CHAPTER 1

5 0 0
                                    



"O, saan ka na naman galing?" salubong na tanong sa akin ni Mamita pagkabukas ko ng pinto. Kamuntikan ko na nga siyang masampal dahil sa gulat. Mabuti na lang at napigil ko ang sarili ko kundi naisugod siya sa hospital nang wala sa oras. Ikaw ba naman i-welcome ng bahay ng alas dos nang madaling araw. Okay sana kung maayos ang mukha niya, e may nalalaman pang paglagay ng white beauty mask. At nakasuot pa ng daster na kulay puti. Akala ko tuloy sinusundo na ako ng ninuno namin.

"Sa kuwan..." nauutal kong sagot. "Basta, hindi na mahalaga kung saan ako galing. Ang mahalaga nakauwe ako nang buhay, ligtas, malusog, at maganda." Turan ko sabay pasok sa loob ng bahay. Napataas ang kilay ni Mamita pagkatapos kong sabihin ang hirit ko.

"Huh? Pakiulit nga ng sinabi mo? Parang may mali sa narinig ko." Sunod niya sa likuran ko. I rolled my eyes, as I repeat myself. "Ang sabi ko, hindi na mahalaga kung saan ako nanggaling. Ang mahalaga po ay nakauwe ako nang buhay, ligtas, malusog, at maganda."

"Hep, hep, hep." Pagharang niya ng kaniyang palad sa bibig ko. "I am not agreed. Hindi ako sang-ayon doon sa huling sinabi mo. Dapat hanggang doon lang sa malusog. Hindi na kasama iyong word na maganda." Pag-finger quote niya.

"Wow a. Hiyang-hiya. Kung hindi lang tayo mag-ina ay napagkamalan tayong kambal." Ibinaba ko ang sukbit kong mountain hiking bag sa ibabaw ng kawayang sofa. Mabuti nga at hindi ako kinain ng dala kong bag gayong mas malaki pa ito kaysa sa akin.

"Namundok ka na naman? Akala ko ba pagod ka sa limang araw na pag-w-work? Tapos mas lalo mo pang pinagod ang sarili mo this weekend. Hindi ka rin timang Desa Mae e ano." Pagkamot niya ng kaniyang ulo.

I sighed. "Iyon na nga Mamita e. Sana pala itinulog ko na lang ang dalawang araw kong off. Nabawi ko pa ang pagod ko. Hamakin mo 'yon, nagbayad na nga ako, napagod pa ako. Walang hiyang buhay 'to." Pag-iling ko sabay tawa.

"E ginusto mo 'yan e. Ano bang nakukuha mo sa pamumundok?"

"Jowa 'mii. I am hoping na may makilala ako sa pamumundok. Maybe doon ko na matatagpuan ang prince charming ko. My one and only. Ang taong wawarak at sisira sa makipot kong pananim."

"Napakaambiyosa mo rin ano. Anong prince charming, and one and only 'yang pinagsasabi mo? Love life? Sa bundok pa? E dito nga sa patag ni wala kang makita, sa bundok pa kaya. Kung may makikilala ka man doon sa bundok, I'm sure kung hindi NPA, engkanto 'yon."

"Kung may makikilala man akong engkanto roon mii, ipapakuha kita sa kaniya."

"Tse. Manahimik ka nga. Kinikilabutan ako. Oo nga pala speaking of pamumundok. May nabasa ako sa facebook, iyong isang mountaineer daw ay namatay dahil sa dengue. Doon niya raw nakuha ang dengue sa bundok. Kaya ikaw mag-ingat ka, magbaon ka palagi ng insect repellent lotion o hindi kaya baygon insect spray."

"OA ka naman sa baygon insect spray a. Hindi ka ba nagtitiwala sa akin? Itong mukhang 'to madadapuan ng dengue? Naku mother dear. Kung hindi mo naitatanong, ako lang ang hindi nilamok at nilangaw sa team namin."

"Kahit ba naman peste at insekto matatakot sa mukhang 'yan." Pagpipigil niya sa pagtawa. Pinaningkitan ko siya ng mata. Kung hindi lang mali manampal ng guardian ay matagal nang namaga pisngi nito. Kung makapanglait sa akin ay akala mo siya ay hindi pangit. Magkasinghugis lang naman mukha naming dalawa.

"Alam mo mii. Napakalaetera mo rin ano." Pagkamot ko sa ulo ko. "Sa iisang hulmahan lang pinagmulan ng mukha natin."

"Ano ka ba, e joke-joke ko lang 'yon. Iyon ang love language ko." Lapit niya sa akin sabay halik sa ulo ko. Napaiwas siya sa akin. "Wait lang anak. Pasikat pa lang ang araw, pero bakit parang amoy araw ka na."

P.O.V. STILL SINGLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon