Chapter 13

186 22 2
                                    

Gavin

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Gavin

Ang gastos naman sa kolehiyo!

Naglakad nga lang ako ngayon pauwi sa bahay dahil sa unexpected na bayarin sa school. Dalawang shirt, isa para sa departmental shirt at isa para sa organization shirt ng nursing. Idagdag mo pa ang travel gown na ipinabibili sa'min para daw gamitin namin sa lab lectures at may humabol pang name plate na babayaran. Ang mahal naman ng pangarap ko!

Ang sakit ng ulo ko kakaisip sa mga bayarin, for sure bayaran na rin ng monthly payment para sa tuition next week. Kung manalo lang talaga ako sa lotto ay for sure wala akong problema sa sandamakmak na bayarin dito.

Hindi pa nga ako nakakapasok sa loob ng bahay pero agad naman akong sinalubong ng aso kong si Ethan. Nakakatuwa talaga ang paggalaw ng buntot niya at ang hilig niyang yumakap sa'kin.

Kintamani nga pala ang breed niya.

Malaki na siya kahit na hindi pa siya nagi-isang taon. Nakakatuwa nga dahil napulot lang talaga namin siya sa kalye noong kumain kami sa labas. Umuulan noon at napansin naming mag-isa siya na nasa ibaba ng hagdanan. Siya na rin ang naging happiness ko noong panahon na 'yun at kasama ko palagi sa bahay.

Pagkatapos ko siyang lambingin ay pumasok na ako sa loob ng bahay. Unang tapak palang ng mga paa ko sa loob ng bahay ay napansin kong hindi nakabukas ang mga ilaw namin sa sala.

Usually kasi nakabukas na 'yun sa tuwing uuwi ako.

Pagpunta ko sa sala ay nakita ko si Mama na nakaupo at napansin kong tulala siya. Lumapit ako sa kanya at bineso siya. Napansin kong hindi siya kumikibo kaya umupo ako sa tabi niya.

"Ma, may problema ba?" tanong ko.

Ilang segundo ang lumipas bago niya ibinaling ang tingin niya sa'kin. Napansin kong seryoso siya at may namumuong luha sa mga mata niya. May nangyari ba?

"Hindi ko na alam kung saan kukuha ng pambayad sa tuition mo. Tapos nagkaroon pa ng sakit ang lolo't lola mo. Wala na tayong pera, nak." sambit niya habang naiiyak. "Nalulungkot ako kasi parang hindi kita kayang ipagtapos sa kurso mo." dugtong niya.

Tila natigilan ako sa sinabi ng mama ko. Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko. Wala akong nararamdaman kundi ang pakiramdam na unti-unting nadudurog ang puso ko. Pangarap ko 'to eh. Naging masaya na ulit ako eh. Muli akong tumingin sa kanya.

"Magwo-working student ako para somehow makatulong ako sa mga bayarin sa school." sambit ko at parang feeling ko ay naiiyak na ako sa sitwasyon.

Working student na kahit na alam ko naman sa sarili ko na hindi nagana ang pagiging working student kung medical courses ang program mo.

Isa sa mga kadalasang kalaban ng mga medical courses ang time. Lalo na't hindi naman biro ang mga memorization dito, need talaga ng time at dedication. Pero ito lang ang naiisip kong way sa ngayon para maipagpatuloy ko ang pag-aaral ko.

I Wrote Something About You Where stories live. Discover now