°°°
"Ah! Naaalala ko na, Jaff! Siya si Zefarino! Oh, gosh! Bakit nakalimutan ko ang ang gwapong mukha ng sikat na manunulat na 'yon?" tanong ni Red sa kaniyang sarili. Kasalukuyan na silang nasa bus pauwi. "Kaya pala pamilyar noong nagte-take ako ng orders! Well, sabagay, hindi nga pala ako fan ng mga sikat."
Si Jaffnah naman ay nakadungaw lang sa bintana habang lumilipad ang utak sa naging pag-uusap nila ni Sir Pit kanina. Pinagmamasdan ang kalsada. Madaling araw na rin kasi at parang ang payapa ng paligid. Ganito ang buhay ng mga night shift.
"Jaff, aminin mo nga, may namamagitan ba sa inyo ni Zefarino?"
Mabilis namang nabalik sa reyalidad si Jaffnah at napalingon sa katabi. "Anong namamagitang pinagsasabi mo? Saan mo naman napulot 'yan? Wala, 'no!"
"Wala? Eh, bakit ganiyan kayo magtalo? Daig niyo pa ang mag-asawa! Kaunting bagay, nag-aaway!"
Napabuntong-hininga si Jaffnah at muling naalala ang nangyari kanina sa restaurant. Hindi na nga bumalik si Zefarino at si Sir Mon doon katulad ng sinabi ni Pit kaya ipinabalot na lang nito ang mga pagkaing inorder nila. "Hindi naman kaunting bagay ang nagawa ko. He helped me in every way he could but still I'm became a nuisance to him."
Sumandal naman nang maigi si Red tsaka hinaplos ang braso ng kaibigan. "Hmm... Siguro maaayos lang ang lahat kapag naging totoo na kayong dalawa sa mga sarili ninyo. I don't know, baka masyado kayong reserved pareho. Base sa mga narinig ko kanina, parang siya 'yong tipo ng tao na kapag may nagawa kang mali, kailangan matutunan mo ang pagkakamali mo itutulak ka niya palayo kahit ikaw na lang ang kailangan niya, at ikaw naman sa pagkakakilala ko sa 'yo, ikaw ang taong walang pakialam, slow-witted, at hindi rin pinipilit ang mga bagay na makuha dahil akala mo hindi para sa 'yo, akala mo tinataboy ka," mahabang komento ni Red. "Mahirap magets at nakakainis i-gets, pero gano'n. Pareho kayo. Sa sobrang pagkakapareho ninyo siguro kaya kayo hindi nagkakasundo."
"Paano mo naman nasabing magkapareho kami?" tanong ni Jaffnah.
"I just feel it. Pisces ako, hindi ba? Ikaw, Virgo, August 26. Siya ba?"
Natawa si Jaffnah dahil hindi naman siya naniniwala sa mga zodiac signs at sa kung anong compatibility test. "Hindi ko alam."
"Wait, famous siya, 'di ba? I'm sure, nasa internet ang bio niya." Kinuha ni Red ang kaniyang phone at nagsimulang mag-search. Laking gulat ni Jaffnah nang umirit ito. Talagang nilingon-lingon niya ang mga tao sa paligid kung nakaabala ba sila.
"Ano? Bakit ka ba umiirit? Nakakahiya sa mga tao!" nahihiyang tanong ni Jaffnah.
"Paanong hindi? I told you! Magkapareho talaga kayo! See? Virgo din siya! August 27! Magkasunod pala kayo ng birthday!" Niyugyog-yugyog pa ni Red si Jaffnah habang pinapakita ang bio ni Zefarino. "What if meant to be kayo?"
BINABASA MO ANG
See You in My Dreams
Mystery / ThrillerWarning: Mature Content | R18 HIGHEST RANK: #81 in mystery out of 32k stories Zefarino Hawthorne is a famous author in the country. His masterpieces are made from his core dreams. Always in the most sold-out books and top charts. Possibly because he...