Chapter 07

5 1 0
                                    


Warning; There's a slight SPG on this Chapter not suitable for under 18 years of age.

[Hmm... Make sure na nabasa mo yung nasa ibabaw, hehe.]

A week had already passed and today was the day I’m going to Baguio for the work I’m assigned for. Nag-impake na ako ng mga gamit na dadalhin ko since it’ll be months that I’m going to stay there, I’m checking my things in case may mga needs pa akong hindi ko naempake.

“20 white t-shirts, 15 black t-shirts, and 10 beige and brown t-shirts”, I said as I check my first baggage, “Now, 15 nighties, 20 box of new set pairs of undies, 15 sleeveless and crop-tops, 10 dresses, 10 shorts, and 30 black pants and jeans.”

I sighed as I closed both of my baggage, next I check my backpack for my essentials, “Sun blocks and lotions, face skin essentials, soaps, shampoo and conditioners, rubber bands, hair pins and hair ties. Next, chargers and power banks. As for the slippers I have 4 pairs, 5 pairs of sandals, 4 pairs of shoes, and 2 pairs for office ones.”

I smiled as I finished packing and checking my bags, lumabas ako sa kuwarto at pumunta sa ibaba. Hinanap ko sina Lolo at Lola, nakita ko silang dalawa sa kusina na nakaupo, lumapit ako at umupo sa tabi ni Lola. I noticed the silenced between the two, “Bakit ang tahimik n’yo naman yata? May problema ba ‘la? ‘lo?”

Tumingin sa’kin si Lola at nakita ko ang pagpatak ng mga luha nya sa kanyang mga mata, “Lola, babalik lang naman po ako,” sabi ko nang makitang umiyak na sya talaga, “Hindi naman po ako magtatagal do’n, promise uuwi po ako kaagad pagkatapos ng trabaho at tatawag din naman po ako sa inyo araw-araw.”

“Eh kasi hija, Nasanay na kami ng Lolo mo na nandito ka palagi sa bahay. Nakakapanibago naman kasi na bigla ka na lang mawawala dito sa bahay,” Sabi ni Lola.

Ngumiti na lamang ako, “Ang bilis talagang oras, ano?” Narinig kong sabi ni Lolo, “Noon ang liit mo pa lang apo ng dumating ka dito pero napaka responsible mong bata, halos yata lahat ng gawain dito sa bahay simula ng dumating ka ay ikaw na ang gumagawa. Hanggang sa ngayon at lumaki kana, nagtratrabaho kana’t aalis para sa pamumuhay mo,” nakita ko s’yang ngumiti, “Mag-ingat ka do’n, hu? Mamimiss ka namin dito ng Lola mo.”

“Opo Lolo, Lola. Araw-araw po ako tatawag sa inyo para kahit papaano naman ay parang wala pa ring nagbago.”

Ngumiti na lamang ang dalawa pero si Lola ay panay pa rin ang iyak, ‘Sa tiningin ko alam ko na kung saan nakuha ni Mommy ang pagkaiyakin.’

“Oh, sya’t tahan na,” sabi ni Lolo sa kay Lola, “Gutom na ‘yang apo mo’t maaga pa yang aalis bugas, kumain na tayo.”

“Hayaan mo na lamang ako Alfonso!”, Singhal ni Lola sa kay Lolo na s’ya namang tumatawa ngayon.

“Nako Ermilita, ganyan na ganyan ka din ng umalis dito ang anak natin.” Sabi ni Lolo habang tumatawa ng malakas, “Pero kahit ganyan ka ay mahal pa din naman kita.”

Hinampas ni Lola si Lolo sa braso ng malakas dahil sa pagbibiro nito sa kanya, ’Ano bana man ‘to, pati mga matanda ay naghaharutan pa, nakakainggit naman. Sana meron din ako n’yan.’

“S’ya nga pala Khem, apo,” Biglang tawag sa’kin ni Lolo habang kumakain kami, “Humanapa kana ng mapapangasawa mo do’n sa Baguio, bigyan mo na ng apo ang Mommy at Daddy mo. Siguradong matutuwa yun”, biro sa’kin ni Lolo na s’ya namang dahilan kung bakit nabulunan ako.

🌸•°•°•°•°•°•°•°•°•🌸

Maaga pa akong Umalis ng bahay at pumunta sa opisina ng aking manager.

Chained Series #01; Mark Anthony Blackhood Where stories live. Discover now