umiikot parin ang paligid ko kaya humawak ako sa pader na siyang umalalay sa akin. Hinarap ko na ang pintuan at inilagay ang pincode ngunit kumunot ang noo ko nang mali daw ang aking inilagay. Inulit ko pa iyon ng ilang beses ngunit ayaw talaga nitong bumukas.

ONE SHOT R18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon