Kabanata 5: Sem-Break

2 0 0
                                    

[Eve's POV]

Hindi ko alam kung sinasadya ba ni Jacob na magpatalo. Nakawalong frame na kami sa paglalaro, may isang open frame si Jacob at wala pa siya ni isang strike.

"This is not unfair." Umiling ako at umupo na nung ako na ulit ang maglalaro.

"Why?"

"You purposely want me to win. This is not a fair fight."

Ngumisi siya at bumuntong-hininga bago umupo sa katabi ko. He offered me some water dahil wala akong dala.

"Bibili na lang ako. I have some money naman eh." Mabilis niya akong hinila paupo bago pa man ako makaalis.

"Come on, huwag kang mahiya. Plus, hindi ko mauubos 'to. Sinadya ko talagang damihan dahil alam kong hindi ka prepared."

"Yeah, dahil sinadya mo rin na huwag akong sabihan in advance na maglalaro tayo."

Wala akong nagawa kundi tanggapin ang alok niya. Iniwas ko ang mukha ko bago uminom mula sa kanyang tumbler. Ramdam ko ang pag-akyat ng dugo ko sa mukha nung maalala ang pag-inom niya rin kanina sa parehong tumbler.

An indirect kiss from Jacob.

"Fine, I'll take it seriously."

We played again back to zero. Ganado ako dahil agad siyang naka-strike sa unang frame. I can't help but smiling whenever he cheers me on as if I'm not his opponent.

"You're so competitive." Ginulo niya ang buhok ko matapos ang laro. Jacob won and we're only twelve points apart.

"Edi sana nakalibre ka na kanina."

"It's not really about the prize, Jacob. I want to get better." I said and it made him smile.

"Alaric filed a leave for a month because of a family conflict." Aniya matapos kong mapansin na wala si Coach Alaric ngayon. "Kaya naman ako ang magiging coach mo pansamantala."

"You're kidding, right?"

"No, I'm dead serious, Eve."

Sobrang tuwa ko dahil sem-break na next week at siya ang magiging Coach ko. Well, siya naman dapat. Jacob is way better than Alaric, to be honest. Jacob used to compete nationwide during his high school days while Alaric played and learned overseas pero kaonti lang ang competitions na sinalihan niya.

I'm also glad that Jacob didn't mention anything about the kiss. Ayokong maging awkward sa harap niya.

[Jacob: You didn't talk anything about the kiss, I'm surprised. Akala ko sa personal ka magso-sorry.]

Hindi pa ako nakakarating sa bahay ay agad na siyang nag-text. Nakaupo ako sa jeep habang nakanguso at nagtitipa ng reply.

[Me: Huwag na lang nating alalahanin. Please lang :( ayokong maging awkward sa harap mo.]

[Jacob: Sa text na lang kita kukulitin ;)]

Buong hapon kaming magka-text hanggang sa gumabi. Pansamantala ko tuloy nakalimutan na isang impyerno ang bahay namin.

[Me: Wala ba masyadong naglalaro diyan? Ang bilis mong mag-reply.] Reply ko kahit gusto ko naman na tuloy-tuloy ang pagkukwentuhan namin sa text.

[Jacob: Billiards naman ang karamihang naglalaro.]

Bago natulog ay nagkausap din kami. Gusto nga niyang tawagan ako pero nagpumilit akong sa text na lang at baka mahalata nina Mom, especially ang dalawa kong kapatid na mga insecure.

.

It's finally sem-break. Maaga akong nagising para hindi ko maabutan ang dalawang kong kapatid pero malas nga naman dahil mula sa hagdanan ay dinig na dinig ko ang maaarte nilang tawa.

"There she is. The Bowling Maiden na talo noong nakaraan."

Hindi ko sila pinansin at diretso lang sa mesa para kumuha ng toast. I could feel their eyes following me, but I don't mind. People-pleaser ako pero pagdating sa kanilang dalawa ay wala akong pakealam. I hate them to death!

Aabutin ko na sana ang strawberry jam sa mesa pero hinila iyun palayo sa akin ni Winny, ang panganay namin. She's five feet and nine inches tall, bagay sa height niya ang mahaba niyang itim na buhok na may kulay pulang accent sa baba. She's a civil engineering student, graduating na siya this year. Iyon ay kung 'di siya mabuntis bago 'yung finals nila.

Hindi ko siya pinansin at peanut butter na lang ang ipapalaman ko pero hinablot iyun ni Vri bago ko pa makuha.

Isang Med-Tech student si Vri, second -year student na. Itim na itim ang maikli nitong buhok at ang bangs niya na nasa one inch ang layo mula sa kilay ay sobrang straight. Bagay ito sa bilog na bilog niyang mga mata at makurbang kilay.

Both of them are confident, palaban din. Iyun siguro ang dahilan kung ba't ayaw nilang pareho sa akin, pati sina Mom at Dad ay hindi rin interesado sa akin. I'm timid and quiet. Hindi rin ako sumasabay sa family dinners dahil insulto lang ang natatanggap ko at pagpupuna sa aking mga kamalian.

My sisters are also achievers. They excel almost in everything, even in getting boys they find interesting. Papalit-palit ang mga ito ng boyfriends habang ako, noong dinala sina Ron at Eion dito ay pinagalitan ako at pinagsalitaan ng masama.

"Wow, patago lang pala ang pagiging matakaw mo sa lalaki ah."

"Nasa loob din ang kulo mo."

"Patahi-tahimik lang, mabangis ka rin pala."

"Ewan ko lang kung maka-graduate ka na hindi mabubuntis."

Those were their exact words. I tried to explain na kaibigan ko lang si Ron at Eion, pero they insisted na manliligaw ko sila. Sina Mom at Dad naman ay kilala si Ron at Eion kaya walang kaso sa kanila. I think my sisters are just using the boys as an excuse to insult me.

"Sa'n ka naman pupunta?"

"Training," tipid kong sagot at kinain na ang toast na walang palaman. Asa naman akong ibabalik nila.

"What's the purpose of training? You always lose anyways."

Hindi ako sumagot at mabilis nang lumabas pero narinig ko pa ang pahabol na sigaw ni Winny.

"Go on! Waste your life on that stupid bowling!"

Pumara na ako ng jeep pagkalabas ng subdivision at sumakay na. Sa aming lahat ay ako lang ang hindi hinahatid ng driver namin tuwing may pupuntahan ako. Kaya kung wala si Ron ay diretso commute na ako.

Nagtaka ako nung hindi ko makita si Jacob pagdating sa Lighthouse. Well, kaka-open pa lang naman. I brought my own shoes and I made a reservations for the game.

"Si Jacob po?" I asked Sir Elcid, ang nagbabantay ng rentahan ng sapatos.

"May lakad siguro 'yun eh. Hindi ka ba niya sinabihan?" Mabilis akong umiling at umupo na sa bench katabi ng ball holders. Pinili ko ang pinakadulo na alley dahil doon naman kami palaging naglalaro ni Jacob.

I was about to get a ball but I went back to my seat when I heard my phone beeped.

[Jacob: I'll be gone for a month, Eve. Sorry, I should have told you sooner. Something came up, it's an emergency.]

Hindi pa ako nakakatapos sa pagbabasa nung nag-text siya muli sa akin.

[Jacob: I already sent someone there to coach you. He's not nice but he's a good teacher. Please, bare with him. I'll make it up to you once I'm back. I promise.]

Shattered Lanes [SPORTS SERIES #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon