Halos hindi ako makatitig kay Enrique habang nag-uusap kaming dalawa sa loob ng maingay na bar. Wari ko'y may kung anong paru-parong lumilipad sa aking sikmura. Sa tuwing nagkasasalubong ang mata naming dalawa ay dali-dali ko itong iniiwas. Para akong yelo na unti-unting natutunaw sa aking kinauupuan. Hindi ko lang mawari bakit ang bilis ng tibok ng aking puso sa tuwing nakakausap ko siya, kahit noong magka-officemate pa kaming dalawa. Wala naman akong problema sa pagsasalita pero nauutal ako kapag kausap ko siya.
"Oo nga pala, matanong ko lang..." si Enrique pagkatapos niyang inumin ang alak sa baso. "bakit ba palagi kang tinutulak sa akin ni Tanya noong magka-officemate pa tayo?" ngiti niya na siyang pagtitig niya sa akin. Agad ko namang ibinaba ang tingin ko.
"Ah kuwan..." nahihiya kong sagot habang nagkakamot sa aking sintido. Ewan ko ba, bigla akong kinati. Nahawa na siguro ako sa pulgas ng aso ko. Palagi kaseng nasa kuwarto ko. "...di ko na rin alam sa baklitang 'yon." Pagngisi ko.
Bigla ko namang naalala noong magka-officemate pa kaming dalawa. Noong nabalitaan ko na may pogi na bagong empleyado sa office ay biniro ko si Tanya na kausapin ang friend niyang HR na sa department namin patrabahuhin si Enrique. In fact, hindi ko pa siya nakikita that time. May kumakalat lang kase na tsismis sa office na may super pogi na na-hire. Kahawig niya raw si Doni Pangilinan. Dahil sa confuse ako ay inuto ko si Tanya. At laking gulat ko na seneryuso pala ni akla ang biro ko. Kaya noong araw din na nag-start si Enrique magtrabaho sa department namin ay halos araw-araw akong frozen. Araw-araw akong lutang, at wala sa sarili. Buong araw ay sinusulyapan ko lang siya, at halos takot akong mawala siya sa paningin ko. Hindi ko lang din alam, sa dinami-raming guwapong lalaki na nakita ng mata ko ay ibang-iba ang lagkit ng tingin ko kay Enrique. Wala naman akong sexual feelings sa kaniya pero iba ang kaniyang dating sa akin. Sabi nga Adelle sa kaniyang kanta, 'it's not lust, it's love. Charis, love agad porket guwapo. Pero hindi ko naman masisi ang feelings ko kung iyon talaga ang nararamdaman ko. Kaya para makuha ko ang kaniyang pansin ay inutusan ko si Tanya na kapag makakasalubong naming dalawa si Enrique ay itulak niya ako roon para masubsob ako, kaya ang gagang bakla ay ginawa rin. May time na halos magdikit ang mukha naming dalawa ni Enrique dahil sa kagagawan ni Tanya. Akala ko nga ay susuntukin ako ni Enrique dahil muntikan ko nang mamantsahan ang makinis niyang mukha, but he did not. Instead, nag-alala pa nga siya sa akin. Nakuha niya pa akong tanungin kong okay lang ba ako o kung nasaktan ba ako. Umiling lang ako, na para bang ayaw akong tulungan ng aking dila na magsalita. Very demure ang atake ko noon. Ilang ulit ding ginawa sa akin ni Tanya ang ganoong bagay. Noong una ay natutuwa pa ako at kinikilig, pero hindi naglaon ay naiinis na ako sa panunulak niyang ginagawa sa akin. Hindi lang kase simpling tulak ang kaniyang ginagawa kundi mudmod na talaga. Kaya noong napansin kong naiirita na rin si Enrique ay tinigil na namin ni Tanya ang tulakan moment namin kay Enrique. Baka kase mapatawag pa kaming dalawa sa office ng boss namin, o kaya ay ilipat si Enrique sa ibang department. At iyon ang hindi ko matatanggap, charis.
May time rin na sabay kaming pumasok ni Enrique sa Elevator. Nauna akong pumasok noon sa elevator. Sakto na sanang pipindutin ko ang close button nang bigla itong bumukas. Magagalit pa sana ako sa taong pumindot sa labas dahil sa nagmamadali ako. Noong pagpasok ni Enroque sa loob ng elevator ay instant na nawala ang galit ko. Sino ba naman ang magagalit kong crush mo ang pumasok. Kahit ma-late ako ay okay lang sa akin, basta ba si Enrique ang kasama ko. And that very moment ay nagkatitigan kaming dalawa sa reflection namin sa harap ng pinto ng elevator. Nginitian niya ako na siyang pagyuko ko, sabay kagat ko ng aking labi. Hindi pa man tapos ang araw pero feeling ko buo na ang araw ko. And speaking of late, ay pareho kaming na-late na dalawa sa office on that day. Hindi niya kase pinindot ang 4th floor button noong pumasok siya, kaya halos dalawang minuto rin kaming natengga sa ibaba. Pareho pa kaming nagtataka bakit parang hindi umaandar ang elevator. Tinanong niya pa ako kung sira ba 'yong elevator. Until he found out na hindi niya na pindot ang 4th floor button. Panay ang sorry niya sa akin hanggang sa makarating na kami sa station namin. At sino ba naman ako para hindi tanggapin ang sorry niya. Kahit siya pa mismo ay tatanggapin ko sa buhay ko, charis.