Chapter 4

3.3K 279 31
                                    

HALOS hindi maihakbang ni Elle ang mga paa palapit sa mesang inuukopa ng kuya ni Silence.

Tang'na, chumamba na naman siya.

Ito ang lalaking kaibigan nung Elixir. Peste!

Bakit kasi hindi niya tinanong si Silence bago siya nagpunta dito? Ni hindi siya nag-abalang tanongin sino kuya nito at ano itsura. Kung alam niya lang si pogi pala eh nagpa-good shot sana siya.

Hay nako, malabo nang tanggapin siya nitong katulong sa mansyon ng magulang nito. Tang'na dolyar na, hinangin pa. Baka ilang taon talaga siyang magtiis sa trabaho niya ngayon sa bar na puro masarap basagin ang bungo ang mga kostumer.

Pagkalapit niya ay pilit siyang ngumiti. Kabado siya, mga isang daan. Grabe naman kasi makatingin si pogi, makalaglag turnilyo sa ulo. Hindi tuloy siya makapag-isip ng matino.

"Hahaha—" Hilaw siyang natawa at napakamot ng noo. "Boss! Hahaha nice, nagkita ulit tayo."

"Unfortunately." Walang-gana nitong saad na para bang ang makita siyang muli ay bad news para dito.

Bah! Tinde! Siya bad news? Tsk. Slight lang naman.

"Sinong mag-aakala?" Hilaw siyang nginisihan ng lalaki.

Tch... Kung mananahimik lang ito, pogi sana lagi pero pagnagsalita, peste, pumapangit sa mata niya.

Nagbuga siya ng hangin at basta na lang pabagsak na naupo sa bakanteng upuan sa harapan nito. Bahala na nga. Kung hindi para sa kanya ang oportunidad o 'di hindi na para sa kanya. Lilipas din ang disappointment niya at lungkot. Move on din. Pag 'di siya pinalad dito maghanap na lang siya ng porener. Baka yun talaga future niya.

Peste!

"Pasensya na, napag-utusan lang ako nung nakaraan," aniya kahit ayaw niyang humingi ng paumanhin.

May kasalaanan ba siya? Wala!

"Iyong kaibigan ko kasi ayaw magpakita kay Elixir kaya ganon," she explained.

"My hunch tells me that." Binigyan siya nito nang hindi nakakatuwang tingin. "Nobody owns a condo in Rousseau would wear the clothes you have. They can do way better."

What?! What?! Tang— Nainsulto ako dun aah.

He just calls her poor in a different language! Tang'gago! Hindi ba nito alam nakakapag-Ingles siya sa isipan. Pero... Pesteng—

Kalma Elle... Paulit-ulit niyang sigaw sa isipan kahit gusto niya itong murahin dahil sa pang-iinsulto nito. Ang hirap talaga sa ibang mayaman, out of reach.

Ang sarap mong... Naku!

"Malamang boss, kung pera lang ako bibili din ako ng magagagndang damit. Kada-araw pa para masaya ka." Sarkastiko niyang saad habang nanggigil dito. "Gusto mo libre pa kita." Labas sa iling na dagdag niya.

Peste naman kasi! 'Di niya mapigilan. Nakakainsulto ang gago.

"Good thing you don't have money. That only suggests you haven't robbed anybody."

Nangunoot ang noo niya. Robbed anybody?..

May—

Inusog nito ang folder na nasa tabi nito. "Have fun," anito.

Napapantastikuhang kinuha niya ang folder at binuklat iyon. At habang mabilisan niyang tinitiganan ang laman niyon ay nakaramdam siya ng hiya. Gusto niyang ilubog at ipakain na lang sa dinosaur ang kaharap niya. Hinihiling na hanginin na lang ang lalaking walang dalang good news.

Lucius Tyrone JorqueraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon