Chapter 8

112 2 0
                                    

I am Cerelia Shiloh Altavera. I have my own company, mayaman ako at maraming ari-arian. May mga nais manligaw pero tinatanggihan ko dahil sa pagiging abala sa trabaho. Mahirap paniwalaan para sa lahat na hindi ako pinanagutan ng isang lalaki.

"Hindi naman ako pangit--"

"Yes, gurl! hindi ka pangit! baduy lang ang style mo! saka, wear contact lense, Ceri. Ganda mo pa naman sinasakop ng salamin mo iyang mukha mo and also try not to tie your hair pag papasok ka sa office tingnan mo at baka magulat sa iyo ang mga empleyado mo."

"A piece of advice, my lovely cousin."

Narinig niya pala.

"But, it's not too late for you, Ceri. Siguro naman ay may ipinagkaloob si Lord na lalaki talaga na para sa iyo. Iyon ngang isang tita ni Alford, alam mo bang kwarenta y singko na iyon nag-asawa? nag-ampon lang sila pero sobrang saya na ng buhay. But, I am not saying na aabot ka ng ganoong edad, ha? my point is, malay mo ngayon dumating iyong lalakeng makakasama mo habambuhay?"

Dumating?

"O hindi naman kaya ay nakita mo na!"

Suddenly, an image of a man came in my mind. Nanlaki ang aking mga mata sa gulat dahil sa biglaang pagpasok ng imahe ni Max Aranda.

"W-What the hell?! B-bakit siya?!"

"Yes, hell! a-ay ano, Ceri?"

B-Bakit ang lalakeng iyon ang pumasok sa isipan ko? n-no way!

This is bad... No... this is horrible!

Nagpaalam akong kaagad kay Bene sa taranta. Hindi ko na rin maintindihan ang mga sinasabi niya dahil ang bilis ng kabog ng dibdib ko. Hindi na rin ako mapakali. Pabalik-balik ako sa loob ng aking silid habang nasa aking bibig ang isa kong kamay. I adjusted my eyeglasses. My hands were feeling the beat of my heart. It's not normal.

I am not ignorant. I know what this is.

"No... Ceri. Hindi iyan, so calm down."

I don't want to be one of those women who falls on his feet! never!

Nang hindi ako makatagal dahil nasa isipan ko pa rin ang lalakeng iyon na macho dancer sa Alzo ay bumaba ako at kumuha ng alak. Hindi ako palainom pero kailangan ko ito para makatulog. Para rin mawala sa isipan ko ang Max Aranda na iyon.

"Halika na, madam. Kung virgin ka nga ay gentleman naman ako. Hindi kita pababayaan. Dadalhin kita sa heaven. Malalasap mo ang langit kasama ako."

I suddenly felt the heat rushing my being after I remembered his words earlier. I got goosebumps. His words... his breath touching my face and...

"O-Oh my G-Gosh, Ceri!" napalagok akong muli sa alak na hawak ko.

Nang gabing iyon, sa inis kay Max Aranda, sa frustratios sa kaniya, pressure sa buhay pag-aasawa, ang nais na pagkakaroon ng anak. Naghalo-halo na ang lahat kaya nagpakalasing ako. I was so down. So drunk and wasted. Ganito lang naman ako palagi when problems are taking over me. Hindi ako sa bar nagwawala, umiiyak at nag-iisip tungkol sa buhay ko. I drink alone in my house. Kung may masabi man ako, magawa o kung ano man ay walang kahihiyan na lalabas.

I am protective of my family's reputation. The Altaveras' and me as Cerelia. I always need to make sure that my actions would not put any shame in my line of work or in my family.

Ibang-iba at malayo sa aking mga kaedaran na mga pinsan. They were always in the club before. Partying, enjoying their lives until they found their person. Their other half.

Kaya siguro rin ako na ang pinakahuling hindi nagkakaroon ng pamilya. I was more focused on building my empire than building my own family.

Hindi ko namalayan kung anong oras na ako nakatulog kagabi. The next day, I woke up with a heavy feeling.

"A-Ahhh..." napaungol ako. Sapu-sapo ko ang aking noo nang pilitin kong bumangon.

Ni hindi ko namalayan na sa sofa na pala ako sa aking sala nakatulog. Nagkalat rin ang bote ng canned beer sa baba.

"Wasted, Ceri..." iiling-iling na sabi ko.

Suot ko pa rin ang aking damit kagabi. Ang aking buhok naman ay gulo-gulo. Sa nanlalabong mga mata ay sinubukan kong aninagin ang oras sa aking cellphone.

8:45

"Sht."

Kaagad kong tinawagan si Albert. Wala pang ilang segundo ay sumagot na ito sa akin.

"Ma'am Ceri, Good morning po."

"Albert, hindi ako papasok ngayong araw. Masama ang pakiramdam ko. Lahat ng appointments for today i-move mo tomorrow. Ayoko rin makatanggap ng calls about work. If may magpapa-schedule for meeting for this week, sabihin mo na hindi ako pwede at okupado ang aking buong linggo. Kung makakapaghintay sila ay sa susunod na linggo na."

My body feels so tired. Hindi ko alam kung dahil lang sa sobrang inom ko ng alak kagabi o pati na rin sa buhay ko.

"Masusunod po, Ma'am Ceri."

"And oh... please order me food. Kahit sa fastfood lang, Albert. I want hot choco also. And if makakarequest ng medicine sa pag-o-orderan mo ay much better. Ang sakit ng ulo ko, hangover."

"Iyon lang po ba, Ma'am Ceri? kung gusto po ninyo ay pupuntahan ko na lang po kayo--"

"No, no, I am good. Tiyak na mas kailangan ka diyan sa office ngayon. Okay na ako dito, i-order mo na lang ako ng food and do not forget the medicine. Thank you, Albert."

Pagkababa ko ng tawag ay napahiga akong muli sa sofa. Umiikot pa ang aking paningin at kumikirot ang aking ulo.

"Aaahhh..."

Sa pagpikit ko ay hindi ko namalayan na nakatulog pala akong muli. Nagising na lang ako nang tumunog ang aking cellphone. Nakita ko sa screen na ang guard sa aking gate ang tumatawag.

"Ma'am food delivery daw po. Papapasukin ko po ba?"

"Opo, kuya. Thank you."

Ibinaba ko na rin ang tawag. I get up and look for my eyeglasses pero hindi ko iyon makita. Kinapa ko sa ilalim ng sofa pero wala pa rin. Nang tumayo ako ay muntik pa akong mabuwal dahil sa pagkahilo.

I really feel bad. I don't know if this is still because of a hangover or may iba pa. Basta, ang sama ng pakiramdam ko.

"Nasaan na ba iyong salamin ko na 'yon?"

Habang naglalakad ako ay tumunog na naman ang aking cellphone. Pagkatingin ko doon ay nahirapan akong basahin ang pangalan at nang sa wakas ay makita ko ang caller ay napahina ako ng malalim. Ang sobrang supportive ko na pinsan pala.

"Hello, Bene--"

"Magandang umaga sa pinakamabait, pinakamayaman, pinakamasipag at pinakamaganda kong cousin!"

Napaikot ang aking mga mata nang marinig ang mga sinabi niya.

Please Me, Madam CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon