Chapter 8

3.6K 331 94
                                    

HINDI makapaniwala si Elle sa perang nasa bank account niya. Ilang milyon iyon na kahit anong kayod niya bilang katulong ay hindi niya makikita kailanman. Ngunit ito siya, dahil kay Silence milyonarya na talaga siya.

"Ayos ka lang just L?" tanong ni Silence habang pabalik sila ng hotel matapos ibenta ang alahas nito.

Sinamaan niya ito ng tingin. "Tigilan mo nga kakatawag sa akin ng just L, Tyrane!"

Silence giggles. "Sorry. But are you okay?"

"Oo, bhe. Ano lang... Hindi lang ako makapaniwala sa mahigit tatlong milyong dolyar na nasa bank account ko," aniya.

"Ahh..." Silence nodded.

Pinalo niya ito sa balikat. "'Wag ka ngang uma-ahh lang diyan!" Inayos niya ang buhok. "Bhe, sa laki ng pera na nasa bank account ko pwede kitang iwan at magbuhay milyonarya. Bahala ka diyan peg ko."

Tumigil ito sa paglalakad na kinatigil niya't kinatingin dito. Kita niya ang nakakahabag nitong mukha na para bang dadalhin niya hanggang sa hukay ang konsensya pag iniwan niya ito at may nangyaring masama dito.

Puta!

Natampal niya ang isang kamay sa kalahating mukha.

"Bhe, please lang. 'Wag mo akong bigyan ng ganyang mukha, huhuhu." Hinila niya ito sa braso. "Hinding-hindi kita iiwan. Naku, baka mamatay ako sa konsensiya pagpinabayaan kita. Pangako hindi kita iiwan. Forever na tayo, bhe."

"Mahirap na din na pabayaan kita dahil sigurado na alam na ng pamilya mo na ako ang kasama mo. Pareho ba naman tayong nawala sa parehas na araw. Tsk! Baka kung may anong mangyari sayo ipa hit-and-run o shoot-to-kill ako ng kuya mo. Pansin ko mahal na mahal ka ng isang iyon." Lintaya niya.

Hindi malabong mangyari iyon.

Sino lang ba ako?

Kahit na sabihin may pera na siya, walang-wala iyon sa yaman na meron ang mga Jorquera.

"So, what's next?" tanong niya pagkabalik nila ng hotel.

Kinuha ni Silence ang laptop nito. "We'll buy a ticket to the Philippines."

"Okay..."

Siya ang naghanap ng plane ticket at si gaga ay walang alam. Buti na lang dala niya ang passport niya kahit saan man siya magpunta. Iyon nga lang, naiwan ang mga gamit niya sa mansyon. Di bale, mayaman naman na siya kaya niyang bumili ng bagong damit at anek-anek.

"Tyrane ang mahal! Wala bang economy?" Reklamo niya matapos ang ilang sandali at wala silang makitang economy. Lahat first at business class na nakaka-aray ang price.

"There is no available seat in the economy. And don't fuss about the price, we'll use my money," anitong kinakalma niya.

Yun naman pala, libre siya kaya't kumalma ang mga kasukasuan niya.

"Okay." Pinanood niya ang ginagawa nito. "Bhe, bakit hindi Jorquera apelyido mo?" tanong niya kahit na may alam naman na siya kahit papaano bakit. Gusto niya lang maki-chismis. Buod lang alam niya wala iyong full detail.

Napaingos siya ng hindi siya nito sinagot.

"Ay, secret ba bhe kung bakit?" Humingig siya. "Okay, I understand. I have my fair share of secrets too," aniya.

Hindi naman niya kasi nasabi dito na magna siya noon. Magnanakaw.

Matapos ito ay siya naman ang nag fill-up ng form. Muntikan niya narin baguhin apelyido niya. Jorquera sana isulat niya.

Hahaha.

"Ay, bhe, kaya pala ginto 'to. Crown airline pala." Pansin niya.

Ang mahal. No'ng nagpunta naman kasi siya dito sa Illinois ay ready na lahat kaya hindi niya alam magkano plane ticket niya nung sumakay siya ng eroplano. Hindi na siya na-stress. Salamat kay Jorquera.

Lucius Tyrone JorqueraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon