Chapter 5:Home

129 2 0
                                    

8:24 PM

"Saan ba talaga tayo pupunta?"

...narealize ko na nasa harapan na kami ng bahay ko, hindi bahay kundi mansyon. Si Enrique ay isang Model/Actor, si Diego naman ang magmamana ng Hospital nila/Actor, at ako ay isang Actor/Composer/Singer/at magmamana ng Company namin. Nung highschool palang kami, lagi kaming hinahabol ng mga babae sa school namin.

"Bakit mo ko dinala dito? Bat sa mansyon ko?"

"I just brought you home, that's all. Pero may mga bagay ako na gustong itanong sayo."

"Anong ibigmong sabi - Ah!" Hinila niya ako papasok bago ko pa siya matanong. maya maya, napansin ko na nasa loob na kami ng kwarto ko, tapos hinagis niya ako sa supa.

"Hoy! masakit yun!"

"Bakit ka umiiyak kanina?"

"W-wala lang. parang gusto ko lang." 'Hindi pwede...Hindi ko pwede sabihin sa kanya...maaalala lang nanaman nila yun...' naisip ko.

"Wag ka na magpalusot! sabihin mo, bat umiiyak ka parin?" tinanong niya ako.

"Sabi ko wala lang to! WALA LANG!" aksidente akong napasigaw sa kanya, at napaatras siya ng kaunti.

"-S-sorry..."

napabuntong hininga siya, "Ayaw mo talaga sabihin sa akin huh? Kung ganon, aalis na ako...Nag gagabi na. May shooting bukas."

9:02 na kagad...Naniniwala na ako sa quote; Time flies like an arrow.

"Ganun ba...pwede mo gamitin kotse ko."

"Ang alin?"

"The choice is yours."

"hahaha...Yung blue na lang."

Ang galing! alam niya yung kulay ng kotse na meron ako.

"Gawin mo lahat ng gusto mo." Umalis siya sa kwarto habang pinupunasan ko ang luha ko.

PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon