Chapter 1

653 10 0
                                    

WARNING: Mature Content
This work contains mature themes and explicit content. Intended for mature audiences, 21 and older. Reader discretion is advised.
Names, characters, businesses, events, and incidents are products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

PLAGIARISM IS A CRIME. RESPECT AUTHORS. STOP STEALING STORIES. NO TO SOFT COPIES.

Please Me, Madam CEO by: Pennieee
Cerelia Shiloh Altavera

"Happy Birthday, Cyzy! Happy Birthday, Cyzy! Happy Birthday! Happy Birthday! Happy Birthday, Cyzy!"

It's Cyzy's birthday. Anak ng pangatlo kong kapatid. Siyam na taong gulang na ito ngayon.

Nasa sulok ako at nakangiti habang pumapalakpak at sinasabayan ng mahinang pagkanta ang aking pamilya. Nakatingin ako sa aking... pang ilan ko na nga siyang pamangkin? pang labing-isa? hindi ko na halos maalala dahil sa dami nila.

I have six siblings and fourteen cousins. Lahat sila ay may mga anak na.

I lost count of my nieces and nephews. Our family is growing and almost every year there's a new born baby. Masaya naman dahil tuwang-tuwa ang mga matatanda sa tuwing may bagong buntis sa pamilya.

"Oh, make a wish muna before you blow the candle!"

It was my mother, she's happily holding her granddaughter. Yumuko silang parehas upang mahipan na ni Cyzy ang kaniyang cake.

I looked around the place. Dito ginanap sa malaking bakuran sa aming mansyon ang birthday ng aking pamangkin. Medyo malamig hangin, may mga ibon pa na nakikisabay at lumilipad sa paligid. There are also butterflies. Nagpapasalamat naman ako dahil kahit malamig ang simoy ng hangin ay wala naman nagbabadya na ulan.

"Yehey!!!" their cheered caught my attention. Nakipalakpak ako ulit nang mapansin na patay na ang sindi sa kandila.

"Let's eat! para makapaglaro na rin mamaya ang mga bata!"

The childrens' voices are everywhere. Sabik at tuwang-tuwa dahil narinig ang salitang 'laro'. Kaniya-kaniya na rin ng asikaso ang mga kapatid at pinsan ko sa kanilang mga anak. Ayan, ang dami kasi nilang mga anak. Sa ate ko lang na panganay ay lima na ang kaniya pero halos malalaki na rin ang iba.

"Ceri, hindi ka pa kumain? saka bakit ka nariyan sa sulok? baka mapagkamalan kang kasama ng mga waiter dahil sa suot mo."

Si Juno ang nagsalita. Pinsan ko sa mother side. I adjusted my eyeglasses at tipid akong ngumiti sa kaniya. Naka-office attire rin ako at medyo nahahawig nga sa uniform ng mga waiter na nagse-serve sa mga bisita.

"Ceri, come here! ano ka ba! what are you doing at the corner? nahihiya ka ba? join us!" si Melissa naman ngayon ang nagsalita, may dala siyang plato na puno ng pagkain na sa tingin ko ay para sa anak niya. Siya ay asawa ng kuya ko.

I am not shy. Nandito lang ako sa gilid dahil natutuwa ako na makita sila kasama ang kanilang mga anak.

Habang nakatingin sa masayang pamilya ng mga pinsan at ng mga kapatid ko. Pumasok sa isipan ko, ano kaya ang pakiramdam kung ako rin ay mayroon nang anak na inaalagaan? may anak na akong nangungulit sa akin?

But, I don't like marriage. Hindi naman sa takot ako na ang maging asawa ko ay manloloko o hindi mag-work ang aming relasyon. I grew up with the beautiful love stories of my family. Mula sa grandparents hanggang sa pinakabunso sa aming magpipinsan. The men in our family are all loving and caring. Pero pagdating sa usapin sa pag-a-asawa ay sarado ang isipan ko.

Please Me, Madam CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon