Kinaumagahan sa office.
Abala ako sa ginagawa ko nang biglang lumapit si Tanya, ang beki kong friend. May sinasabi siya sa akin pero hindi ko siya in-entertain. I need to finish my task before ten, dahil gagamitin ang presentation na 'to sa meeting ng boss ko with our client. Kung hindi ko matapos ito ay tiyak malilintikan ako. Okay sana kung lintik lang, paano kung masesante pa ako. E 'di nawalan na akong trabaho. Pangit na nga ang tao, na-fire pa. Patuloy lang si Tanya sa kaniyang pagsasalita hanggang sa hinawakan niya ng kamay ko na siyang paghinto ko sa aking ginagawa. Nagka eye to eye kaming dalawa.
"Nakikinig ka ba sa mga sinasabi ko huh?" tanong niya.
"Hindi," sagot ko. "Alam mong busy ako 'di ba?" pagtataray ko.
"Yes, I know. Gusto lang kitang istorbuhin." Pagngisi niya. "Ito naman si Dessa Mae, lunes na lunes ang sungit. May buwan ng dalaw ka ba today?" kiliti niya sa tagiliran ko.
"Tsee, huwag mo kong madaan sa paganyan-ganyan mo." Pagpatuloy ko sa ginagawa kong presentation. "Kung ano man 'yang sasabihin mo, mamaya na tayo mag-chikahan dahil I am super duper busy today."
"Ay, sana all busy." She chuckled. "Pero hindi na puwedeng mamaya pa dahil isang spot na lang ang natitira para umalis ang barko."
"Barko?" pagtigil ko sabay tingin sa kaniya.
"Ano ka ba. Parang hindi mo pa ako kilala. I mean, isang spot na lang para matuloy ang outing natin this weekend."
"Outing na naman? Saan ba 'yan at magkano?"
"Malapit lang naman. Sa L.U. Don't worry, mura lang ang ambagan. 2,500 each. Kasama na roon lahat, maliban sa mga rides. Pero sulit na 'yon girl. 2 days, and one night, with one night stand. Charot lang."
"Naku, ayaw ko. Ang dami ko ng gastos this month, at wala na akong ipon..." Napahinto ako sa pagsasalita ko nang hinarang niya ang kaniyang daliri sa aking bibig.
"Stop there. I know you will refuse it, and you will say your famous line. 'Busy ako this weekend'. I am tired listening to it. But girl..." kinikilig niyang turan.
"But what?" I furrowed my forehead.
Lumapit siya sa akin at siyang bulong niya. "Sasama raw si Enrique. Hindi ba nga never naman talaga 'yan sumasama sa atin? This is your chance to make landi to him girl. Balita ko, ka-b-break lang nila ng kaniyang jowa, kaya, I'm sure nasa moving on stage si kuya mo. O ano? Ayaw mo pa?"
"Asa ka? Baka idemanda pa ako niyan kung lalandiin ko 'yan. Isa pa, hindi ako malandi ano?"
"Oo alam kong hindi ka malandi. Wala naman kasing magkakamali sa mukha mo." Tinitigan ko siya nang masama. "Charot lang, heto naman parang hindi mabiro." Bawi niya.
"Iyang biro mo mapanakit din ano." Turan ko sabay balik ko sa ginagawa ko. "Kahit sumama pa ang lahat ng guwapong lalaki sa outing na 'yan at kahit 500 lang 'yan ay never akong sasama. I am very busy this weekend."
Napatigil ako sa pag-t-type sa laptop ko nang may isang pamilyar na boses na biglang sumingit sa convo namin ni Tanya. Halos maestatwa ako at ni hindi makagalaw sa aking kinauupuan. Wari ko ay binuhusan ako ng isang balde ng nagyeyelong tubig.
"Dessa, busy ka yata. Sasama ka ba sa outing this weekend?" hawak ni Enrique sa balikat ko. Napa-side eye ako para tingnan ang kaniyang kamay na nakapatong sa balikat ko. "Let's go para naman may thrill."
"Naku Enrique. Ayaw niyan sumama. Nakailang pilit na ako sa babaeng 'yan pero nagmamatigas. Kesyo busy daw siya this weekend, she need rest, at marami pang iba."