Chapter Three

476 40 71
                                    

Chapter Three: The New Family Member

Paulit-ulit kong binasa ang laman ng sulat. Umaasa yata ako na magbabago ang laman noon o kaya naman namali lang ako ng basa. Hindi kasi kapanipaniwala. Hindi kasi katanggap-tanggap. Ito na ba ang sinasabi ni Mama na dahilan kung bakit kailangang ako ang pumunta dito? Itong-ito na ba ito? Wala na ba talagang atrasan? Wala na ba talagang makakapigil dito?

Bakit ko hinayaang ibigay nila ako sa kanila?

Ang totoo, hindi ko alam kung bakit iyan ang nasabi ko nang matapos kong basahin ang sulat. I mean, talaga namang mapapatanong ako kung bakit nila ako pinamimigay pero bakit ba parang hindi ako ang nagtanong noon sa sarili ko?

Nabati yata ako sa daan papunta dito kaya kung ano-ano naririnig ko. Hindi kaya nasobrahan ako sa Vitamin D ng araw? O kaya naman hindi kinaya ng pagkababae ko ang mga impormasyon na nalaman ko? Grabe naman kasi. Limang araw akong tulog.

"Tita Prim!!!" Kasabay ng sigaw na iyon ay ang pagbukas ng pinto. Tumatakbong pumunta sa'kin si Yée.

Natatawa akong binuhat siya. "H-Hey, baby girl."

Agad siyang yumakap sa'king batok at isiniksik ang mukha sa leeg ko. "Nagtatago po ako kay Daddy Wej kasi po nabasag ko 'yung vase doon sa kwarto niya. Hindi ko naman po sinasadya pero po kasi sabi ni daddy important daw po for him 'yung vase na 'yun. Natatakot po ako kasi po baka pagalitan niya ako. Tita Prim, please help me po. Don't tell Daddy Wej na I'm here."

Napangiti ako. Hindi ko na alam kung ilang araw na akong nandito pero ganito na talaga si baby girl. Tuloy-tuloy siyang magsasalita na kahit gugustuhin mong sumingit, hindi mo magagawa.

Hinalikan ko ang ulo niya. "Sige. Tutulungan kita pero kailangan mong i-promise sa'kin na magso-sorry tayo kay daddy mo."

Tumango lang si Yée. Mukhang inaantok na siya kaya naman nahiga na lang kaming dalawa.

Sabi nila, 'wag daw muna akong lalabas. Siguro may nakakahawang sakit na ako dahil ayaw na nila akong palabasin o kaya naman ikinulong na nila ako dito. Kahit ano pa man 'yung dahilan, hindi na rin ako magrereklamo. Daig ko pa ang kapamilya nila sa pag-aalaga nila sa'kin.

Doon ko naibalik ang tingin sa sobreng nasa bedside table ngayon. Iyon ang naglalaman ng isa sa mga patunay na ayos lang na nandito ako at wala na akong karapatang magreklamo. Napabuntong hininga at napailing na lang ako.

"Tita?"

"Hmmm?"

"Can you introduce yourself to me? Sabi po kasi ni teacher sa amin we will have some visitors and we will have to introduce ourselves to them. I'm mahiyain po kasi and I don't know how to speak in front of anyone else I didn't see before."

Tumango ako at nilaro ang dulo ng mahabang buhok niya. "I'm Prim Gallego, 18 years old. I'm a journalist student."

Tumingala si Yée para makita ako. "Bakit po kayo nandito? Kilala niyo po ba si Daddy Wej? Kasi po you seem to know my every other titos but you don't know my daddy."

Ang bata ay naging matanong na. Nasa hot seat ako nang 'di inaasahan. "Nandito si Tita Prim mo kasi may ihahatid siyang gift para sa family niyo. Dapat hindi magtatagal si tita pero nagkasakit siya kaya nandito pa siya." Kilala ko ba si Wej? Hindi. "Kilala ko sila tito mo kasi napuntahan ko na sila o kaya naman nakausap. Si Daddy Wej mo, ngayon ko pa lang nakita."

Tinitigan ako ni baby girl na para bang sinusuri niya akong mabuti. "You never saw daddy before? As in never ever?"

"Yes, baby girl. Ngayon ko lang din nalaman na Sullivan pala ang surnames nila tito mo." Inayos ko ang buhok niyang nakatakip sa kanyang mukha. "Tanong mo pa kay daddy mo, for sure ngayon lang din niya ako nakita."

The House of SullivanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon