Chapter 4:Reunion

142 2 1
                                    

7:55 PM

"Enrique!" Isang boses ng babae ang tumawag sa kaibigan ko, kilalang kilala ko ang boses.

"Oh! Kathryn!" Tinawag niya, sa sobrang gulat ko eh lumaki ang mga mata ko. Tumakbo siya papalapit sa amin, pero papabagal siya ng papabagal habang lumalapit. Tiningnan ko kung siya nga talaga yun, at oo...siya talaga yun at lalo akong nagulat.

"K-kath..." Bulong ko sa sarili ko.

Ako at si Kath Eh hindi makaimik, sa lahat ng bagay na hindi inaasahang mangyari eh...nangyari.

Lumapit si Enrique sa kanya at niyakap.

"DJ, Si Kathryn, yung sinasabi ko sayo. Kathryn, si Daniel tawagin mo siyang DJ, kaibigan ko siya."

"H-Hello, ako si Kathryn Bernardo, Girlfriend ni Enrique." Pakilala niya.

"A-ako si DJ, Daniel Padilla. Nice to meet you." Nag shake hands kami, at nagsimula nang tumulo ang luha ko.

Nung una, nung una tahimik pero, nag pangap lang kami na hindi magkakilala. Ang sakit na nararamdaman ko sa puso ko, eh nagsisimula na naman. Sakit, Sugat, isang bagay na hindi kayang pagalingin kung hindi siya lang, at ang kanyang pagmamahal. Gusto ko...Gusto ko lahat bumalik.

"D-DJ anung problema?" Tanong ni Enrique, gulat. Kahit siya(Kath), gulat din.

"W-wala...Alikabok lang..napuwing lng ako sa mata...a-alis na ako. Bye bye." Tumakbo ako.

"D-DJ! AAhhh...Bahala na nga, tara na."

"O-Okay." 'DJ...Ako...hindi ko inakala na magkikita tayo ulit...' Inisip niya sa sarili niya.

'Hindi ko akalaing makikita kita...' Inisip ko sa sarili ko...Nabungo ako sa isang tao kasi hindi ako nakatingin sa daan

"Ah!"

"Hoy! Tingnan mo yang dinadaanan mo!"

"S-Sorry...Eh?" 'Ang boses na yun!'

"D-Diego!"

"Uh? DJ!"

"Bakit ka nandito?"

"Ganun din sayo, at anung meron diyan sa suot mo?"

"nauna akong nagtanong."

"Wala. Nag gagala. eh ikaw?"

"Wala ka na dun."

"Anung ibig sabihin non!!!" Tiningnan ko siya.

"Ch-? bat ka umiiyak?"

"E-Eh?" Hindi ko manlang naramdaman na umiiyak ako. "H-hindi, wala lng to. napuwing lang ako."

"Sigurado..."

"O-Oo. Wait, bat mo tinatanong? ang hilig hilig mo magtanong tungkol sa maliliit na bagay?"

"Wala lang. Pero, sumama ka muna sa akin?"

"Eh? Bakit?" Bago ko siya tangihan, hinatak na niya ako kasama niya.

PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon