3rd Person POV
Kinaumagahan.
Nagising si Enrique mula sa isang magandang panaginip. Tila nanghinayang pa ito dahil sa biglang naudlot ang panaginip na iyon. Pagmulat ng kaniyang mga mata ay napatingin siya sa paligid. Inikot ng kaniyang paningin ang apat na sulok ng kuwarto na siyang pagkunot ng kaniyang noo. Paulit-ulit niyang tinatanong ang kaniyang sarili kung nasaan siya. Ni hindi niya matandaan kung paano siya napunta sa lugar na iyon at kung sino ang nagdala sa kaniya roon.
Bumangon siya at napaupo sa ibabaw ng higaan. Ibinaba niya ang kaniyang mga paa at ipinantay sa sahig. Nanatili pa rin siyang nakaupo sa ibabaw ng higaan habang ginagala ang mata sa loob ng kuwarto. Napako ang kaniyang mata sa larawan na nakapatong sa ibabaw ng lamesa. Mariin niya itong tinitigan mula sa kaniyang kinaruruunan. Isa-isa niyang tiningnan ang mga larawan na iyon hanggang sa bumukas ang pinto. Dali-dali naman siyang lumingon para tingnan kung sino ang nagbukas ng pinto. Si Dessa. Bago siyang paligo. Tanging tuwalya lang ang nakatakip sa kaniyang katawan, at ang isang towel na nakapulupot sa kaniyang ulo. Pagpasok nito sa loob ng kuwarto ay siyang pagtingin ni Enrique sa kaniya. Mabilis naman siyang napatili sabay labas ng kuwarto.
"Sorry, hindi ko sinasadya." Si Enrique sabay talikod nito.
"It's okay. It was my fault." Si Dessa. Isasarado niya na sana ang pinto nang biglang nagsalita si Enrique.
"Magbibihis ka ba?" he asked.
"Oo sana. Kaso..."
"Sige, lalabas ako. Maglalakad ako palabas ng pintuan habang nakatakip ang mga mata ako. Tapos papasok ka."
Umalis si Enrique mula sa kaniyang kinauupuan at naglakad ito papunta sa pinto habang tinatakpan ng kaniyang palad ang kaniyang mga mata. Nakayuko lamang ito. Binuksan siya nang kaunti ang kaniyang mga daliri upang makita niya ang kaniyang dinaraanan. Paglabas nito sa kuwarto ay siya namang pagpasok ni Dessa sa loob. Pagpasok ni Dessa sa loob ng kuwarto ay napasandal ito sa likod ng pinto. Napangiti siya na kung may anong kilig na dumaloy sa kaniyang pagkatao.
DESSA POV
Kamuntikan nang makita ni Enrique ang buong pagkatao ko kanina. Para akong pusang ginulat na hindi ko alam kung saan ako pupunta. Hindi ko alam kung papasok pa ba ako ng kuwarto o tatakbo pabalik ng banyo. Sayang, ipapakita ko pa man din sana sa kaniya itong sexy and odoriferous body ko. Kaso baka bigla niya akong batuhin ng cellphone niya if ipakita ko sa kaniya 'to. Imbes na malibogan siya ay mandiri pa. Hmm. Huwag na lang, never mind, and I will never do it.
Nang nakabihis na ako ay lumabas ako ng kuwarto. Nadatnan ko si Enrique na nagkakape sa sala habang kaharap si Mamita. Naputol ang kanilang pag-uusap nang dumating ako.
"Alam na alam mo talaga na ikaw ang topic, napapahinto bigla ang usapan kapag andiyan ka e." turan ko habang lumalapit sa kanila.
"At sino ka naman para pag-usapan namin aber?" sabat ni Mamita. Napatingin sa akin si Enrique at niyaya akong magkape. I saw him smiled. Bigla namang kinilig ang kipay ko dahil sa kaniyang ngiti. Ewan ko rin ba, ang dami-dami ko ng ngiti na nakita pero kakaiba ang ngiti ni Enrique. Para akong niroromansa ng kaniyang ngiti.
"Sige, salamat. Katatapos ko lang." turan ko sabay upo sa tabi ni Mamita. I browsed my phone to keep me busy.
May kung anong nakabibinging katahimikan sa pagitan naming tatlo.
"Siya nga pala Enrique. How's your sleep?" Pagbasag ni Mamita sa katahimikan na siyang pagsagot ni Enrique na ayos lang daw. "Wala bang masakit sa'yo? Wala bang kiss mark sa katawan mo? Wala bang yumakap sa'yo habang natutulog ka?" Kantiyaw ni Mamita sa kaniya na siyang pasekretong pagkurot ko nang manipis sa braso nito. Napatili siya sa sakit. Napatingin siya sa akin. Pinalikahan ko siya ng mata. "E bakit? Masama bang magtanong? E, baka may ginawa kang..." she stopped as I covered her mouth.