9:07 PM
"Ah, anu ba yan! nakalimutan kong sabihin kung nasaan." sabi ni Diego habang naglalakad.
"Umm, Master Diego?" sabi ng butler.
"Hmm?"
"Ako si Rey Froster, Butler ni Master DJ."
"Yeah. Anu ngayon?"
"Sabi ni Master ituro ko daw sayu kung saan ang kotse."
'Tch! Nakakainis yung DJ nayun! Sa susunod na bumisita ako dito, mag babayad ka!' inisip niya, habang nakangiti ako sa kwarto ko.
Ngayon, yung dalawa nasa garahe, at si Rey ay binubuksan ang pinto. Si Diego aman nagulat, Maraming Kotse ang naka Display. Si Rey naman naglalakad lang,at sumunod na lang si Diego
"Diba Blue po ang gusto niyo, right Master Diego?" Tinanong niya habang nakangiti.
"O-oo."
Naglakad sila patungo sa kotse.
"Ang galing niyong mamili, Master Diego."
"Bakit?"
Nandun na sila sa kinaroroonan ng kotse, At si Rey ay lumapit sa kotse.
"Dahil, Master Diego, ang kotseng to ay rigalo ni Master sa 20th birthday niyo. Tsaka, Ingatan niyo to. Napaka bihira ng gantong kotse, nagkakahalaga to ng 5 000 000 euro's."
'Siguro, Hindi muna ako mag iisip na bayaran siya.' Inisip ni Diego habang nakangiti. Umupo siya sa Driver's seat.
"Wait. Nasan yung susi?"
gumiti yung ButlerN, "Hindi niyo na po kailangan ng susi, Master Diego, Ang kotseng to ay computerized. Para umandar, kailangan niyo lang pong sabihin ay "Start". Ito po ay Voice operator, at naka save na po yung boses niyo."
"I see. Aalis na ako."
"Yes, sir. Have a nice driving!" Sabi nung Butler.
