CHAPTER 6
Naalimpungatan si Lauraina sa sikat ng araw. Hindi siya sanay rito. Dahil kung nasa sariling bahay siya, ay marahil na natatabunan ito ng mga makakapal na kurtina.
"Good Morning!" Masayang bati ng isang dambuhalang may dalang tray na may lamang pagkain.
"Breakfast in bed para sa prinsesa! Nahiya na kasi ako. Ang tagal mo na ngang gumising hindi ka pa marunong magluto." sabi pa nito.
"Che! Tumigil ka Bochog!" sabi niya. At oo. Ang dambuhalang iyon ay walang iba kung hindi si Troy Brosho Martinez. Dinala siya nito sa hindi pamilyar na lugar matapos niyang magdrama ng nakaraang gabi. Paano ba namang hindi magiging hindi pamilyar na lugar ito sa kanya dahil hindi ata siya nakakalabas ng Maynila sa tanang buhay niya.
"Ipinagluto na nga kita. Ikaw pa ang nakabusangot jan! Oh. Kain ka na."
"Sus. Ikaw ba talaga ang nagluto niyan? Baka naman pinaluto mo lang yan dun sa matandang kasambahay."
"Hoy. makasabi naman ng matanda. Melinda ang pangalan non. Manang Melinda ang itawag mo."
"Ok. Sabi mo eh." Lauraina. Sabay sunod-sunod na isinubo ang kanin, bacon at itlog.
"Ho-hoy! Dahan-dahan naman. Tirhan mo'ko! Di pa ako nakakakain eh." Troy.
"Sinuswerte ka noh! Ano toh, share tayo? You get your food." Lauraina. "HOY ANU BA?!" napasigaw siya sa gulat ng kunin ni Troy ang kanyang kutsara at siya ang kumain ng laman nito. Ngumiti ito ng nakakaloko habang ngumunguya at tumititig sa kanya. Niyapos naman niya ang mukha nito at tinulak palayo. "YOU SO E-W-W-W! arrgh! Pano na ako makakakain nito ngayon? Ginamit mo na ang kutsara ko?!"
"Problema ba yon? Edi gamitin mo ulit. Wala naman akong virus." Troy.
"What?! Are you crazy? You placed it inside your mouth. And you expect me to use it?"
"Yes."
"NO W--" magrereklamo pa sana siya ng bigla nitong ipasok ang kutsara sa kanyang bibig.
"Yur showm nrkknish!" Saad niya habang puno ang bunganga.
"Oops! Don't talk when your mouth is full. HAHAHA! Laugh Trip yung mukha mo. Alam mo ba yon?!"
Agad naman niyang nginuya at nilunon ang pagkaing nasa bibig at nagsalita, "Your so nakakainis! First, kinuha mo yung kutsara KO. Second, kinain mo yung pagkain KO. Third, pinasok mo ang pagkain sa bibig K--" Hindi na niya natapos ang sasabihin niya ng ipinasok nanaman nito ang pagkain.
Tawa naman ng tawa si Troy. 'Cute ng babaeng' to nasabi niya sa kanyang isip at kumain nalang din.
Hindi na nagprotesta pa si Lauraina dahil pagod na siya sa kakukunsumisyon at narealize niya gutom na gutom na rin siya. Alam naman niya wala ma siya laban sa katabi niya dahil dambuhala nga ito.
Kumain na lamang ang dalawa. Salit-salitan sila sa pagsusubo. Nang matapos, inaya ni Troy si Lauraina sa bayan upang makapamili ng damit at tsinelas dahil daster lamang ang suot nito na ipinahiram ng kasambahay.
Aalis na sana sila ng, "Seriously Troy, you're gonna make me wear this in going out? Are you out of your mind?" Reklamo ni Lauraina.
"Ayos nga eh. Mukha kang nanay." Mukhang walang pakealam na sabi ni Troy.
"EXCUSE ME?"
"Nanay ng mga anak ko." Sabay kindat at ngiti ng nakakaloko na siya namang nakapagpainit ng dugo ni Lauraina.
"Arrgh! Ok fine. Whatever." Tanging naisagot ni Lauraina.
Nagpaalam sila sa kasambahay at nagdrive na si Troy papunta sa bayan.
BINABASA MO ANG
The World with You (Kathniel FanFic)
FanfictionTWO DIFFERENT PERSONS-DIFFERENT LIVES, DIFFERENT WAYS. They believe differently in Life. They behave differently. To sum up, THEY ARE DIFFERENT. But what if one night, with the moon shine brightly and the stars twinkle happily. They bump in to each...