The plan of looking for a man started. Tuwang-tuwa si Bene nang marinig sa akin na interesado ako at nais ko ngang gawin. Sa aming pamilya ay siya at ako lamang ang nakakaalam ng aking plano.
"Ito po, Ma'am. Nariyan na po ang lahat ng detalye tungkol sa kanila."
Kinuha ko ang inilapag ni Albert sa gilid ng aking lamesa. Binuksan ko. Isa-isa kong tiningnan ang mga pangalan at impormasyon pati na ang larawan ng bawat lalake. Ang gusto kong edad ay nasa 33-35 lamang. Nakalagay naman dito iyon pati na kung taga saan, mga tinapos at ano ang kasalukuyang trabaho.
Nasa pangsampu na ata ako na page ay wala pa akong natitipuhan sa mga nakikita ko.
I was really into this plan since that day I talked to my cousin Bene. Hindi ko naisip na oo nga at maaari akong magkaroon ng anak. Ang kailangan ko lang na gawin ay makakita ng lalakeng willing magpabayad.
Money can buy almost everything in this world. Almost. At marami akong pera, ano nga ba ang saysay kung hindi ko gagamitin? para naman ito sa kinabukasan ko, para sa anak ko na soon ay makakasama ko.
And in my case, hindi naman illegal itong gagawin ko.
Muli akong tumingin sa mga papel. Ilang page na ay wala pa akong nagugustuhan talaga.
Naalala ko ang sinabi ni Bene na kung pipili ako at magbabayad ng malaking halaga ay iyong gwapo daw ang piliin ko.
"Gagastos ka na sulitin mo na, Ceri! saka, jusko naman dzai! kung kaya mo naman pakana ka na rin nang makalasap ka ng sarap! baka mamatay kang may sapot ang kweba mo! hindi ka manlang nakalasap ng ligaya!"
Napahawak ako sa aking sintido nang mag-echo ang boses ni Benedet sa isipan ko. Kahit kailan talaga ang mga salita niya ay kakaiba. Siya lang sa aming magpipinsan ang nakakaalam ng mga 'unique words' na iyon pero nasasabayan naman ng halos lahat, nahawa na nga niya nga ang iba.
Hindi ko namalayan na sa pagtingin at pagbabasa sa mga impormasyon ay nasa dulo na pala ako.
Tumingin ako sa aking secretary.
"Ito na ba ang lahat, Albert?"
Ibinaba ko ang folder. Humalukipkip ako at sumandal sa aking swivel chair. I adjusted my eyeglasses and looked at him. Kabado ito na tumango at lumapit upang kuhanin ang folder na kabababa ko lamang.
"Yes, Ma'am, iyan na po ang lahat."
Nasa trenta ang mga kalalakihan pero kahit isa ay walang nakakuha ng atensyon ko.
Nag-suggest si Bene sa akin na puwede naman sa ibang bansa at foreigner, pero ayoko. Malayo pa kung out of the country at siguradong kailangan kong manatili doon ng matagal. Ayokong iwan ang kumpanya ko at mga negosyo dito sa Pilipinas.
Tumayo ako at humarap kay Albert. Nakita ko ang paglunok niya at unti-unti siyang yumuko habang kipkip ang folder.
"Go home now, ako na ang maghahanap, wala akong natipuhan sa mga iyan."
Pagkasabi ko non ay nilisan ko ang aking opisina. It's past 6:00 pm. Alam kong isang malaking kagagahan para sa iba na ituloy ang napag-usapan namin ni Bene pero desperado na rin ako. Next year ay mawawala na ako ng tuluyan sa kalendaryo at ang goal ko bago mangyari iyon ay dapat magkaroon na ako ng anak.
Kahit walang ama.
That's why I need to look for a man who is willing to sell his sperm. Iyon lang ang kailangan ko dahil nais ko na ako pa rin ang magdala sa bata. I wanted to feel the pain of carrying a child. I wanted to smile in pain when the time comes that my baby comes out.
Ang dami kong gusto.
Pero semilya na lang ang kulang.
Sumakay ako sa aking sasakyan. Bene suggested a bar that I can visit. It was an exclusive bar for rich women. Para sa mga babaeng naghahanap ng 'ligaya'. May ganoon pala?
BINABASA MO ANG
Please Me, Madam CEO
RomanceCerelia Shiloh Altavera "Hindi ako basta-basta nagpapa-table, Madam." Napatingin ako sa lalakeng kaharap ko. His looks caught my attention. I was just watching him earlier. Sumasayaw sa malamyos na musika habang nasa entablado. "I will pay you. Magk...