Chapter 4

9.3K 383 47
                                    

Joella POV

MALAKI ang bahay ng apo ni Senyora Amelia. Hindi naman ito kalayuan sa bahay ng senyora dahil nasa kabilang subdivision lang naman ito. Modern type ang bahay na may malalaking salamin na bintana. Ganito ang mga nakikita kong bahay ng mga mayayaman o artista sa social media. Parang bigla tuloy akong napaisip kung kakayanin ko bang linisin ang bahay na ito na mag isa. Hindi man ito kasing laki ng bahay ng senyora pero malaki pa rin ito.

"Hindi naman maselan ang apo ko sa bahay, iha. Kaya hindi mo kailangan mangarag sa paglilinis. Tamang punas punas ka lang para maalis ang mga alikabok. May vacuum naman dyan, siguro naman marunong kang gumamit."

"Opo senyora."

"Good. Pero ang higit sa lahat dapat ang kusina ay laging malinis. Importanteng malinis ang kusina dahil dito naghahanda nang pagkain."

Tumango tango ako. Pumasok kami ng senyora sa loob ng malawak na kusina. Kumpleto sa gamit na mga moderno din. Malaki ang ref na hindi ko pa napansin dahil mukha lang cabinet. Pero wala itong masyadong laman at iilang pirasong itlog lang at hotdog. Inutusan naman ng senyora si Tita Ernacia na mamalengke saglit para may laman ang ref at may makain kami ng apo nya.

Sa garden naman ako dinala ng senyora. Napangiwi ako ng makitan mga tuyo't na ang mga halaman. Sayang naman ang gaganda pa.

"Lagi mo ring didiligan itong nga halaman. May pag asa pang mabuhay ang mga yan. Kulang lang sa tubig."

"Opo senyora."

Marami pang binilin ang senyora tungkol sa bahay. Hindi naman kumplikado ang mga bilin nya at mukhang kakayanin ko naman.

"Ang apo kong si Ace ay bibihira lang maglagi dito sa bahay. Gabi na sya kung umuwi at maaga namang umaalis sa umaga. Tuwing weekend naman ay wala sya dahil nag o-out of town sya. Ngayon naman ay nasa business trip sya at bukas pa ng gabi ang uwi."

"Lalaki po ang anak nyo senyora?" Curious na tanong ko dahil sa nabanggit nyang pangalan. Wala rin kasing sinabi sa akin si Tita Ernacia kung lalaki o babae ang apo ng senyora na syang magiging amo ko.

"Oo, lalaki. Treinta y singko anyos pero binata pa. At huwag kang mag alala, iha. Mabait ang apo ko na yun. Pero kung may gawin syang hindi maganda sayo, magsumbong ka agad sa Tita Ernacia mo o kaya sa akin. Malalagot sya sa akin."

"Sige po, senyora." Medyo kabado ako nang malamang lalaki pala ang magiging amo ko. Pero mabait naman daw sya sabi ng senyora.

Nilibot pa ako sa buong bahay ng senyora. Pinakita pa nya sa akin ang kwarto ng kanyang apo. Ang pinaka malaking kwarto sa second floor. Maganda ang kwarto ng apo nya. Malinis at maaliwalas. Mabango din. Mukhang masinop naman ang apo nya.

Sa huli ay dinala naman ako ng senyora sa magiging kwarto ko sa ibaba. Sa servants quarter na may tatlong double deck. May mga drawer din na lagayan ng mga gamit at damit. May ceiling fan at stand fan na hindi pa nagagamit at may aircon din. Mukhang mapapasarap ang tulog at pahinga ko nito.

"O paano, maiiwan ka na namin dito ng tiyahin mo. Nasabi ko na sayo ang lahat ng mga gagawin mo. Pero kung may tanong ka at iba pang kailangan, tawagan mo lang ako." Bilin ng senyora na uuwi.

"Opo senyora."

Binuksan ng senyora ang kanyang bag at nilabas ang wallet. Dumukot sya ng limang libo at inabot sa akin. Nalilitong kinuha ko naman yun.

"Para saan po ito senyora?"

"Para sayo yan, iha. Allowance mo."

Namilog ang mata ko. "Naku senyora, hindi ko po yata matatanggap ito. Hindi pa po ako nag uumpisa sa trabaho ko." Binalik ko sa senyora ang pera.

Can't Help Falling In Love With Sir AceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon