March 23 - 2:09 PM
Two weeks na pero hindi pa rin kami nag-uusap ni Kath. Sinubukan kong tawagan siya sa cellphone niya pero hindi niya sinasagot, Sinubukan ko pa ngang bisitahin siya sa bahay niya pero lagi siyang wala. At sinimulan kong isipin BAKIT...
Daniel Padilla's Place - March 30 - 10:37 AM
"DJ, Makikipagbreak na ako sayo."
"A-ano?"
"Makikipag-break na ako sayo."
"Niloloko mo ba ako?"
"Hindi."
"Please sabihin mo biro lang to."dahil yun ang salitang ayokong marinig sa kanya
"Seryoso ako,DJ."
"Nagsisinungaling ka!"
"Hin..di."
"Bakit! BAKIT!" Halos napasigaw ako habang hawak ko ng mahigpit ang braso niya.
"I'm sorry, pero hindi na tayo para sa isa't isa. Na....kikipag date na ako sa iba."
"Sino siya? SABIHIN MO!"
"Hin...di....pwede."
"Bakit?" Umiyak ako hanggang sa napaluhod ako. "Pano mo nagawa sakin to, Kath? Akala ko mamahalin mo ko habangbuhay."akala ko...
"I'm sorry..."
"Please umalis ka." sinabi ko habang tumatayo ako, tumalikod ako sa kanya.
"DJ..." Sinubukan niyang mag-stay pero...
"UMALIS KA!!" Sumigaw ako ng puno ng galit. nagulat siya sa reaksyon ko, at...umalis siya.
Araw Gabi umiiyak ako, pinagsisisihan kong minahal ko siya. Araw araw lasing ako, Hindi ko parin siya makalimutan. Pero paunti-unti, nagsisimula na akong makalimutan...ang lahat...
