'Next week ang balik n’yo?’
‘Yan ang salitang paulit ulit na bumabalik sa isipan ko, ng makabalik na ako sa bench ng theme park na tinatambayan namin ay sunod sunod na pumila ang mga tanong sa isipan ko.
‘Sino ang kausap ni James? Sino ang babaeng tinutukoy niya? Sino ang babalik sa susunod na linggo? I had a bad feeling about this,’ I slapped myself,’ ikaw naman Khem, masyadong feelingera ka talaga. Baka naman si Mika ang tinutukoy niya.’
“Khem?”, I was surprised when Mika suddenly tapped my shoulders, “Anong iniisip mo? Para namang problemado mo yata.”
“Wala, nag-iisip lang ako kung anong oras tayo uuwi. Baka kasi mapagalitan ako ni Lola”, pagsisinungaling ko.
“Ikaw? Papagalitan ng Lola mo? Imposible namang mangyari ‘yun, mahilig ka talagang magtago ng sekreto ano”, sabi niya sa’kin ng tumatawa.
Tumahimik na lang ako at hindi na sumagot pa, hindi rin naman nagtagal at umuwi na din kami.
“Hahatid kana namin Khem”, sabi ni James habang naglalakad kami pauwi.
“Sige”, Pumayag na lang din naman ako dahil magkalapit naman ang tinitirhang bahay nilang tatlo. Ako lang naman yata ang malayo sa kanila, “Dito na lang ako,” sabi ko nang makarating na kami sa labas ng gate namin, “Thank you guys, goodnight. See you again tomorrow.”
“Goodnight Khem”, sabi ni Mika sa’kin bago sila umalis.
Tomorrow will be another long tiring day.------
Maaga pa akong nagising sa sumunod na araw, today is Monday, first day of work. Nagsimula na akong linisin at ihanda ang aking sarili, I wore a white polo shirt and a high waisted pants. Itinali ko rin ang aking buhok sa ponytail, naglagay ako ng kaunting pulbo sa mukha. Hindi ko na kailangan maglagay ng lipstick dahil sa natural naman ang medyo mapulang kulay ng labi ko. I paired my outfit with a cargo black and white jacket and a pair of black office sandals.
“Aalis na po ako lola, lolo”, I called out as I left the house.
May ilang mga folders din akong dala dahil nando’n ang mga reports kong nagawa na ipapasa ko ngayon sa manager ng banko. Pumara ako ng taxi at ng makarating na sa workplace ko ay dumiretso agad ako sa managers office.
“Excuse me sir, this is Miss Villanueva. May I enter?” I said as I knocked on the door.
“Yes, you may.” Narinig kong sagot ng manager namin.
“Good morning, sir here are the reports and files you asked me about sir.”, inilagay ko ang mga folders sa kanyang lamesa.
“Thank you, Miss Villanueva”, he said smiling.
“You’re welcome, sir.”
I turned around to leave his office but he called my name again.
“Miss Villanueva, you’re new here, right? You’re the new intern.”
“Yes, sir”, I simply nodded.
“Well, I’ve seen your resume and you’re excellently good. Outstanding ang records mo in college at mukhang halata naman na parang sanay kana sa mga ganitong gawain.”
I just stood there listening to what he wanted to say.
“Next week, I’ll assign you in Baguio. This week sana yung alis mo, kaso nga lang ay sa susunod pa na linggo darating ang sasama sa’yo do’n.”
I raised my eyebrow, “Sir, if I may ask. Sino po ba ang kasama ko do’n?”
“Your bodyguard, of course talented accountants like you needs to have a bodyguard. Especially because we talk about money, kung may kikidnap sayo do’n o maghohold-up ay walang may proprotekta sa’yo.”, he smiled, “Don’t worry rest assure, dahil ang makasama mo ay isang highly certified bodyguard.”
YOU ARE READING
Chained Series #01; Mark Anthony Blackhood
RomanceA girl named Khem Villanueva moved to her grandparents house in Cavite at the age of seven, where she met her childhood best friend Mark Anthony Enriquez. When she confessed her feelings to him, he left her for some unknown reason without even sayin...