Kabanata 47: First Place

1 0 0
                                    

[Eve's POV]

Nanlamig ako sa kinatatayuan ko habang pinapanood siyang pinaandar ang mic. When he cleared his throat for preparation, everyone in the audience squealed.

"Miss Philippines," panimula niya na ikinatigil ko sa paghinga. "If you were in a relationship, Miss Philippines, and you got cheated on. Would you still forgive that person?" Napaawang ang mga labi ko sa tanong niya. We locked gazes and those eyes... it can easily take anyone's breath away.

Napasinghap ako at iniwas ang tingin sa kanya bago napahawak sa mikropono.

"To the audience and to the judges, good evening." I sweetly smiled at them before continuing. "I'm the type of person who doesn't like to hold grudges, so if I were the person who got cheated on by her partner, I'd honestly say that I can forgive him."

Bumalik ang tingin ko sa kanya at kita ko ang pagkislap ng kanyang mga mata at pag-awang ng mga labi niya habang nakatitig sa akin.

"But," I continued and I saw how anticipated everyone is after realizing that I was not done... yet.

"Forgetting the pain and the mistake are two things that is impossible to do. I will forgive him, yes, but it doesn't mean that I have to stay in that relationship. Enough is enough. I may love that person but I should also remember that I also have myself to love. So forgive, but never forget."

.

"Tara na, hayaan mo na." Pigil ko kay Millis nang akmang susugudin niya ang mga judges. The results were epic and chaotic. Nakatanggap ng boos at insults ang mga judges mula sa audience nang koronahan nila ako bilang second place lang.

Taiwan took first place which made everyone wild. Kahit ako ay nakaramdam din ng gulat dahil sa totoo lang ay mas disente ang sagot ko.

Pati na rin sa ibang category ay confident kong masasabi na mas lamang ako sa kanya. Even the audience would corroborate with me.

Nang sa wakas ay napigilan ko si Millis ay bumalik na kami sa hotel kasama ang buong team ko na kahapon lang dumating.

"Just chill, Mill. We still have a prize." Pagga-gaslight ko sa kanya. Malaki ang perang napanalunan ko ngunit hindi kasing laki nang kay Miss Taiwan.

"Oh, come on, Eve! You don't need money! Ang kailangan natin ay ang pangalan mo sa top place! My gosh!"

Napailing na lang ako bago pumunta ng kusina para magluto ng low calorie noodles. Kaming dalawa lang ni Millis ang naiwan dahil nag-nightout ang ibang kasamahan namin.

"May something ba sa inyo ng Caleb na 'yun, Eve?" Napasulyap ako sa kanya habang nagpapakulo ng tubig.

"What do you mean, Mill?"

"I feel like you lost because of him." Natigilan ako sa kanyang sinabi. Hindi ko maiwasang magsuspetya rin dahil sa kanyang suspetya.

"Your answer was impressive, but he look so pissed after you answered." Padabog kong sinara ang mangkok at napameywang dahil sa pag-iisip na hindi malabo ang mga sinasabi ni Millis.

"Eve?"

Pinatay ko ang stove at dali-daling lumabas ng suite. Dire-diretso lang akong naglakad at ramdam ko ang paghabol ni Millis sa akin.

"Eve, where the heck are you going?!"

"Go back to the suite, Mill. Babalik din ako." Seryosong sabi ko habang diretso pa rin sa paglalakad. Pagkababa ko ay agad akong lumapit sa receptionist.

"Good evening, can I ask Caleb Bellino's room number?"

"I'm sorry, Ma'am, but we can't disclose our client's information."

"I am one of the candidates for the pageant and Caleb Bellino is one of the judges, it's important that I have to talk to him." Giit ko pero nananatiling seryoso ang tingin sa akin ng tsinang receptionist.

"I'm sorry, Ma'am, but it's against the hotel's policy." Mariin akong napapikit dahil wala na akong magagawa.

"You're looking for me?" Agad akong napalingon nang may nagsalita sa likod ko. My expression got cold when I saw his face.

"Can we talk somewhere?"

"Absolutely," napangisi siya. "There's a convenience store just beside this hotel. Want to grab something to eat?"

Hindi ko siya pinansin at nagsimula nang maglakad papalabas ng hotel. Nang makalabas ay ang malamig na simoy ng hangin ang bumati sa 'kin.

Humarap ako sa kanya nang nakakrus ang mga braso at matatalim ang mga tingin. He blinked his eyes as he walks closer to where I'm standing.

"Let's talk and I just want to make it brief." Humugot ako ng hininga. "Ba't hindi ako ang nasa first place?"

"Baby, if you wanted the first place, you could've told me–"

"Oh, don't give me those words!" Sigaw ko sa galit habang diretso ang tingin sa kanyang mga mata.

"Alam mo kung ano ang ibig kong sabihin. I should've won, my performance was better than her. Kaya sabihin mo, dahil ba iyun sa naging sagot ko, huh? You gave me a personal question, so I gave you a realistic answer! You're just unprofessional to deal with it!" Umigting ang panga niya sa sigaw ko.

"I want justice for what happened in the pageant, Cal." Unti-unti na akong huminahon pero ang mga mata ko ay nananatiling nanliliksik sa galit.

"No, you're not getting the first place."

"But I deserve it."

"The first place won't define your worth. You deserve more than that."

"Oh, really?" Mapakla akong napatawa. It just bring back memories. "What a hypocrite you are. You were the one who made me feel worthless!" Nanuyo ang lalamunan ko at ramdam ko ang pag-iinit ng aking mga mata.

"Give me the title I deserve, Cal!"

"No!" Mariing sigaw niya. "You will not be working with Chase Avellino."

Natigilan ako nang sabihin niya sa wakas ang totoong rason kung bakit hindi ako nanalo.

"Is that it? Iyun lang ba? Dahil lang sa offer na matatanggap ko mula sa kompanya nila?"

"Oo, iyun lang. I'm not going to watch you get close to him," sabi niya bago ako tinalikuran.

Nang makalayo na siya ay napatawa ako sa sarili ko. Hindi ako makapaniwala. Hindi pa rin siya nagbabago. He's going to ruin every single joy I'll have.

Kinabukasan ay flight na namin pabalik ng Pilipinas. Nasa economy flight lang kami dahil iyun ang napagpustahan namin bilang team na hindi kami sasakay ng first class kung hindi ako ang first place.

"Palit tayo," pamimilit ko kay Millis dahil ako lang ang upuang naiiba.

"Eto naman, parang 'di sanay mag-isa. Kaya mo na yan. Bye!" Kinindatan niya ako bago umupo na malapit sa mga ka-team ko. Ang upuan ko ay nasa pinakadulo malapit sa banyo at katabi ng bintana.

While waiting for our departure, I put on my headphones while staring at the window. Napukaw lang ang atensyon ko nang maramdamang may umupo sa tabi ko.

"What are you doing here?" Iritadong tanong ko sabay kuha ng headphones ko.

"You're not the only one who's coming home."

"You're obviously following me."

"Tama ka." Napaawang ang mga labi ko sa hindi niya pagtanggi. Napabuntong-hininga ako bago sinuot muli ang aking headphones.



Shattered Lanes [SPORTS SERIES #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon