Chapter 13

4.2K 397 253
                                    

PAGKABABA sa tricycle ni Jboy ay tinignan ni Elle ang kasama niya na kunot ang noong nakatingin sa public market na, as usual, maingay at may amoy.

"Public market 'to. Nakapunta ka na ba sa ganitong lugar?" tanong niya sa binata na halatang naiinitan. "Ang init no? Walang aircon-aircon dito kaya magtiis ka."

"I'm not saying anything, Elle." Nagbuga ito ng hangin. "Can we have drinks? The fucking heat is drying me to the bone."

"Oo naman." Malawak ang ngiti na tinignan niya ito. "May two-five ka sa akin. Kala mo ililibre kita? Gagamitin natin pera mo."

"I don't care, Elle," Luc grumbled.

"Iba talaga mayaman walang pake sa ilang libo," Elle tsked.

Muli niyang hinawakan ang pulso nito pero tulad kanina ay pinaghugpong lang ng binata ang kamay nila. Hindi niya na lang iyon pinansin kahit nagdudulot iyon ng kakaibang pakiramdam sa puso niya at ginagawa siyang assuming.

Naiisip niya baka iba na ito. Baka tinamaan na si gago sa kanya.

Gustong humagalpak ng tawa ni Elle sa ideyang pumasok sa isipan niya.

Si Luc? Magkagusto sa kanya?

Malabo. Nakita niya ilang babaeng naka date nito. Pinakita ni Silence sa kanya ang ilang litrato sa mga pagtitipon sa mansyon ng mga Jorquera at ang iba ay sa ibang party, magaganda at pangmodel mga naging babae nito. Sosyal pa at alam mong galing din sa mayamang pamilya.

Kumbaga wala siya sa kalingkingan ng mga babaeng iyon. Saka baka gyerahin pa siya ng pesteng lolo at lola ni Luc. Sigurado lalabas buntot ng dalawang iyon. Kay Silence pa nga lang, grabe na ang dalawa, sa kanya pa kayang walang mai-o-offer sa mesa kundi ang pagiging siga niya at galing sa pagnanakaw.

"Oh, dito tayo, Luc." Hinila niya ang kamay nito palapit sa tindahan na may buko juice. "Masarap 'to."

"Coconut juice?" tanong nito.

"Oo. BJ in short." Kinindatan niya ito at bahagyang tinulak para paupuin sa taburete.

"BJ?" Siniko nito ang hita niya habang nakatayo siya at nakaupo ito. "That's blow job for me."

Pinitik niya ang noo ng binata at mahinang sinaway ito. "Sshh! 'Wag ka nga! Masyadong madumi utak mo eh." Pinigilan niya ang matawa dahil hindi naman siya inosente kung ano ang BJ para sa iba.

Sa dami ng taong walang filter ang bibig sa lugar nila, hindi na malabo na malaman niya. Isama pa ang kapitbahay nilang puro kaldag lang ang alam kahit walang laman ang tiyan. Tsk.

Luc simply shook his head.

"'Neng, dalawang BJ. Max size para solve." Kumindat siya sa dalagitang nagbabantay.

"Fifty isa, ate." Natatawa nitong tugon.

Tumango siya saka tumingin ano pwedeng makain sa mga naka-display na pagkain.

"Luc." Bumaling siya sa binata. "Do you want pancit bihon?"

"Anything would do, Elle," anitong pinapanood ang paglagay ng tindera sa buko juice nila sa mataas na plastic cup.

"Saka pancit bihon, 'neng. Dalawang order din. Pakilagyan ng kalamansi para heaven ang sarap." Baling niya sa dalagita at tumawa sa biro niya.

"'Kaw ate, huh." Tudyo sa kanya ng dalagita. "Boyfriend niyo ate? Ang gwapo niya po," anitong mukhang ina-assume na hindi naiintindihan ni Luc ang lenggwaheng Tagalog.

"Oo. Kanina ko lang nadekwat. Inaangkin na ako, papabebe pa ba tayo?" Ang lakas ng tawanan nilang dalawa ng tindera. "Aba, hindi na lang 'yan siya green card, gold card narin." Dagdag niya na mas lalong kinatawa nilang dalawa.

Lucius Tyrone JorqueraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon