Prologue: The House of Sullivan
Sabi ng mamang mahaba ang balbas kanina, malapit na raw ako sa paroroonan ko. Konting lakad na lang daw at makikita ko na ang hinahanap kong bahay. May malaking itim na gate at magandang garden sa harap. Parang ang daling hanapin at specific na ang description, pero nagkamali pala ako. Ilang oras na akong naglalakad dito at wala na akong ginawa kundi maglalalakad sa liblib na lugar na 'to. Aba upod na yata talampakan ng sapatos ko!
Kung magta-tricycle naman ako, paniguradong ubos ang pang-isang buwang allowance ko kanina pa. Wala tuloy akong choice kundi ang lakarin ang sinasabing "malapit" na.
"L-Lola, saan po ba ang bahay ng Sullivan dito?" Tanong ko kay nanay na nakaupo sa tapat ng bahay niya siguro.
Mukhang naman nakuha ko agad ang atensyon ni lola. "Sullivan ba kamo? Ano bang gagawin mo roon hija? Sigurado ka bang ang mga Sullivan na nakatira sa malaking mansyong may malaking itim na bakod ang pupuntahan mo?"
Bakit ba ang daming tanong nitong si lola? "May dadalin lang 'ho ako doon sa kanila."
"Nako hija. Huwag ka na sigurong tumuloy roon---"
Napahinto si lola at namutla. Napatingin naman ako sa likod ko dahil doon nakatingin si lola pero wala namang tao.
"Lola?" Ikinaway-kaway ko pa ang kamay ko harap niya.
Kanina ganito rin ang nangyari kay mamang mahaba ang balbas. Akala mo nakakita ng multo. Pero siguro dahil sa katandaan na rin. Katulad nitong si lola, sigurado ako na mas matanda pa si lola ko sa kanya at kung anu-ano na rin ang nakikita niya. Baka ganito lang talaga kapag matanda na.
Napakamot ako ng batok. Nagpasalamat na lang ako kahit na hindi sinagot ni lola ang tanong ko. Dahil wala na naman akong lead kung saan magpapatuloy, naglakad lakad lang na naman ako.
"Ay baklang sunog!"
At kung minamalas ka nga naman, pati ang gagang nakausling bato sa daan ay talagang tinalisod pa ako.
"Ugh!" Sigaw ko sa bwisit. Nagkanda-letse letse na naman ang araw ko.
"Hindi ka naman galit galit diyan sa buhay mo."
Napalingon ako sa nagsalita at kulang na lang tumili ako sa kilig. OMFG! Nasa harap ko ngayon ang sikat na sikat na teen model! Sinubukan kong tumayo pero muntikan na naman akong matumba. At dahil ang haba ng hair ko, inalalayan ako ng nag-iisang Calif dela Vega!
Inayos ko naman ang sarili ko ng makahuma na ako sa sarili kong katangahan. "A-Ah... P-Paanong...? B-Bakit...?" Hindi ko maituloy ang sasabihin ko sa pagka-starstruck ko sa kanya.
Nginitian niya ako. "Narinig ko kanina ang tinatanong mo kay lola." Sabi niya at itinuro ang bahay sa gilid namin.
Hindi ko ba alam kung matutuwa ako o iiyak. Sa layo-layo ng nilakbay ko, nandito na ako. Kanina pa ba nandyan 'yang bahay na 'yan?! Kanina pa ako lakad ng lakad! Ni hindi ko tuloy ma-appreciate ang ganda ng mansyong 'to.
Pero hindi lang pala ako doon magugulat...
"We live there. I'm Cal Sullivan." Parang wala lang sa kanya ang impormasyong ibinigay niya. Parang wala lang na sinabi niya ang pangalan niya in real life at hindi siya nagpakilala sa'kin sa screen name niya. "Wala 'yung iba kong kapatid pero nandito si Xan, Osc, Ron, Uel, Wev, Dio, Erv, Gad, Leo, Sef, Taj, Jed..."
Hindi ko ba alam kung saang part ako dapat magulat. Sa part ba na karamihan ng kilala kong artista, model o kahit sikat na tao ay mga Sullivan pala? Ang sabi kasi niya ay mga "kapatid" niya. O sa part na hindi ko alam kung saan sila nanggaling, na basta na lang silang sumulpot mula sa likod nitong si Cal? O sa part ng daig ko pa ang pinalibutan ng naggwagwapuhang nilalang ngayon? Bigla yatang lumamig ang ihip ng hangin dito.
Lahat sila ay nakangisi sa'kin na akala mo may magaganap na gang rape.
Inayos ni Cal ang salamin niya na ngayon ko lang napansing suot niya. "Ah oo nga pala, nandito din si Wej."
Doon ako napatingin sa likod nila. Naglalakad papunta sa amin ang lalaking seryoso ang mukha.
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. May kung anong meron sa kanya na magpapataas din ng balahibo mo. Nang makalapit siya sa amin, doon lang siyang ngumiti at tuluyan na ngang naglabasan ang goose bumps ko.
Inilahad niya ang kamay niya ng hindi man lang nawala ang matamis niyang ngiti. "I'm Wej. Welcome to Sullivan."
BINABASA MO ANG
The House of Sullivan
Misteri / ThrillerHindi ko ba alam kung ako lang ang nakakapansin o talagang ganoon sila. Sa umaga para silang laging abala. Kapag naman gabi na, akala mo ang sisigla at ewan ko pero natatakot ako sa mga galaw nila. Ako lang ba ang nakakahalata o sadyang ayaw ko lan...