•TWENTY-ONE•

6 1 0
                                    

Iyan's POV

Napatulala nalang ako dahil pagkatapos kumain ay ako ang inutusan ni Mama na maghugas! Dami dami pa naman nito.

"May reklamo?"tanong ni mama habang nakatingin ng masama saakin.

"Ma, hindi naman ako ampon diba?" Nakangiting tanong ko.

"Iyan maghuhugas ka lang ng plato nag ka identity crisis kapa! Ako na nga!"natatawang sabi ni Cassandra at lumapit saakin.

"Ako na lang kasi palagi taga hugas ng plato!"reklamo ko. Tsss si ladin di niya inuutusan mag hugas ako palagi.

"sino uutusan ko? Kapit bahay?"kunot noong tanong ni mama. Andito ang crush pero puro kahihiyan ang dinadanas ko.

"Mag aasawa narin ako! Para may uutusan na ako mag hugas ng plato!"namilipit ako bigla ng apakan ni Laurie ang paa ko."masakit!!!"

"asawa asawa! Maglaba ka ng panty mo dun!"sabay sabay na sigaw ni Mama, Astrid, Laurie, at Cassandra!

"marunong ako maglaba! Grabe kayo!"madramang sambit ko. "Ang sama niyo sakin!"

"Oo marunong ka! Tamad ka naman!"

"Pinagkakaisahan niyo ba ako?"tanong ko sa kanila. Bakit sila ganyan!

Ngumuso ako at umiirap na lumabas ng kusina. Paglabas ko ay nakita ko sila sa sala na prenteng nakaupo at feel at home! Lalo na Xavier at Sean.

Dumeretso ako sa labas para tignan kung andun ba ang bunso namin, hindi nanaman kasi umuwi.

"Hoy!" Malakas na sigaw ko ng makita ko kung ano ang ginagawa niya. Hinila ko ang tenga niya at sapilitang inilabas ng comshop.

"Te. Te. Te. Masakit masakit!"

"Mama yung anak mo!"sigaw ko habang papasok ng bahay. Inangat ko ang nakita kong hawak niya kanina at ibinigay yun kay mama!"Yari ka!"

"Kailan ba ako mauubusan ng problema sainyong dalawa! Akyat hindi ka lalabas hanggang wala ako akong sinasabi!"

"Yosi pa! Blee!"mapangasar na sabi ko. Binilatan ko siya habang paakyat ng hagdan.

Kasunod niya si mama. Lagot ka ngayon! Akala mo maangas ka dahil Yosi boy kana!

"Siguro kung kapatid ko kayong dalawa ni ladin sobra na ang stress ko!"tumatawang sabi no Xavier."dalawa nalang talaga kayo sa side ng mama mo?"

"Oum, nag asawa na kasi silang lahat! Tapos yung bunso namin may nililigawan na! Tapos ako maganda parin! Pagkatapos ko ng college papasok na ko ng combento! Mag mamadre ako kasi may asawa na si sir kai!"madramang sambit ko habang nakahawak sa dibdib ko.

"Crush mo si kuya Kai?"malakas na tanong ni Tyron na nakaupo sa tabi ni tyler!"akala ko ba gusto moko?"

"Iwww, Yuck Never!"kunwaring nasusukang sabi ko."inutusan lang ako ni Astrid na gawin yun!"

"eh? Bakit ako?"naguguluhang tanong ni Astrid na kakalabas lang ng kusina!

"diba gusto mo malaman kung paano ginagawa ang sibuyas?"

"Tinatanim yun diba?"tanong ni Tyron. Parehas kami ni Cassandra na humagalpak ng tawa dahil parang nagisa ang laman ng utak naming dalawa!

"It's because of the secret! Me and Tyler has very big secret! They're so curious about!"

"hindi ako!"nakangusong sabi ko. Tsssk. That secret! Kainis sino ba kasi ang babae nayon! Sarap sabunutan.

"pero buddy, wala ka sa crush list niya!"naupo si Laurie sa tabi rin ni tyler.

"what crush list?"naguguluhang tanong ni tyler."what are talking about!?"

"Kasi ang mga crush lang na nabanggit niya si Arden, si Sean,si timothy and last si blaze na escort namin sa room!"

My Grumpy Sunshine Where stories live. Discover now