-𝐕𝐈𝐂𝐓𝐎𝐑-
Kanina ko pa nararamdaman na may nakakatitig sa akin at hindi ako nagkakamali ng lumingon ako. Nakita ko sa likod ng upuan si Maximus William Delmar, ang fiancee ni Hector. Hindi sya nagtatago sa kanyang kinapwestohan, malakas lang ang loob nyang titigan ako ng harapan. I was expecting him na puntahan ako, pero hindi nangyari.
Hindi ko mapigilang pagmasdan ang magandang hugis ng kanyang mukha. Ang singkit nyang mga mata at maliliit na labi na may natural na kulay nang pinaghalong pink at pula. Kahit sino man ang makakakita sa kanya, alam na alam sa kanyang mukha at kutis na galing sya sa mayamang pamilya. Lalo akong nagtaka ng mapansing parang hindi nya ata napapansin na nakatingin ako sa kanya. Kaya naman pinagmasdan ko lang din ang kabuuang tindig nya. Kong susumahin ko ang tangkad nya ay aabot lang sya sa teynga ko. Medyo mas maiksi kesa sa akin ang buhok na na halos hanggang batok lang pero nakaipit iyon sa kanyang teynga.. Meron ding iilang hibla ng kanyang bangs ang nasa noo nya at lalo iyon dumagdag sa ganda ng kanyang mukha. Nagsalubong ang mga titig namin ng mapansin na nyang nakatingin ako sa kanya. Tatayo sana ako pero bago ko pa man nagawa ay agad syang nagmadali para lumabas sa tennis court. Napailing nalang ako.
Hindi kona sya sinundan.Nanghihintay lang ako matapos ang laro ni Chai kay Stephen. Bago ako uuwi sa mansion. Marami pa akong kailangan aralin tungkol sa buhay na ito. Wala akong kaalam alam sa buhay ni Hector. Ang tatlong araw na briefing tungkol sa academics nya ay halos sumabog sa utak ko. Ni hindi ko napag aralan ang mga taong maaring makakakilala sa kanya dito sa school. Mabuti nalang at andito si Stephen kong wala baka kanina pa kame ni Chai nabisto. Stephen is step brother ni Kiko. Makikilala nyo sya kapag pumasok sya dito pero di ko lang alam kong kaylan.
At hindi ako sa Hector Sebastian Sevilla na inaakala nilang lahat. Ako si Victor Sebastian Sevilla and I'm his identical twin. And I hate the fact that I have the same figures with him. Mula ulo hanggang paa! Maging ang katawan namin halos pareho tingnan na pinag tataka ko kase hindi naman kame lumaking magkasama. I was raised by our mom while he was raised by our father. Sabi ni Mama kaya nya iniwan si papa dahil nahuli nya itong nagloko noon sa kanya kahit kakapanganak nya lang. Okey lang daw sanang ganun pero ang hindi nya natiis ay ang pag mamaltrato sa kanya ng kanyang mga in laws kaya naman napag desisyunan nyang hiwalayan si papa. Pero hindi pumayag ang pamilya ni papa na dalhin nya kameng dalawa ni Hector. Kaya naman iniwanan nya si Hector habang ako kay sinama nya. Wala naman akong paki alam sa pinag daanan nila kase sanay naman na akong walang ama noon pa! Pero sa subrang bait ng nanay ko.. Kahit hindi ako nagtatanung paulit ulit nyang kinukwento sa akin ang palpak nilang lovestory!
I'm not raised by wealthy family like Hector. Kase si mama lang ang bumuhay sa akin dahil tinakwil din sya ng pamilya nya. Lumaki akong palipat lipat kame ng tirahan, madalas din akong naiiwan noon ni mama sa orphanage malapit sa amin kapag kailangan nyang mag overtime sa pinapasokan nyang 24hrs na restaurant. Sa amponan ko nakilala si Chai, doon daw sya iniwanan ng nanay nya. Nasa pitong taon lang kame ni Chai ng masunog noon ang ampunan at sa kadahilanang walang mapupuntahan si Chai ay inampon siya ni mama. Oh diba? Ang galing ng nanay ko, wala na kameng makain nag ampon pa.
Mula ng tumira si Chai sa amin, ay naengganyo kameng mag trabaho noon sa kalsada para natulongan si Nanay sa mga pangangailangan namin. Pinaaral din kame ni Nanay sa public at pag kauwi namin sa Hapon ay namamalimos at namamasura kame. Pero pag sapit ko ng sampong taon ay nabago ang lahat ng makilala ko ang aking kambal at si papa. Noong una masaya ako na nakilala ko sila. Akala ko bukal sa loob ni papa na makilala ako. Pero hindi! Pinuntahan nya ako para lamang magpanggap na si Hector noon, para lumaban sa competition para maipagyabang nya sa mga kaibigan nya.
Mahina ang puso ni Hector. At nararamdaman ko yun kahit hindi kame magkasamang lumaki. Kapag ka nasa binggit sya ng kamatayan ay nanghihina din ako. Ilang beses na nagyari sa akin yun. At kailangan nyang magpagamot ngayon. Kailangan nya ng ma heart transplant sa America. At hindi kaunting pera ang kailangan ni papa kaya naman wala syang ibang maisip kundi kumapit sa pinaka makapangyarihang taong kilala nya. Ang pamilya Delmar. Palihim nyang pinaiimbistigahan ang pamilya Delmar para makuha ang mga loob nito at makahiram ng pera para sa operasyon ni Hector. At nang malaman ni Papa na gusto ng anak ng mga Delmar si Hector ay isa lang ang naisip nyang paraan. Pinagkasundo nya si Hector sa anak ng mga Delmar na si Maxwell. Kapalit ang kasundoang kasal ay, ang perang pinautang ng mga Delmar kay papa na inaakalang ibubukas ng negosyo pero ang totoo ay ipapagamot kay Hector.
YOU ARE READING
Midnight Claimed (𝐁𝐗𝐁) || Hyunlix
FanfictionMaximus William Delmar or known as Maxwell is the only heir of elite gay couple that owns a multimillion dollar company. Meron syang crush kay Hector Sebastian Sevilla, na anak ng isa sa mga kaibigan ng daddy nya.. Kaya naman ng nag propose ang dadd...