Tatlong buwan akong tambay sa bahay. Sawang-sawa na nga ako kahihiga at kauupo. Para tuloy akong nakakulong sa bahaya para pagsisihan ang mga nagawa kong kasalanan. Mabuti na lang din at may ipon ako kaya kahit papaano ay may pang-ambag ako sa gastusin at bilihin. Mabuti na lang din at marami-raming customer si Mamita sa kaniyang parlor kaya nakatutulong din 'yon sa mga gastusin namin. Until now, malaki pa ring katanungan sa akin kung sino ang may may gawa no'n sa PPT ko. Ang lakas ng trip niya a. I wonder lang kung saan niya nakha 'yong bold scandal ng boss namin. May kutob na rin ako kung sino ang may gawa no'n pero ayaw kong mamintang unless may proof. Si Natashia. Siya lang naman ang inggit sa akin dahil sa akin pinagkatiwala ni boss ang sana ay trabaho niya. Palpak kase palagi kaya laging nagpag-iinitan. Maganda nga, ala naman knows.
Sa loob ng tatlong buwan ay nag-try akong maghanap ng trabaho sa iba't-ibang kompanya, pero ni hindi ako pinalad. Tila ba'y kakambal ko ang kamalasan. Nag-try na rin akong mag-apply BPO. Natanggap naman ako, pero sa orientation pa lang ay sumuko na ako dahil sa tulog lang naman ako magdamag na may kasama pang hilik. Dahil sa subrang hiya ko noon ay hindi na ako nagpakita pa sa kanila. At baka hindi ko lang din kayanin ang puyat. Baka lalo akong pumangit, at baka hindi na rin ako makilala ni Mamita. Ang malala pa, baka pagkamalan pa akong pokpok ng kapitbahay namin dahil sa inuumaga na akong umuwe. Pesteng mga mosang 'yan, kailan kaya sila mauubos.
Sumubok din akong mag-apply as HR sa ibang kompanya, pero hindi rin ako pinalad. Ni isang kompanya ay walang tumanggap sa akin despite of my work experience, skills, and college degree. Iniisip ko tuloy, baka pina-block ng dati kong boss ang pangalan ko sa mga kompanya na ina-apply-an ko, o baka hindi nila ako tinanggap dahil sa itsura ko. Pero ang OA naman nila kung itsura ang basehan. Lumpo nga nakakapagtrabaho pa, kagaya ko pa kayang kompleto pa ang body parts, chaka nga lang.
--
Nasa loob ako ng kuwarto ko habang nag-e-edit ng picture ko. Pinapaganda ko ang sarili ko sa photoshop gamit ang cellphone ko pero pati photoshop sumuko na rin. Maya-maya pa ay biglang pumasok si Mamita sa loob ng kuwarto ko. Kamuntikan ko pa nga siyang mabato ng unan dahil sa subrang gulat ko. Iyong seryuso ka tapos biglang may susulpot. Hihiwalay talaga ang kaluluwa mo e.
"O bakit ka malungkot diyan?" tanong ni Mamita pagpasok niya ng kuwarto ko.
I sighed. "Wala naman Mii. Trip ko lang maglungkot-lungkutan," turan ko. Hinila niya ang bangs ko. Maya-maya pa ay inabutan niya ako ng tatlong libo na siya namang titig ko sa pera. "Para saan 'to?" usisa ko.
"Umalis ka. Mag-bar ka. Magliwaliw ka. Para naman maibsan 'yang kalungkutan mo. Lalo kang pumapangit kapag nalulungkot ka. Dapat always happy." Pag-smile niya.
"Sino ba naman ang magiging happy kung sa ganitong kalagayan." Bitiw ko sa cellphone ko at ipinatong sa higaan. "Sawang-sawa na ako dito sa bahay Mii, sa true lang. Gusto ko na mag-work pero, ewan ko ba bakit ni hindi ako natatanggap sa trabahong gusto ko. Siguro kaya hindi nila ako matanggap-tanggap dahil sa itsura ko."
Umupo siya sa ibabaw ng higaan ko para tabihan ako. "Alam mo Dessa, hindi ka naman pangit e. Maganda ka. Iyon nga lang, ang kagandahan mo depende sa taong katabi mo. Kaya kung ako sa'yo, huwag ka lang talaga tatabi sa mas maganda sa'yo, tiyak papangit ka."
"Tse," irap ko. "Akala ko ba naman words of wisdom and motivation ang maririnig ko sa'yo."
"Ito namang nakshie ko parang hindi na nasanay sa akin." Suklay niya sa buhok ko gamit ang kaniyang daliri. "Tama naman ako 'nak. Hindi ka pangit. Isa pa, huwag mong isipin ang bagay na 'yan. Hayaan mong kami ang mag-isip niyan para sa'yo." Pagtawa niya.
"Puwede ba mii kung uukrayin mo lang din ako just leave me alone."
"Ay wow. May pa 'leave me alone' na nalalaman." Tumayo siya mula sa kaniyang kinauupuan. "O siya, kunin mo na 'yang pera. Magliwaliw ka, gumala ka kung saan mo gusto. Need mo mag-unwind para ma-refresh 'yang isip mo. Hindi 'yong andito ka sa kuwarto mo nakamukmok na parang bang nagpapanata ka at nagpipinetensiya. Next year pa ang semana santa."