Chapter 16: One Must Not Lie

195 9 0
                                    

°°°

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

°°°

HINAPLOS ni Jaffnah ang mukha ng kaniyang kapatid na si Jefferxone. Nakarating na siya sa Marova Hospital at katulad ng inaasahan, wala ang kaniyang ina at tanging ang kaibigan niya lang na si Red ang naroon. Hindi niya mapigilang makaramdam ng awa sa kaniyang kapatid na hanggang ngayon ay natutulog pa rin at walang kaalam-alam sa nangyayari, pero mabuti na nga iyon na matulog siya dahil baka lalo siyang mapighati kapag nakita niya ang kaniyang ate na nahihirapan na rin sa buhay.

"Ano ba kasing nangyari?" tanong ni Red kay Jaffnah. "Bakit ka narito sa labas? Akala ko stay-in ka roon."

"Tinanggal na ako sa trabaho," sagot ng dalaga. "He let me sign the contract termination letter."

"Bakit? May nagawa ka ba o masama lang talaga ang ugali ng manunulat na iyon?"

Umiling si Jaffnah tsaka umupo sa tabi ni Red. Kapwa sila nakatingin sa mukha ni Jefferxone habang nag-uusap. "Ako ang may kasalanan. Nagsinungaling ako sa kaniya."

"Nagsinungaling ka?" Hindi inaasahan ni Red na magagawa iyon ng kaibigan niya. She knows that Jaffnah is an honest person. "I-I'm sure may dahilan. Ano ba 'yong hindi mo sinabi nang totoo, Jaff?"

Nangingiming umamin si Jaffnah habang nakatingin sa mga mata ng kaibigan. "Tungkol kay papa, Red."

"S-sa papa mo? Kay Tito Joeffrey?"

Jaffnah nods. Sa pagkakataong iyon ay hindi niya na napigilan ang pagluha. "Ang daming nangyari, Red, at pasensya ka na kung hindi kita natawagang muli."

Hinagod ni Red ang balikat ng dalaga. "No, naiintindihan ko naman 'yon dahil alam kong hindi ka gagawa ng isang bagay nang walang dahilan. Alam mong palagi kitang maiintindihan, Jaff. Kaibigan mo ako. At kahit nga nagtatampo ako dahil doon, nang marinig kitang umiiyak sa tawag natin kanina, naglaho na agad lahat."

Napayakap si Jaffnah kay Red. "Sa sobrang daming nangyari, hindi ko na alam kung paano ko sisimulan lahat sa iyo. Ang totoo kasi, may hinahanap kaming sasakyan... 'yong sasakyan kung nasaan ako sa panaginip ko. Nabanggit ko sa 'yo iyon, hindi ba?"

"Oo, bakit? Napanaginipan mo bang ulit?"

Tumango si Jaffnah. "Oo, at sa pagkakataong iyon, sinubukan kong libutin ang panaginip niya at nakita ko rin ang plate number nung kotse kung saan ako naroon. Sinabi ko iyon kay Sir Zefarino."

"And then?" naghihintay na tanong ni Red.

"Ayun, pinahanap niya sa editor na si Sir Pit. Ako ang nakatanggap ng tawag at sabi ni Sir Pit si papa nga raw ang nakalagay sa registration name ng sasakyan. Masyado akong nagulat na marinig ang pangalan niya kaya nawala ako sa sarili ko at hindi ko nabanggit kay Sir Zefarino ang tungkol doon," mahabang paliwanag ni Jaffnah. "Matagal nang nawawala si papa, Red. Ako nga ang umako ng lahat ng responsabilidad niya para sa amin. You know how much I hate him and to think that his name is involved in this case... mas lalo akong natatakot."

See You in My DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon