°°°
BAGSAK ang magkabilang-balikat ni Jaffnah nang tumimo sa kaniya ang lahat ng kaniyang pinaggagawa sa event ng sikat na manunulat na si Zefarino. Sigurado siyang magiging laman siya ng diyaryo, telebisyon, at internet.
Ilang beses niyang sinabunutan ang kaniyang buhok at tinampal-tampal ang sarili sa sobrang pagkainis.
"Sabi ko naman kasi sa iyo, huwag kang magpadala sa bugso ng damdamin mo. Iyan tuloy," wika ni Red tsaka binigyan ng tubig ang kaniyang kaibigan.
Kasalukuyan silang nasa labas ng hall dahil pinalayas sila ng security. Sinabi pang ban na raw sila sa kahit na anong book fair na magaganap sa lugar. Nakaupo sila sa bench sa tabi ng malaking puno habang pinakakalma ang mga sarili.
"Wala, eh. He pushed me to my limits. Masyado bang hindi kapanipaniwala ang kakayahan ko? I was telling the truth," singhal ni Jaffnah na may inis pa rin para roon sa lalaki.
"Pero hindi lahat ay katulad ko, Jaff. Hindi lahat ay kayang maniwala sa kakayahan mo. Lalo na ang manunulat na iyon. Sikat siya. Malamang ay pagtatawanan ka lang niya."
"Anong magagawa ko? Pinatay niya ako sa panaginip niya. Dapat ba ay ipagsawalang bahala ko na lang ang lahat? Alam mo namang lahat ng panaginip ko ay may kabuluhan. Saksi ka," maluha-luhang sambit ni Jaffnah.
"Right, it was you who told me about my parents. Kung hindi tayo bumisita sa kanila noon, hindi ko sila makakapiling sa huling sandali ng mga buhay nila."
It was the day before Red's birthday when Jaff had a dream of her. Tungkol iyon sa mga magulang nito kaya naman nagdesisyon silang umuwi sa probinsya para bisitahin ang mga magulang ni Red. At kinagabihan nga ay binangungot ang mga ito. It was truly a nightmare indeed for Redeiah, but she's thankful because she has Jaffnah all along that can visit the dreams of others. Nakasama niya kahit papaano ang kaniyang mga magulang at napasaya niya ang mga ito. At nang gabi ding iyon, napanood ni Jaff ang mga panaginip ng magulang ni Red.
"But now, we're in a different position, Jaffnah, and it worries me a lot. Pakiramdam ko, iba ang tinutukoy ng panaginip na napasukan mo. Kinakabahan ako para sa 'yo, Jaff. Iba ang tingin sa 'yo ng lalaking iyon kanina. At naiimagine ko sa kaniya ang sketch mo. Ang gwapo niyang mukha... nagiging nakakatakot."
Nanindig din ang mga balahibo sa katawan ni Jaffnah. She felt she did a wrong move, lalo pa ngayong wala siyang trabaho. Kung malalaman ng mga employers ang ginawa niya, siguradong wala na siyang makukuha pang pagkakakitaan and worst, kapag nalaman ng mama niya ang tungkol dito.
Napabuntong-hininga na lamang ang dalaga at nanlulumong bumigkas, "Paano na ako makakahanap ng trabaho?"
"Hindi ko rin alam, Jaffnah, pero magtiwala tayong may darating ding trabaho para sa 'yo. Malay natin 'di ba?"
BINABASA MO ANG
See You in My Dreams
Misteri / ThrillerWarning: Mature Content | R18 HIGHEST RANK: #81 in mystery out of 32k stories Zefarino Hawthorne is a famous author in the country. His masterpieces are made from his core dreams. Always in the most sold-out books and top charts. Possibly because he...