Chapter 5

167 7 1
                                    

"That's ten thousand. Para kanina sa panonood ko."

Tumaas ang mga kilay niya at pagkatapos ay nakita kong nakagat niya ang pang-ibabang labi. Ang pagkapula non ay mas nabigyan ng hustisya nang mabasa. Parang biglang bumagal ang paligid dahil sa ginawa niya na iyon.

"Ang laki mo naman pala magbigay, Madam," sabi niya sa akin at kumindat. Mabilis lang siyang tumingin pero ibinalik na ulit ang pagbibilang sa pera. Kinuha na rin niya ang sampung libo na ibinaba ko at pagkatapos ay isinama sa sobre kung saan niya nailagay ang mga nabilang na pera.

"Nakarami ako ngayon, ah... effective yung tiger tight boxer ni Tarzan, next week iyong snake boxer," bulong niya na rinig na rinig ko naman.

Lumabas muli ang kaniyang mga biloy nang biglaan siyang ngumiti. Nang mabilang niya ang mga pera ay sumandal siya sa sofa na kinauupuan at humalukipkip. I saw his biceps. Parang masisira naman iyong manggas ng itim na damit na suot niya!

"Ano, Madam? in your place or sa hotel? or... dito? takpan ko na lang ang bibig mo para hindi ka mag-ingay," tumaas ng sabay ng dalawang beses ang mga kilay niya sa akin.

W-What the hell?

Napapikit dilat ako nang marinig ang sinabi niya. Hindi makapaniwala. Nailayo ko ang aking paningin at tumikhim. Ano iyong narinig ko?! tatakpan raw ang bibig ko?!

"Kaso wala pala akong dalang condom ngayon kung dito... hmmm. Hindi kasya sa akin ang mga condom dito sa Alzo."

H-Hindi kasya? a-ano daw? ano bang size niya?!

Kaagad akong nagsalita dahil ang nasa isip niya talaga ay iba! that's not what I want! my goodness!

"M-May gusto ako pero hindi... hindi ang katulad ng nasa isip mo. Hindi s-sx."

Nautal pa ako nang binanggit ang salitang iyon! hindi ako sanay!

"Oh?

"Sige, ano 'yon, madam? akala  ko ay gusto mo ng sx pwede naman dito. Puwede rin walang condom withdraw ko na lang agad."

Oh my Gosh! I am not used to this kind of conversation! tumataas ang mga balahibo ko! Please, sana kayanin ko na makausap siya hanggang sa mapapayag ko siya sa offer ko!

I swallowed hard.

"I need..."

Ang tingin niya ay mukhang hinihintay ang sasabihin ko. Napatikhim akong muli. Hirap na hirap sabihin ang nais ko.

"I-I need your s-sperm."

Mahina ang pagbanggit ko sa huling salita! tumagilid ang ulo ni Max Aranda tanda na hindi niya narinig ng mabuti ang huling sinabi ko.

"Ano ulit?"

Nakagat ko ang pang-ibabang labi. Lumapit ako sa kaniya dahil baka may makarinig sa amin. Nakita ko naman na nagbago ang kaniyang tingin. Napaatras siya sa pagkakaupo at napakapit sa gilid ng sofa nang dumukwang ako.

Inihawak ko ang aking mga kamay sa gilid. I was cornering him. Inilinga ko aking ulo sa buong silid dahil baka biglang sumulpot iyong dalawang kasama niya at baka marinig ang nais ko!

"A-Ay, ang bilis mo naman, madam? akala ko ba ay ayaw mo. Ikaw pa ata ang sasampa sa kandungan ko."

Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya. Huminga ako ng malalim. Ipinikit ko ng mariin ang aking mga mata at nang idilat ko ay hinawakan ko sa damit ng mahigpit ang lalake sa harapan ko.

"For one million."

Kumibot ang mga labi niya. Napabilog iyon ilang sandali lang ang lumipas. Pagkatapos ay sumilay ang malapad na ngiti kay Max Aranda. Narinig ko ang muling pagsipol niya.

"Isang milyon, ano ang kapalit?" ngisi niya.

Tumaas ang aking mukha.

"Give me your sperm," diretso kong sabi habang magkatinginan kami.

Bigla ay nagbago ang kaniyang itsura. Ngayon ay tinitingnan na niya ako ng kakaiba habang magkasalubong ang mga kilay niya. Iyong tingin niya ay para bang isa akong maligno na nasa harapan niya at anumang oras ay aatakihin siya.

"Ano?! My sperm?! ang semilya ko?!" sabi niya habang yakap-yakap ang sarili.

Why is he acting like he's a virgin?!

"Madam, baliw ka ba?"

"A-Anong baliw?"

This man is getting on my nerves! His work is a macho dancer and yet he's acting like this! hindi naman ako makikipag-sx sa kaniya for pete's sake and I just want his sperm! Am I wrong that I asked him for this?

Wait, paano kung alamin nito kung sino ako at malaman ng pamilya ko ang plano kong ito?

This way of wanting to have a child would put me in shame.

"Madam? Ano? Baliw lang?"

Pinalis ko ang kamay ni Max Aranda na iwinagayway niya sa aking harapan. Umayos ako ng pagkakatayo at lumayo sa kaniya ng kaunti. Humalukipkip rin ako at sinamaan siya ng tingin. This will going to be hard for me. Mukhang hindi madali kausap ang isang ito.

"I'm not crazy."

"Eh, paanong hindi ko iisipin, madam, binibili mo ang sperm ko. Mukha ba akong nagbebenta ng semilya? saka ano ba ang trip mo sa buhay? prank ba ito?" he asked and then looked around the room. Must be looking for cameras.

Mukha ba akong nagbibiro at prank lang ang ipinunta ko dito? mauubos talaga ang pasensiya ko sa kaniya. Oh, goodness! kung hindi lang niya nakuha ang atensyon ko ay maghihintay pa ako ng iba dito. But, he's good for me, so I will still try to get his approval and agree to my plan. Siguradong pera lang rin ang maitatapat ko dito. Papayag rin ito. At kung wala talaga ay saka ako maghahanap ng iba.

"I want a child and I need a sperm donor. Name your price and I will give the money. Sabihin mo lang sa akin kung gusto mo na transfer sa bank or cold cash."

Hinintay ko ang kaniyang sagot pero ang tingin niya ay ganoon pa rin. Na parang bang isang baliw at mahirap intindihin ang nasa kaniyang harapan.

His look at me was insulting.

Marahas akong napabuntong hininga at pagkatapos ay kumuha muli ng pera sa loob ng aking bag.

Ibinaba ko iyon sa lamesa na nasa kaniyang harapan na kaagad niyang sinundan ng tingin.

"Max Aranda, right? that's one hundred thousand. Wala pa iyan sa mismong ibabayad ko sa iyo kapag pumayag ka sa gusto ko. Sabihin na natin na, iyan na ang lahat ng tip ko ngayong gabi at pagpayag mo na kausapin kita. Just listen to me and--ahh! Ano ba!"

Napahinto ako sa mga sinasabi ko at nanlalaki ang mga mata na napatingin sa kaniya nang bigla niyang hilahin ang aking kamay. Napasinghap ako nang bumagsak ako sa kaniyang kandungan.

"Siguro, madam, matagal mo na akong crush, 'no? Stalker ba kita? yiee."

Ano?! stalker?!

Please Me, Madam CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon