Chapter One

582 51 46
                                    

Chapter One: Sullivan Everywhere

Nakayakap ako sa sarili ko ngayon. Una, malamig kasi dito sa loob ng bahay nila. Or mansyon talaga ang right term sa laki. Pangalawa, ikaw ba naman ang mapalibutan ng labing tatlong mga kalalakihang dinaig pa yata ang mga anak ni Aphrodite e ewan ko na lang kung di ka kilabutan. At sa laki din ng sala nila, magkakasaya talaga ang  benteng katao dito. Parang ngayon lang na fourteen na kami dito. Pero seryoso, hindi ko makita kung nasaan 'yung aircon pero mukhang nakatodo iyon.

"Ang sabi po ni Mama, kahit daw kanino sa inyo ko iabot ito." Sabi ko at inilapag ang may kalakihang box sa center table.

Nasabi ko bang may dala akong malaking backpack? 'Yung tipong daig ko pa ang magka-camping sa laki. Buti na lang at mabait sila kaya si Osc, Oscar de Guzman: ang dakilang band vocalist ng Band Aid, ang nagbitbit nitong bag ko kanina papasok. Dala ko na rin kasi ang mga pamalit kong damit kaya medyo mabigat talaga. Imaginin niyo na lang ang pagod ko dala ang buong buhay ko sa likod ko.

Nahalata kong lahat sila ay curious sa laman ng box. Ako rin naman. Hindi ko rin kasi alam kung anong laman nito.

Napangisi si Wev, siya 'yung kilala ko noong Wej. Wever Tiongson: siya 'yung nabalitang nabigyan ng award sa Malaysia bilang abstract painter / artist. Magkamukha sila na hindi. Di ko ma-explain pero ganoon nga ang tingin ko sa kanila. "'Yan na ba?"

"Kung 'yan na'yun, pwede na." Nakangising sabi naman ni Xan. Ang playboy actor na si Xanon Villega on screen. Habulin 'yan. As in literal na hinahabol.

Lahat ng tingin ay napunta sa totoo ng Wej. 'Yung lalaking nagpapatalon sa puso ko sa weird na paraan. Kanina pa e, simula pa lang nang hawakan niya 'yung kamay ko. Actually kanina pa simula ng magtama ang mga mata namin. Hindi siya sumagot kundi tinitigan niya lang ako na naging dahilan para ibaling ko ang tingin ko sa iba.

"H-Hindi ko rin alam ang laman niyan." Napalunok pa ako. "P-Pasensya na."

Nginitian ako ni Ron. Si Ronzel Buenavista, ang teen model din na gaya ni Cal, muntikan na naman akong mapatili. "Mas maganda na talagang 'di mo nalaman kung anong laman niyan." Sabay kindat pa.

Napatango na lang ako kahit na daig ko pa ang kinikilig na ewan. Sa mga ganitong sitwasyon, hindi ko na alam ang sasabihin ko. Wala naman kasi talaga akong alam tungkol sa bagay na ipinadala sa'kin.

Ito pa ang masakit. Ang alam ko, pwede naman ipadala ni Mama 'yan kung kanino at magbayad na lang siya pero ang nangyari pa ay ako daw ang kailangang magdala at meron din daw kasing mahalagang ibibigay sa'kin ang pamilyang ito. Hindi ko alam kung ano. Pero worth it naman ang paglalakbay ko sa liblib na lugar na 'to dahil daig ko pa ang nanalo sa lotto. Kaharap ko na ang ilan sa mga kilalang tao sa bansa ng libre at hindi man lang ako gumastos.

Sinulyapan ko si Wej pero agad din nagbawi ng tingin. Nakatitig pa rin kasi siya sa'kin. Puso ko. 'Yung puso ko sumasakit.

Biglang nagpaalam si Taj, hindi ko kabisado ang pangalan niya, kasama sina Sef at Leo. Mukhang may importanteng pupuntahan. Narinig ko na ang mga pangalan nila noon sa mga balitang pang-medical.

Napatingin ako kay Uel(?). Hindi ko kasi alam kung Uel nga ba pero iba kasi ang ngiti niya sa'kin at mukhang kilala niya ako. Pamilyar naman kasi siya sa'kin. Hindi ko nga lang alam kung saan ko siya nakita o nakausap.

Sa totoo lang, kilala ko sila kahit na hindi na sila magpakilala isa-isa. Bakit? Isa kasi akong journalist student. Student pa lang dahil obviously, nasa college pa lang ako. Lagi silang nailalaman sa balita pero ngayon ko lang nalaman na mga Sullivan pala sila. Hindi ko alam kung para saan ang paggamit nila ng screen name o kaya naman bakit hindi nila ginagamit ang Sullivan. Lahat naman sila ay magagaling sa iba't ibang larangan, mas nakakabilib na pare-pareho pala silang galing lang sa iisang pamilya. Sullivan.

The House of SullivanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon