Kabanata 46: Table Of The Judges

1 0 0
                                    

[Eve's POV]

The day for the pageant finally came. Hindi ko na nakita si Caleb matapos ng encounter namin noong nakaraan which is something I'm very thankful for. Si Chase ang palaging kasama ko dahil sinasadya nina Millis at Sarah na iwanan ako kapag naaaninag nila si Chase.

"You're nervous?" Tanong ni Sarah habang minemake-upan ako. Natatawa akong tumango. "You shouldn't be."

"Kaya ba nating kontrolin ang kaba, Sarah?"

"Sabagay," kibit-balikat niya at napapikit ako nang lagyan niya ako ng eyeliner. I personally picked Sarah to be my secretary slash make-up artist.

Nakilala ko siya sa isang parlor sa mall at inofferan siya ni Millis ng trabaho nang i-suggest ko na gusto ko iyung style niya sa pagmi-make up. Maingat siya sa paghawak ng mukha at sobrang gaan ng kamay. Hindi rin makapal maglagay at parang natural pa rin akong tingnan.

"You're up."

Tatlo lang ang category ng pageant. Casual attire, swimwear, at evening gown ang panghuli kasama ng Q&A.

Nakaka-pressure kasi taga-ibang bansa ang mga kalaban ko. This pageant is called 'The Gems of Asia' featuring beauties of different nationalities in Asia.

Sa first category, ako yata ang may pinakasimpleng casual attire. Iyung iba ay masyadong revealing habang 'yung sa akin ay parang pupunta lang sa tea party. I'm wearing an off-shoulder dress that is just an inch above the knee. Pinaresan ko ito ng apricot -colored ankle strap heels. I'm also wearing silver accessories that matches well with the soft coral color of my dress.

"Our next candidate, Cordelia Genevieve Gonzales from The Philippines!" As soon as I heard my name, I stepped out from the backstage. The spotlight was on me as I started walking with pure class and elegance.

I heard claps and howls from the Filipinos in the audience. Sobrang daming tao at ngumiti ako habang ginagala ang mga mata. Nawala nga lang ang ngiti ko nang makilala ang isang bulto na nakaupo sa may upuan ng table para sa mga judges.

Ang confidence ko ay parang agad na nawala. Bumagal ang paglalakad ko at bigla ko na lang naramdaman ang kabang lumalatay sa aking katawan.

Nakapangalumbaba siya at sobrang dilim ng kanyang mga mata. Iniwas ko ang aking tingin at ngumiti muli nang umikot na ako. Nakangiti ako pero pilit lang 'yun, ramdam ko ang pangangalay ng aking magkabilang pisngi.

"Good evening, everyone!" I spoke and the cheers got louder. Tinaas ko ang kamay ko at agad na binalot ng katahimikan ang buong area. "I am Cordelia Genevieve Gonzales, your stunning candidate from The Philippines!"

Umikot muli ako para ibalandra ang suot kong dress. Ginagawa ko ang lahat para huwag ibaling ang mga mata ko sa table ng mga para sa judges.

"Hey, ayos ka lang?" Agad akong hinila ni Sarah paupo matapos makita ang pagkataranta sa mukha ko nang makabalik na ako sa backstage.

"Overwhelmed lang," ngiti ko habang pinapaypayan ang sarili.

"Eve, you were not making eye contacts with the judges." Lumapit sa akin si Millis. Nakasuot siya ng suit jacket at merong ID na nakasabit sa leeg niya.

"Caleb is there," bulong ko at napakurap siya nang makita ang balisa kong mukha.

"Eve, you need to compromise. Caleb is the judge... just the judge, nothing more. Set your eyes on the prize, everyone is hoping for you to win."

Tumango ako bago tumayo na para magbihis ng swimwear kong one-shoulder two-piece with raffles on top. The color is gradient, from saffron orange on top to lemon yellow  running down. The swimwear is called 'Sundrop' and was designed by one of our sponsors.

Pagkatapos kong magbihis ay agad akong dinumog ng hairtylists at ni Sarah kasama ang mga assistant make up artist niya.

"Our next candidate, The Philippines!" Pagkalabas na pagkalabas ko mula sa backstage ay ang mga mata niya agad ang hinanap ko. Nang magtama ang mga paningin namin ay napasandal siya sa kanyang kinauupuan at napaayos ng upo.

My expression was fierce as I dominated the catwalk. I stare right into his eyes with my doe-turned-siren eyes and I smirked when he avoided my gaze. Pinag-krus niya ang kanyang mga braso at napabuga ng hangin.

Nang tumigil ako sa pinakadulo ng catwalk ay  ngumiti ako nang napakatamis sa audience habang nakahawak sa balakang ko.

"Go Philippines!"

"I love you, Eve!"

"Dang hot!"

Pagkabalik ko sa backstage ay pinalakpakan ako ng team ko dahil ako raw ang nag-stand out sa lahat ng candidates.

"Just remember, you've done this a hundred times, there's no wrong or right answer in a pageant but only on how you justify it." Tumango ako. Patuloy si Millis sa pag-aadvice sa akin habang inaayusan ako ni Sarah.

The sand dollar evening gown that I'll be wearing for the last category is designed and personally made by a PIC alumnus who also established his own brand in Italy and Spain.

The designs were intricate, even just from the sleeves. Sa left ay silver stap lang na merong nakadikit na dahon na gawa rin sa silver. Sa kanan naman ay itim na elbow bishop sleeve. The neckline is offshoulder and the sharp end on my cleavage has a round diamond.

Hapit na hapit ang gown kaya agad na mapapansin ang perpektong kurba ko na ilang taon kong iningatan. It looks simple from afar but when you take a closer look, makikita mo kung gaano kahirap ginawa dahil sa maliliit na mga detalye. There were spangles all over the gown with perfect distance from each other, giving me a natural scintillating look.

Hindi ko maiwasang mapalunok dahil sa kaba nang makita ko ang nakaawang na mga labi ni Caleb. Huminga ako nang malalim bago ngumiti nang napakalapad para huwag ipahalata ang kaba.

For the Question and Answer portion, lumakas ang kalabog ng dibdib ko nang mapagtanto na ang judge mismo ang magfo-formulate ng question, hindi iyung kinasanayan na gagabot sila.

"Miss Philippines, kindly step forward." Ginawa ko iyung sinabi ng host at pumunta sa tabi ng mic-stand.

"The one that will ask our beautiful candidate is Mister Caleb Ronan Bellino."




Shattered Lanes [SPORTS SERIES #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon